Isn't it ironic na ang Pilipinas ay isang bansang napapaligiran ng katubigan ngunit ang mainit na issue ngayon sa ating bansa sa ngayon ay ang kakapusan ng mapagkukunan nito? Sumapit na rin ang panahon ng tag-ulan subalit hanggang ngayon ay kapos pa rin ang supply ng tubig sa mga areas sa NCR at Region 4 na nasasakupan ng Maynilad at Manila Water. Nakakaawa ang senaryo ng mga kababayan natin na naguunahan na makapila para lang makakuha ng iilang litro ng tubig na inirarasyon sa kanila.

Hindi rin kinaya ng powers ni Bagyong Basyang na paangatin sa normal level ang level ng tubig sa mga dams specially ang tubig sa Angat Dam sa bayan ng Norzagaray, Bulacan na syang main source of potable drinking water ng mga taga Maynila, Quezon City at mga karatig lugar nito. Hanggang sa ngayon kasi ay nananatili pa rin ito sa critical level. Although, ayon sa mga news reports na napanood ko ay tumaas naman daw kahit papaano ang level ng tubig sa Angat these past few days dahil sa mga paguulan. Pero hindi pa rin ito sapat para masuplayan ang lahat ng mga barangays sa NCR/Region 4 na hanggang sa ngayon ay nakakaranas pa rin ng mahinang pressure ng tubig or worse ay wala talagang dumadaloy na tubig sa kanilang mga gripo.
Syempre, kanya-kanya nang sisihan ang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng NAPOCOR , etc. at iba pang mga kagawaran na nangangasiwa sa mga patubig . May nagsasabi na sobra-sobra daw ang pinakawalang tubig ng Angat Dam noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. May mga nagsasabi din na dahil sa mahabang tag-tuyot na dala ng El-Niño kaya tayo nakakaranas ng krisis sa tubig ngayon. Pero anu't ano pa man ang mga dahilan ay hindi ito ang panahon para magsisihan. Napakaraming alternatibong paraan para sana maiwasan ang ganitong mga problema. Isa dyan yung makapagpatayo pa sana ang pamahalaan ng mga bagong dams upang hindi nasasayang ang ulan na dala ng mga bagyo taon-taon. Nandyan din ang Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal at Laguna Lake na puwedeng pagkunan ng tubig. Magkaroon din sana ng marami pang water treatment plants dito sa ating bansa na magagamit sa pagrerecycle ng maduming tubig. Siguro ay panahon na rin upang pondohan ng ating pamahalaan ang pagkakaroon ng "desalination plants" sa ating bansa na syang magtatanggal ng alat sa tubig-dagat. Sayang naman ang tubig sa ating mga karagatan kung hindi natin ito mapapakinabangan. Sa mga mamamayan naman ay sana magtipid tayo sa tubig at tigilan na ang pag-aaksaya. Matutong mag-imbak ng tubig upang may magagamit sa panahon ng krisis. Ireport agad ang mga broken pipelines at illegal connections. Lastly ay magdasal at humingi ng tulong sa ating Poong May Kapal. Magdasal tayo para sa sapat na dami ng ulan ^_^

:+: Prayer for Rain :+:
God,
in whom we live and move,
and have our being,
grant us rain,
in due abundance, that,
being sufficiently helped with temporal,
we may the more confidently seek after eternal gifts.
Through Christ, our Lord.
Amen.
Taken from Fr. Felmar's blog.

I am also thankful na kahit may krisis ngayon sa tubig ay hindi namin nararanasan dito na mawalan talaga totally ng tubig. Medyo humihina lang ang pressure nito sa araw pero pagdating sa gabi ay malakas na ulit.