Loading...
Monday, May 10, 2010

Congratulations! Your vote has been counted!


Ang tatak ng pagbabago ^_^
(Habol ko lang tong pic ng daliri ko... hindi ko kasi naipost toh kaninang umaga ^^)

"Congratulations! Your vote has been counted!"
Success! Yan, ang mga katagang pinakahihintay ko ng ipasok ko ang aking Official Ballot sa PCOS machine this morning ^^

5:45 AM pa lang ng umaga ay gising na gising na ako. Hindi halatang excited ako sa first ever Automated Election dito sa ating bansa. Syempre, di ko mapapalampas ang pagkakataong ito na ma-experience ang pagboto ng "automated" na. Last time kasi na bumoto ako ay mano-mano pa ang style ng pagboto. Kailangan mo pang isulat ang mga pangalan ng mga kandidatong iyong napupusuan sa iyong balota. Ngayon, ishi-shade mo na lang at presto within 5 minutes ay tapos ka na.

Before 6:30 AM at after kong makapaghilamos at makakain ng konting breakfast ay tumulak na kami patungo sa eskuwelahan na malapit dito sa amin. Walking distance lang sya actually mula sa house namin. Pagdating dun, hinanap namin agad ang precinct number kung saan kami nakatalagang bumoto. Ayos naman at nakita ko agad ang pangalan ko at ang pangalan ng nanay, kuya at kapatid kong babae. Sa pamilya namin, lima kaming registered voters at sa iisang precinct lang kami nakadesignate^^ Ang tatay ko lang ang bukod tanging nahiwalay ng room/precinct lols. Preskong-preko pa ang pakiramdam ko ng dumating ako sa voting precinct namin dahil maaga pa at konti pa lang ang mga tao. Binigyan kami ng number at pinapila pa kami ng mga ilang minuto. Nang ready na ang lahat, ayun sugod na kami sa loob ng precinct, pinakita ang voters ID, may pinapirmahan ang BEI (Board of Election Inspectors) at ibinigay na ang official ballot at marking pen. Napa-huwaw ako sa haba ng balota. Ang nagpahaba talaga sa balota ay yung names ng 180+ na Party-list at kung bakit ba sa dinami-dami ng Party-list ay iisa lang ang kailangan mong iboto amf! Anyways, medyo nanginginig-nginig pa yung mga kamay ko sa pagshi-shade ng bilog na hugis itlog sa tapat ng pangalan ng kandidato. Marahil ay dala ng pagka-excite ko or di lang talaga ako sanay sa pag-shade sa itlog haha! Back-to-back yung balota at nang matapos ako ay pumunta na ako sa harap ng PCOS machine, may pinirmahan ulit ako at pagkatapos ay pinasok ko na sa loob ng PCOS machine ang aking balota...

Verifying Ballot....

Congratulations! Your vote has been counted!

Success!!!

Akala ko kasi magkakaroon ng konting problema pagdating sa balota ko. Madiin kasi ang pagshi-shade ko kaya medyo bumakat yung ink sa likod ng balota. Mabuti naman at di na-reject ang votes ko ^^ After nun ay kinuha ang thumb mark ko at lastly, pinatakan ng indelible ink ang aking kanang hintuturo.

All in all ay di naman nagka-aberya ang mga PCOS machine dito sa aming voting precinct. Hindi rin nagka-brownout dito sa area namin. Thank God!

Ang aking tanging dasal ay sana, hindi ako nagkamali sa mga kandidatong aking pinili. Kung palarin man silang manalo ay sana, maisakatuparan nila ang lahat ng kanilang mga naipangako sa taong bayan.

25 comments:

  1. wow. i envy you. nakakboto kana, ako hindi pa. tsk. mabuti naman walang naging problem ung machine at hindi niregject ung vote mo :) sana ganyan din sa iba :D

    ReplyDelete
  2. looks nice i thing you are happy today great

    ReplyDelete
  3. YEah! Same here...Appear! Nkavote ka na last time, way back 2007? HOw old are you na pla..Hmmm! A first voter here!

    ReplyDelete
  4. Nice! nice! asng aga mo... di ka halatang excited talaga! hehehehhe

    ReplyDelete
  5. Congrats parekoy! Maituturing kang isang bayani sa ginawa mong pagboto...hindi mo inalintana ang pagod makaboto lang...

    ReplyDelete
  6. wahaha =)) buti nakatulog ka pa..ako mula gabi ng mother's day hindi na natulog..nagchat at nagupdate na lang ng blog tapos hinintay mag-umaga para makaboto..(di naman ako excited..wahaha) actually di ko naman first..at di din excited..gusto ko lang talagang bumuto ng umaga..ee medyo may kahirapan ako gumising ng maaga pag alam kong walang pasok sa trabaho..kaya minabuti ko ng di matulog..sanay naman ako sa puyatan, ee..hehe :)

    nways, congrats sayo at nakaboto ka :D

    i just hope that ONLY DESERVING candidates will win both in national and local positions :)

    ReplyDelete
  7. ang hirap tanggalin nung ink parekoy! hehe. smoothly din yung pagboto ko at counted din. hehe. apir tayo jan :P

    ReplyDelete
  8. Woi, Congratz!!! Saken din...jejeje... first tym voter... khit mgulo... natuwa nmn aq sa picos...jejeje!!!:)

    ReplyDelete
  9. wow aga nagising. kami 7:30 but there were lots of people already.. :D exciting nga especially first time voter pa ako. :)
    can I ask who's your presidential candidate? :)

    ReplyDelete
  10. wow aga nagising. kami 7:30 but there were lots of people already.. :D exciting nga especially first time voter pa ako. :)
    can I ask who's your presidential candidate? :)

    ReplyDelete
  11. ang aga mong nagising ah..5:45 am ay tulog pa ako kasi nalasing ako ng gabi,hehe..alam mo naman bigayan ng pera ng mga kandidato para sila ang iboto..kaya nag inuman kami..pero nakaboto pa rin ako..umabot nga ng sobra isang oras bago ako nakaboto..ang haba ng pila..

    ReplyDelete
  12. sabi nga ng isang dancer sa wowowee CONGRATSULEYSHENS!

    ReplyDelete
  13. @cheen: ilang taon ka na ba? sa tingin ko malapit ka na rin bumoto ^_^ yeah, luckily isa ang mga precinct namin sa mga hindi nakaranas ng aberya sa PCOS machine. Thank God talaga!

    @Ayu-chan: yay thanks! di ko pa tapos yung soul eater... medyo lazy ako these past few days sa panonood lolz.

    @knk: hey, thanks for dropping by and for commenting.

    @jhiegzh: yep, nakavote na ko dati. my age? 20+ na ako hehe.

    @Xprosaic: haha, uu excited talaga ako haha! gusto kong maging part ng historical event na toh XD

    ReplyDelete
  14. @Jag: haha, maraming salamat parekoy! waah? bayani? who? me? haha, hindi naman... lahat naman tayo ay mga bayani in our different way? ayt? XD

    @bluedreamer: uy parekoy! congrats din sayo for voting wisely XD I've already casted my votes today, thanks for reminding.

    @ur_gurLNxtdOor: Maraming salamat sa pagbisita ^^ ako din ay puyat nung nakaraang eleksyon... 1 AM na yata ako nakatulog nun, then gumising ako ng 5:45 AM lolz. yeah, lets just pray na maging maayos ang ating bayan pag umupo na ang mga nanalong kandidatong ating hinalal.

    @nightcrawler: yeah apir tayo jan parekoy. yung ink ko nga sa daliri ko, hanggang ngayon andito pa rin ahaha... tagal nyang matanggal lolz.

    ReplyDelete
  15. @windowlad: haha, congrats! kakatuwa yung automated election natin ngayon sa bansa.

    @Paolo: si Noynoy Aquino ang presidential candidate ko XD (oh diba nangunguna siya hehe)

    @Arvin: Waah!? may vote buying jan sa lugar nyo parekoy? T_T

    @Ferbert: haha, korek ka jan!

    ReplyDelete
  16. ay fiel, di ko makuha ang url nitong post mo.

    ReplyDelete
  17. @ms. okray pinay:
    eto po yung url:
    http://fiel-kun.blogspot.com/2010/05/congratulations-your-vote-has-been.html

    ReplyDelete
  18. saludo ako sa lahat ng kabataang bumoto
    maigi yan
    nasa iyon ang kinabuksan ng bayan

    ReplyDelete
  19. wahhhhhhhh....gala ako ng gala noong eleksyon..buti pa kayo huhu..sa 2016 boboto na talaga ako!!!! haha

    ReplyDelete
  20. buti ka pa naging parte ng kasaysayan sa kauna-unahang automated election sa bansa---ako---dni di nakahabol sa registration---I feel sad, really sad

    ReplyDelete
  21. @Rafter: Salamat sa pagbisita sa aking blog and yeah, saludo din ako sa bawat Pilipinong nagtiis sa init ng panahon nung May 10 ma-exercise lang ang kanilang karapatang bumoto.

    @Sendo: Haha, sarap din nga nung nature tripping nyo nung May 10 eh XD

    @Pusang-Kalye: don't feel sad parekoy... sa 2016 may national election ulet. Siguro merong free registration before that date.

    @bebeshai: Umm, so far leading si Noynoy hehe ^_^

    ReplyDelete
  22. Congratulations parekoy at nakaboto ka. ^_^

    Sana at may magbago sa bansang Pilipinas.

    Cheers!

    ReplyDelete
  23. yes.. awesome huh... atleast yung boto mo worth it..

    ReplyDelete

 
TOP