Loading...
Sunday, May 16, 2010

Ang simula ng pagbabago...

Nais kong i-share sa inyo ang isinulat ni Ms. Bettina Carlos sa kanyang column na Wanna Bet mula sa pahayagang PM (Pang-Masa)

Sino ang nanalo sa nagdaang eleksyon? Tayo!
Winner tayong lahat - tayo, ang mga Pilipino na bukas na tinanggap ang panibagong pamamaraan, teknolohiya at proseso ng pagboto; na sa halip ng init at hirap ng pinagdaanan noong Lunes ay in-exercise pa rin ang karapatang bumoto; ang mga volunteers na masinop na nagbantay at tumulong upang mairaos nang matiwasay ang halalan. At siyempre, kahit hindi winner sa numbers ay winner din sa akin ang mga kandidatong nag-concede dahil sa kanilang ipinakitang sportmanship. Pagpapakumbaba at pagtanggap sa katotohanan nang taas-noo. Ito ang ipinakita ng mga kandidatong tinanggap ang kanilang pagkatalo sa mga hinirang at mistulang panalo na. May I quote:

Manny Villar: "I come to you now to accept the people's verdict," - Nang akala kong si Villar pa ang hindi susuko, isa sya sa mga pinakaunang nag-concede. Ani pa niya, "My dream to eradicate poverty does not end here and I intend to continue this, maybe in a different way." This is nice to know, Senator. Hindi naman sa pagkapangulo lamang maaaring ipakitang maiaahon ang ating lipunan mula sa kahirapan. Nawa'y sa iyong pagpapanatilihang katungkulan ay malinis mo ang iyong pangalan mula sa mga pangit na akusasyong lumabas sa panahon ng kampanya.

Eddie Villanueva: "I will find ways to help in nation-building espcially in areas where we could pursue social reforms that would benefit the majority of the Filipino people." Amen!

Gilbert Teodoro: "The election is over and through the grace of God the process has been peaceful. The people have spoken. I hope they will use this opportunity to serve the country well." Isa ito sa ipinagpapasalamat ko. Na sa halip ng mga sabi-sabi at husga na magkakaroon ng failure of elections, ay naidaos natin ang halalan nang tahimik at mabisa. At siyempre na may gabay ng Panginoon.

Richard Gordon: "I congratulate Noynoy for this spectacular victory. I call on our people to support him. I ran a straightforward campaign and thought that we could run on the basis of platform, track record, vision and volunteerism." Sir, nawa'y ituloy n'yo pa po ang pag-materialize sa lahat ng inyong ine-envision para sa ating bayan. Sana ay mag-multiply ang mga opisyal na kasing driven at kasing sipag ninyo.

But we don't end here. Hindi lamang dahil mapayapa at matagumpay ang 2010 elections ay titigil na tayo rito. Sa katotohanan, ito pa lamang ang simula - ang unang hakbang tungo sa ating inaasam na mas magandang kinabukasan.

------------------------
My personal note:
Ako'y taos pusong nagpapasalamat sa ating Poong Maykapal at naging matagumpay at mapayapa sa pangkalahatan ang nagdaang halalan. Ako'y sumasaludo din sa ating mga kababayang nagtyagang pumila makaboto lamang. Hindi nila alintana ang init ng panahon, siksikan, uhaw, gutom, pagod at haba ng pila maihayag lamang sa samabayanan ang kanilang boses. Maraming salamat din sa mga guro, poll watchers, at mga pulis na matyagang nagbantay noong halalan.

Sa mga nanalong kandidato, nawa'y ito na ang simula ng pagbabagong inaasam-asam ng bawat Pilipino. Sana ay ibalik ninyo sa taong bayan ang tiwalang ibinigay nila sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad sa inyong mga pangako.

Sa mga natalong kandidato naman ay tanggapin natin ng maluwag at taos sa ating mga puso ang pagkabigo. Alalahanin din sana natin na kahit wala tayo sa katungkulan ay maaari pa rin tayong tumulong at maglingkod sa bayan.

Ito na sana ang simula ng pagbabagong ating hinahangad...

18 comments:

  1. Amen!!! I'm with you!!!:)

    Good day!!!:)

    >Kelvin

    ReplyDelete
  2. Nice post. :)

    Si Erap - walang comment? LOL.

    ReplyDelete
  3. mm, super peaceful talaga ang election :D

    i really salute villar, kahit siya ang may pera sa kanilang lahatm hindi niya ito ginamit para mag cheat. so lahat nang sinasabi niya ay totoo :D some of them :)

    yea, wala sinabi si erap? :)

    ReplyDelete
  4. Weee.Nice one Fiel! Very updated kapla sa election huh! haaizt im already craving for vie presidential results..still keeping my faith roxas' victory!

    ReplyDelete
  5. @windwlad:
    Amen for that too! :)

    @Paola and Cheen:
    As far as we all know, di pa rin nagco-conced si Erap sa ngayon. Although alam nyang 5 million+ ang lamang na boto sa kanya ni Noynoy ^^

    @Jhieghz:
    Haha same here parekoy! pero ewan ko lang ha? I have this feeling na baka si Binay talaga ang magiging VP naten >_<

    ReplyDelete
  6. Nice noh... hope this will be a great start... hehehehehehehe

    ReplyDelete
  7. ang masabi ko lang paano magkakaroon ng pagbabago kung karamihan na mga nanalo ay puro mga traditional politician..kaya nagkaroon ng hangad na pagbabago ay dahil sa mga politikong iyon na mga datihan na at hindi maganda ang naging pamamalakad..pero sila pa rin ang mga nanalo.......but i hope maging maganda ang administrasyon ni noynoy..hindi magkaroon ng maraming anomalya..

    ReplyDelete
  8. sana nga...sana...

    at sana suportahan na lang ang mga nahalal at wag ng mag-away away pa...

    Andito ako sa Laguna...wala ako sa Davao now parekoy hehehe...

    Ingat!

    ReplyDelete
  9. i salute them for being sport unlike the other four presidentiable candidates..na ang damidami pa ring sinasabi..

    ReplyDelete
  10. yup.. wawa naman si Manny Villar, but he is brave enough to accept his defeat. And that;s the man.. Wala ng sinasabi na daya daya. great post!

    ReplyDelete
  11. Wew... may pagbabago din palang nagaganap kahit papaano... hahahah! =)

    ReplyDelete
  12. the best si Manny Villar when it comes to this one....saludo talaga ako for what he did. I think he is thge 1st high profile candidate to concede in recent history and I hope this will start the culture of conceding ---kasi sa bansa natin di marunong tumanggap ng pagkatalo mga kandidato---puro nalnag dinaya ako , dinaya ako ang banat---sakit sa panga

    ReplyDelete
  13. parang nawala lahat ng sinabi mong si bettina carlos ang nagsulat. ultimate crush ko kaya yun. hehe.

    ReplyDelete
  14. aww, sana nga ito na talaga start ng pagbabago. i'm really looking forward for a better pilipinas. :D

    ReplyDelete
  15. hi pare koy, i really really need your immediate response here before we start the round 3
    please visit this page
    http://blogidolforum.blogspot.com/
    and tell me your opinion about it..

    ReplyDelete
  16. I'm looking forward talaga sa "PAGBABAGO". Sana pagkatapos ng ilang taon, makabangon muli ang Pilipinas. :D

    ReplyDelete

 
TOP