Loading...
Sunday, April 4, 2010

[Movie Review] Jenny, Juno



Genre:
Comedy/Drama
Released Date: 2005
Starring: Park Min-Ji (Jenny) and Kim Hye-Sung (Juno)

Sa lahat marahil ng napanood ko nang mga Korean movies, ang pelikulang "Jenny, Juno" na siguro ang maituturing kong cutest, adorable at one of the best ika nga.

Ang sentro ng pelikulang ito ay umiikot sa buhay ng dalawang batang magkasintahan na sina Jenny, ginampanan ni Park Min-Ji at Juno, na ginampanan naman ni Kim Hye-Sung. Sa mura nilang edad na 15, ay mayroon na silang mabigat na pasanin at responsibilidad sa kanilang mga balikat; ito ay nang madiskubre ni Jenny na siya ay nagdadalang-tao. Sa simula ay nagawa pa nila itong maitago sa kanilang mga magulang dahil na rin siguro sa takot at kahihiyang maaaring idulot nito sa kani-kanilang mga pamilya. Ginawa nila ang mga paraan na inaakala nilang tama in their own cute and innocent ways. Pero di naglaon at ayon na rin sa kasabihan na "walang sikretong di nabubunyag" ay nalaman din ito ng kanilang mga magulang. Sa parte nila, it's only natural lamang sa simula na ang maging initial reaction nila ay ang magalit, nandyan din yung stage of denial, the bargaining at syempre eventually ay natanggap na rin nila kung ano ang nangyari.

I'm pretty much sure na kung maipapalabas ang pelikulang ito sa Pilipinas ay marami ang magtataas ng kilay at magko-"condone" (lalo na ang MTRCB lols - although wala namang actual sex scenes ang pelikula) dahil medyo sensitive ang nature ng topic which is about teen-age pregnancy. Pero di lang naman tungkol sa teen-age pregnancy ang mensaheng gustong iparating ng pelikula. Nais ng pelikula na ipabatid sa ating lahat na mali talaga ang ginawa ng dalawang bidang teen-agers. Pero iyon ay maituturing na aksidente at isang di sinasadyang pagkakamali lamang at ang pinaka mahalaga pa rin sa huli ay ang kanilang tunay at wagas na pagmamahalan sa isa't-isa plus of course, with a proper guidance from their parents. This film not only shows how we make a mistake in life but how we should take responsibility as well.

Bato na lang siguro ang puso ng taong di-kikiligin sa cute na pelikulang ito. Pakiramdam ko ay nagbalik muli ako sa pagiging teen-ager. (Wag nang kokontra, di pa ko gurang! bata pa ko haha) Haayyz.... ang sarap ma in love!!!

*spoiler* Tinatanong nyo kung ano ang nangyari sa kanilang baby? Nailuwal naman ito ni Jenny ng matiwasay. Silang dalawa ni Juno ay nagpatuloy sa pag-aaral habang tintulungan naman sila ng kanilang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang sanggol ^_^







Happy Easter!!! (=^_^=)

26 comments:

  1. hmm, may nabasa acong movie na ganyan sa hancinema. try ko daw yan hanapin se mall, ang cute ng story aa :D

    happy easter sunday kuya :D

    ReplyDelete
  2. @Cheen: uu trust me, cute ng story nito. Di nakakasawang panoorin. Happy Easter din sayo :)

    @Ayu-chan: Dinownload ko lang yung movie sa net.

    Punta ka dito:
    http://chinkymovies.blogspot.com/2007/02/k-movie-jenny-juno.html

    ReplyDelete
  3. Cute ba parekoy? Hehe

    At dahil d'yan parang gusto ko na rin panoorin 'tong movie na ito. :-)

    ReplyDelete
  4. oioioi!!!

    nice!!!

    JUNO ng america meron!!!
    http://www.youtube.com/watch?v=K0SKf0K3bxg&feature=fvst

    favorite ko yun, kaya for sure magugustuhan ko rin 'to!

    sana makahanap akong dvd...haha!

    ^ - ^

    ReplyDelete
  5. @Ishmael:
    Wuy parekoy! uu tol, cute at maganda tong movie na to.... light lang ang drama with comedy pa. Panoorin mo na. Ayun oh, nagpost ako ng link sa itaas kung saan pwede i-download ^^

    @Gege:
    Di ko pa napapanood yung american version pero mas da best tong original... ayon nga daw sa nabasa somewhere, parang ginaya daw ng america yung sa Korean version.

    Download or watch it here:
    http://chinkymovies.blogspot.com/2007/02/k-movie-jenny-juno.html

    ReplyDelete
  6. wow cute naman ng girl, pede pahinge ng copy nyan ^^

    ReplyDelete
  7. Naks! akmang akma ata yan sa mga panahong ito ah... may naalala tuloy ako... jijijijijiji

    ReplyDelete
  8. hala ka sa pirated mo ito napanood noh? lol! hehehe...

    cute ang girl hehehe...

    ReplyDelete
  9. alam na kaya ito ng mga utol kong adik sa korean movies? thanks for sharing fiel-kun!

    ReplyDelete
  10. i'm really not into Asiannovela pero i like them in a way that they are so light and almost evryone can relate compare sa mga pinoy teleserye which are so heavy drama talaga
    by the way i saw your blog through Ishmael's blog so i drop by here and pay to visit your site
    it's nice to be here
    hope yo can visit my site too if you have time
    Bluedreamer's Top Five

    have agreat day and happy blogging

    ReplyDelete
  11. ang cute talaga ng mga KOREANOVELA's at Movies. lalo pa kung mga bata ang bida....

    ....bata, sariwa at makinis---lol

    ReplyDelete
  12. @MM:
    Haha, ayun oh nakapost na yung link ng site sa taas ^_^

    @Xprosaic:
    Haha, at sino naman ang naalala mo parekoy? XD

    @Jag-kun:
    Waah hindi noh ahaha... dinownload ko yan sa net ng almost 1 1/2 hours parekoy hekhek XD Wala nga akong makitang pirated dvd nyan dito eh lols!!! ^o^

    ReplyDelete
  13. @Random Student:
    You're welcome parekoy. Naku, kung adik ang mga kapatid mo sa Korean movies, this film is definitely must see nila. ^^

    @bluedreamer:
    Wuy, maraming salamat po sa pagbisita sa aking blog. Geh, geh I'll visit you too after this.

    I also agree with you na, mas light talaga and less kontrabidas talaga ang mga drama/movies ng mga Korean, compared dito sa atin na naku, abot hanggang hell ang kasamaan nung kontrabida lols.

    @Pusang Kalye:
    "....bata, sariwa at makinis---lol"
    >>> gusto ko yan hehehehe!

    ReplyDelete
  14. wow! parang gusto ko tong panoorin ah...salamat sa pagblog neto..hanap ako ng kopya

    ReplyDelete
  15. ,,,nice fiel cute nang movie hehehe
    ,,kulet ng parents nila hahaha

    ReplyDelete
  16. @Sendzki:
    Wuy, maraming salamat po sa pagbisita at pagkumento sa aking blog. Meron nyan available sa youtube, kaso medyo malabo hehe.

    Try nyo dito where I downloaded it. Meron din silang for viewing.
    http://chinkymovies.blogspot.com/2007/02/k-movie-jenny-juno.html

    @Eiji:
    Waah may gate crasher!!! joke!!!! haha... buti at nagustuhan mo yung movie. yeah it's really cute!!!

    ReplyDelete
  17. wow ang kyut nmn nian, buti nlng korean ayoko kc ng other languages eh, ehe
    mukhang meron nnmn akong pnunuorin pampalipas oras at s problema ko ngaun, btw mrming slmat sa advice ah, un nga rn blak kong gwin pero d ko kea, im sure ako nnmn ang mali pg cnabi ko nrrmdaman ko s knla.

    ReplyDelete
  18. Wow, I want to try to watch this.
    Kaso may pinapanood pa ako ngayon.

    ReplyDelete
  19. sige try ko.....try ko rin download

    napanood mo na speed scandal? ganda rin yun!!

    ReplyDelete
  20. hi there it's me again... thanks for visiting my blog.... i will now come here often... thanks again
    hope to see you again in my blog

    have a great day and happy blogging

    ReplyDelete
  21. Hmm pasaway tong comment box ko ah ahaha XD sa labas nakalagay, 21 comments pagdating dito sa loob 18 lng? Nagcomment pa ko kagabi then pagopen ko this morning, nawala? asar! bugged ata!

    @Sendzki:
    You're welcome. Ayun oh, nakapost na sa taas yung link kung saan ako nag DL ng kopya ^^

    Speed Scandal? sounds porn. ahaha joke.. geh geh, will try to watch as well. salamat parekoy.

    @Eiji:
    Waah may gate crasher! joke joke!!! :D sabi ko sayo cute yang movie na yan, glad you liked it.

    @bluedreamer:
    Wuy, maraming salamat. Will do the same as well. Link ex?

    ReplyDelete
  22. hi there fiel kun, done placing your link in my blog roll, thanks for visiting me again!!
    have a great day and happy blogging

    ReplyDelete
  23. hayaan mo at hanapin ko ito.. di ako familliar eh..

    ReplyDelete

 
TOP