Loading...
Sunday, March 28, 2010

Semana Santa 2010



     Ngayong araw ng Linggo ay Palaspas na or "Palm Sunday". Hudyat na ito ng pagsisimula ng Mahal na Araw. Marami sa atin, imbes na mangilin ay nagbabakasyon at namamasyal sa kung saan-saan. Sa karamihan, ito lang kasi ang panahon na maaaring magsama-sama ang magkakaibigan at pamilya dahil walang pasok ang lahat. Siguradong puno na naman ang mga beach at resorts. Siksikan na naman sa Boracay. Ngayon pa lang, nagsisimula nang magplano ang magkakaibigan at pamilya kung saan ang kanilang destinasyon.

     Hindi na ganoon karami ang nagbibisita-Iglesia. Kakaunti na rin ang nakikibahagi sa Pabasa. Hindi naman kailangang hagupitin ang katawan ng latigo o magpapako sa krus. Nakaugalian na ito, ang pamamasyal sa panahon ng Semana Santa. Ang magsaya, uminom, pero huwag din sana natin kakalimutang magsakripisyo at mangilin. Alalahanin natin na ang diwa ng Mahal na Araw ay ukol kay Jesus na isinakripisyo ang kanyang buhay para sa ating mga kasalanan. Sana ay maisama n'yo Siya sa anumang inyong balak ngayong Semana Santa.


11 comments:

  1. believe it or not, i plan to catch on sleep. i really need quality sleep. so why am I even bloghopping then? ilang minutes lang naman to eh haha

    ReplyDelete
  2. Hindi ako nakasimba kasi my urgent work ako knina huhuhu...

    Salamat pa rin sa paalala parekoy!

    ReplyDelete
  3. Thank you for your reminder.
    i fasted myself on occasion..

    ReplyDelete
  4. salamat sa post mong ito..naaalala ko siya lagi..lalo na ngayong semana santa..

    ReplyDelete
  5. yeeeeee!!!
    ngayung week i'm super into something!
    ewan ko kung ano,
    basta alam ko gusto ko syang maka-usap!
    ahaha!
    maka-bonding!!!!!!

    haha!
    nababaliw nako.

    will be making this week WORTHWHILE.

    hi kuya fiel!!!

    :PPP

    ReplyDelete
  6. Sa amin dito sa Montalban parang may dagat ng palaspas sa sobrang dami ng tao na nagdala ng palaspas nila sa church.

    :-)

    ReplyDelete
  7. aco always present se mga ganyan :d hehe. naun ko lan nalaman na palaspas pala ang tagalog term nian:D hehe. thanks sa info :)

    ReplyDelete
  8. hmm... hindi talaga ako pala-simba parekoy, pero di naman ibig sabihin nun eh wala na akong koneksiyon kay papa Jesus. aalis ata kami bukas... hoping for tagaytay. i'll keep you posted parekoy :P

    ReplyDelete
  9. love the photo. parang may kuha akong ganyan. xD. hahah.
    $10 lang oi. hehe

    ReplyDelete
  10. wow, ganun sana ka peaceful and mundo...

    ReplyDelete
  11. oo nga. napapansin ko eh yung iba nagsasaya pa instead na makiluksa,,,

    ReplyDelete

 
TOP