Loading...
Wednesday, March 3, 2010

El Niño at Summer!



Buwan na ng Marso at opisyal nang masasabi na nagsimula na ang ating mahabang summer season dito sa bansa. Ngunit kakaiba ang init na nararanasan natin ngayon dahil na rin sa epekto ng "El Niño" Phenomenon. Buwan pa lang ng Pebrero ay naranasan na natin ang tindi ng init na dulot ng El Niño. Ayon sa PAG-ASA, asahan pa raw natin ang mainit at maalinsangang lagay ng panahon sa pagsapit ng buwan ng Abril at Mayo.

Headline ngayon sa mga dyaryo at news programs ang grabeng pinsala na tag-tuyot na dala ng El Niño. Nakakaawa ang ating mga kababayang magsasaka sa mga karatig lalawigan lalo na yung mga nasa northern at central part ng Luzon at sa iba't-ibang panig ng ating bansa. Tuyot ang lupa at nangamatay na ang kanilang mga pananim dahil sa kawalan ng suplay ng tubig mula sa mga irigasyon. Bumaba na rin sa critical level ang tubig sa mga dams na siyang nagsusuplay ng tubig sa mga taniman. Kahit magsagawa ng cloud seeding operations ang gobyerno ay huli na rin ang lahat. Umulan man ay di na ito sasapat upang buhaying muli ang lupang tigang. Bigla rin tuloy nauso ang rotating brownouts dahil kulang sa sapat na tubig ang mga dams para patakbuhin ang mga makina na gumagawa ng kuryente. Humina na rin ang pressure ng tubig na sinusuplay sa mga kabahayan dahil bina-budget na ng mga dam operators ang natitira pang tubig sa loob ng dam. Dati rati kung umaabot sa second floor ng bahay ang daloy ng tubig, ngayon ay hanggang sa first floor na lang. Minsan ay wala pa. Wish ko lang ay sana napaghandaan ito ng ating gobyerno noon pa man para hindi na humantong sa ganito ang lahat.

Alam din naman natin kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Ang El Niño ay isa lamang sa mga masamang epekto ng lumalalang "Climate Change" sa ating mundo. Nagsusumigaw din ang katotohanan na tayong mga tao (di ko naman nilalahat) mismo ang siyang dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng hagupit ni Inang Kalikasan. Pero hindi ito ang panahon para magsisihan. Marami pa tayong maaaring gawin. May pag-asa pa. Mahalin natin ang ating Inang Kalikasan. Sa ating munting paraan ay makakatulong tayo upang hadlangan ang masamang epekto nito. Magtipid sa tubig, magtanim ng maraming puno at maging disiplinado sa pagtatapon ng basura sa tamang lugar. Lastly, manalangin tayo at humingi ng tulong kay Bro ^_^

*phew* medyo naging seryoso ako dun ah... :)



On a lighter note...

Naku, kelan ba ako huling nakatuntong sa beach? Mukhang ten years ago na yata. lols. Sana this summer ay makabisita naman ako sa isang beach resort para makapagrelax at makapagpalamig man lang kahit saglit. Kahit sa isang swimming pool resort ay ayos na sa akin. Basta ma-enjoy ko lang ang summer vacation. Gusto ko rin magbakasyon sa Baguio. Yung maranasan ang malamig na panahon kahit na nagbabaga na ang temperatura sa Maynila ay cool na cool pa rin ang lagay ng panahon sa Baguio. Gusto ko din pumunta sa sikat na taniman ng strawberry sa La Trinidad Benguet at makita ng personal ang Banaue Rice Terraces!

I am also craving for some cold stuffs like Halo-halo, fruit shake, ice candy, ice cream, ice cramble, malamig na sago at gulaman, buko juice or kahit ice-tubig ay pinapatos ko na, maibsan lang ang init na nararamdaman ko dahil sa tag-araw.

24 comments:

  1. nagtatanim nga ng mga puno sa kagubatan pero paglaki ay pinuputol ng mga illegal loggers..bawat magtapon ng basura sa dagat pero may nagtatapon pa rin..

    ReplyDelete
  2. el nino is such a great problem ngayon.. nakakatakot ang epekto sa kalikasan at sa mga tao. buti nalang dito sa davao ay, umuulan pa.

    one thing that we should remember this is one sign ng global warming.. nakakatakot na talaga..

    ReplyDelete
  3. Naku sobra ang init ngayon! Nawawalan pa ng ilaw palage! Ang hina pa daloy ng tubig! ,..., naku talaga

    ReplyDelete
  4. gusto na ring magbeach kaso ayoko lang talaga ng sobrang init..tsk tsk

    ReplyDelete
  5. dito sa amin 3 na na umulan since february 21.

    pero super init pa rin. gusto ko na nga tumakbo sa dagat at magbabad maghapon.

    ReplyDelete
  6. @Arvin:
    Yeah, marami pa rin talagang tao ang di marunong magmahal sa kalikasan... sila yung mga walang karapatang magreklamo kapag mainit ang panahon... wala din silang karapatan magreklamo kung bumabaha man.. dahil kasalanan din nila kung bakit nangyayari iyon.

    ReplyDelete
  7. @Tim:
    Buti nga jan sa Davao, kahit papaano may nararanasan pa kayong ulan... dito sa Luzon naku po, nung November pa yata huling umulan kaya ayun, tuyot ang mga dam >_< global warming is indeed a terrible thing!

    ReplyDelete
  8. @Ahmer:
    Haha same here parekoy! kaka-brownout lang ngayong hapon dito, buti na lang isang oras lang tumagal... sa tubig, ayos naman ang supply namin dito. Malakas at di naman napuputol. (siguro, malapit lang ang lugar namin sa Wawa dam at sa La Mesa dam ^_^)

    ReplyDelete
  9. @superjaid:
    Hiyee Jaid! hehe, pwede naman night swimming para di mangitim :)

    @ayu-chan:
    Talagang "El ninyo" haha... ou sarap magbabad sa tubig lalo na at sobra inet ngayon >_<

    @Father Felmar:
    Malapit po ba ang lugar niyo dyan sa beach?

    ReplyDelete
  10. Sobrang init n nga tlga...last week I was in GenSan...super mainit at madalas p ang brown out kainis n El nino na yan! Buti na lang sa Davao once lng ang brwn out a day...

    Kahpon nasa Cebu ako...today im here in Bohol with my family...Bakasyon na!!!! jijiji....gala kau dito minsan jijiji...

    ReplyDelete
  11. ako mahigit sampung taon nang hindi nakakakita ng dagat...haaay!

    ReplyDelete
  12. Ahahahahahahha mukhang kating kati ka na sa summer vacation... ituloy mo na yan! sarap gumala at magpakasaya! jijijijijiji

    ReplyDelete
  13. @Jag:
    naks, pabaka-bakasyon ka na lang parekoy ah ^_^ kelan ka ulit maga-update ng blog mu?

    @Mulong:
    Haha, same here parekoy! salamat din sa pagdalaw sa aking blog. Sarap magbabad sa beach... sarap mag night swimming hehe... ayoko ma sun burn eh lols!

    @Xprosaic:
    Yeah! I am looking forward to it this summer parekoy! sana makagala ako with my family sa isang magandang beach or pool resort :)

    ReplyDelete
  14. yeah... sobrang inet... ktmad n 2loy lumabas... sana dumating ang araw n hindi lng sa farmville masipag magtanim ang mga tao... sana in real life ginagawa din nila un... TAMA2!!!:D

    good day!!!:)

    A blessed weekend!!!:)

    >Kelvin

    ReplyDelete
  15. yoyoyoyo! yap, walking distance lang kami dito sa beach. at ang beach dito ay kasingganda ng mga beaches sa boracay. unexploited pa.

    (off topic)
    kababayan ko pala itong si tim...taga-davao din pala siya...

    ReplyDelete
  16. it's not yet summer pero super init na talaga. Ngayong araw na 'to daw ang naitalang pinakamainit na temperature this 2010. waahhh...lagkit sa pakiramdam super!

    im afraid mas mainit comes summertime. wag nmn sana... ;(

    ReplyDelete
  17. kumusta parekoy? tagal ko di napadaan dito ah. hay naku... ayaw talaga mag-appear sa profile ko ang mga pinaggagagawa mo eh. hehe. nakakaawa talaga ang mga kababayan nating magsasaka. pero alam mo kung ano ang nakaka-bilib sa mga Pinoy? di nawawalan ng pag-asa. let's just pray na ang susunod na presidente ay makagawa ng paraan para a-boost ang agrikultura natin sa bansa. ayos :P

    ReplyDelete
  18. feel na feel mo na talaga ang summer ha hehe. ako rin i want to visit baguio soon. it's my childhood vacation spot kasi. instead na mainis ako sa summer, I try to optimize na lang the season by taking out-of-town trips

    ReplyDelete
  19. beach beach beach!!!!!!


    kaso wala akong pera eh... libre mo ako parekoy

    ReplyDelete
  20. Grabe na talaga ang init parekoy. As in. Naransan ko ang bangis ng araw for 3 weeks.

    Isipin mo ba naman na maglakad kame ng 100 kilometers for that whole duration dahil sa fieldwork. At sa major highways pa ng Metro Manila pa kami naglakad.

    Nangitim ako ng todo kaya di ko na kaya kailangan mag beach. Tama na muna ang pagta tan.

    Ikaw mag beach ka na para madagdagan kulay mo. :-)

    ReplyDelete
  21. nakakabaliw ang init...

    nakakatakot mag beach!
    AYOKO UMITIM!!!

    ahahaha!

    ReplyDelete
  22. @windowlad:
    Grabe ang inet ngayon *phew* Haha, tama ka! tamad-tamaran kasi ang mga tao today... mas gusto nakaharap lagi sa pc at nagtatanim sa farmville ahaha... eh kung sa totoong buhay kaya nila gawin yon noh haha XD

    @Fr. Felmar:
    Woot!? nice naman eh di lagi kayong nakatambay sa beach father?

    ReplyDelete
  23. @nightcrawler:
    Wuy parekoy! buti at napadaan ka ulit sa aking tambayan ^_^ Yeah, fighter ang mga pinoy eh... di tayo basta sumusuko sa mga problema at kalamidad... graduate na tayo sa mga baha at bagyo, kaya itong El Niño, yakang-yaka toh :D

    @Random Student:
    Lucky you parekoy! at patrip-trip ka na lang... siguro gagawin ko din yan pag may enough budget na ko in the future. :)

    ReplyDelete
  24. @saul:
    Wuy long time no see parekoy! Ngeek! libre ka jan... ako nga dapat ang ilibre mo eh ahaha... cge pag tumama tayo sa lotto, lahat kayong mga blog pals ko ililibre ko sa Boracay!

    @Ishmael:
    Haha, hate na hate ko din ang sunlight ngayon... sobrang sakit sa balat ang tindi ng araw...

    @Gege:
    Ahaha, pwede naman night swimming diba?

    ReplyDelete

 
TOP