Loading...
Tuesday, February 23, 2010

High Tech na talaga ang mundo...

[^] Ang dahilan kung bakit hindi mo na nakukumusta ang iyong mga classmates at friends ay dahil wala silang YM, Facebook or Friendster.

[^] Matagal nang panahon na hindi ka gumagamit ng totoong cards kapag naglalaro ng solitaire.

[^] May lima o higit ka pang cellphone numbers ng isang tao lamang at madalas pa itong mapalitan ng new numbers.

[^] Cellphone ang iyong ginagamit para hanapin kung saan mo nailagay ang isa mo pang cellphone.

[^] Ilaw ng iyong cellphone ang ginagamit mo bilang "flashlight" kapag may hinahanap kang bagay sa madilim na parte ng inyong bahay or lugar.

[^] Kahit magbobote, tindero ng gulay o tindero ng tinapa ay may cellphone na rin. Noong early 90's mga bigtime na negosyante lang ang nagse-cellphone.

[^] Magi-internet ka muna bago mag-almusal, tanghalian at hapunan.

[^] Halos lahat ng impormasyon na nais mong malaman tungkol sa isang tao, bagay o lugar ay makukuha mo nang lahat sa pamamagitan ng internet.

[^] Live mo nang mapapanood sa internet ang mga paborito mong tv shows at maaari mo na din mapakinggan ng live ang FM radio program na gusto mo.

[^] Karamihan ng commercials sa tv ay may website na ipinapakita sa ilalim ng screen.

[^] Hindi mo na kailangan lumabas pa ng bahay para mag-shopping. Puwede mo na itong gawin "online".

[^] Hindi na bunganga ang ginagamit sa paninira sa kaaway, cellphone at internet na.

[^] Laptop na ang ginagamit ng mga estudyante kapag may oral report sa school.

[^] Portable Sony Playstation (PSP) ang "in" na hand-held gaming device ngayon. Dati rati nagcha-chaga ka sa black and white na Gameboy at "game-and-watch".

[^] ATM machine na ang binubuhat ng mga magnanakaw... lols.

17 comments:

  1. hehe tama yan tol.
    pero pagdating sa baraha, di parin madadaig ang orig.

    dahil walang pc game na tongits o pusoy dos. haha

    ReplyDelete
  2. hahaha so real..grabe naman..high tech na talaga ang mundo..^_^

    ReplyDelete
  3. Natuwa naman ako sa sinabi ni Reigun!

    Well tama naman.... Hi Tech na talaga ang mundo pero may mga bagay pa rin na hindi madadala ng Hi Tech na iyan...

    ReplyDelete
  4. ahaha!
    ang lakas ng huling banat!!!

    hehe.

    :P

    nako korek!!!
    KOREK TALAGA!!!
    kaya ako, bilib ako sa mga taong
    MAY EFFORT...
    miski sabihin mo na KJ ako sa mga ka-hi-tech-an...
    basta!
    kelan ba may huling sumulat sa akin???
    (si maam, sa ojt... may inuutos... haha!)
    wag nating kalimutan na mas sincere!
    kung may effort.

    PERO THE BEST ANG FB!!!

    haha!

    anu ba talaga???

    haha!

    ^ - ^

    ReplyDelete
  5. @reigun:
    ahaha uu nga parekoy! wala pa yatang nakakaimbento ng tong-its online or pusoy dos online hehe.

    @superjaid:
    hello jaidee! salamat ulit sa pagdaan at pagkumento :)

    @lionheart:
    yep tama ka jan parekoy... tulad ng pag-ibig sa Diyos, kapwa at bayan ^^

    ReplyDelete
  6. @Gege:
    woot!? salamat ulit sa pagbisita at pagkumento :D

    ahaha, isa ka sa mga facebook addict ano? XD

    ReplyDelete
  7. Ahahahahhaaha asintado ka ah... jijijijijiji... buti na lang ala ako facebuk kaya hanggang ym na lang sila...at magmumura sa akin kung bakit ala akong facebuk... ahahahahahaha

    ReplyDelete
  8. talagang high tech na ngayon..lalo na ngayong halalan..tiyak high tech na rin ang gagamitin sa pandadaya,hehe..

    ReplyDelete
  9. @xprosaic:
    ahaha apir parekoy! pareho tayong walang facebook lolz XD

    @ayu:
    yep yep!

    @arvin:
    talagang biglang sumegway papuntang halalan ha haha XD sabagay may point ka jan... imposibleng walang mangyaring dayaan this coming election lolz.

    ReplyDelete
  10. Mas gusto yung pang huli! hehehehe, hitech na din ang mga mag nanakaw ngayon.. But all in all, we are having that great industrialization, that we even expect it to be more broad. You forget the Automated election, it is one thing din, sa pagiging hitech. Di na tayo gagamit ng bibig sa pag bilang, kundi un na. Whoah, sana nga successful.. o baka naman dayaan ulit!

    ReplyDelete
  11. at dahil sa fb nagkita kita kami ng mga elem and hs friends ko : D

    ReplyDelete
  12. may i add: mas gusto mo na ngayon magtanim ng mga halaman at mag-alaga ng mga hayop...online nga lang.

    ReplyDelete
  13. @tim:
    yeah, sana this coming election wala nang mangyaring dayaan... parang ang daling mapasok ng hack yung mga machine na gagamitin sa bilangan eh...

    @ahmer:
    haha, nice! ^_^

    @Fr. Felmar:
    yup, nakalimutan kong ilagay yan hehe. Kung frustrated farmer ka, bagay na bagay sayo ang farmville lols

    ReplyDelete
  14. Ye, that's really true...!!!:D

    Blessings!!!:)

    >kelvin

    ReplyDelete
  15. so true. haha. napakahightech na talga naun. ibang iba na talaga :D

    ReplyDelete
  16. gusto ko yung gamit ang cell phone pang-flash light hehe. also gamit ang cell phone pang-ring ng hinahanap ng nawawalang cell phone. at tutoo naman na most business nowadays have website info na sa ads nila. nice observations!

    ReplyDelete
  17. the thing with cellphones is that I get this feeling that they seem to complicate things more than they simplify them.....sakit sa ulo most of the time. hehe

    ReplyDelete

 
TOP