Loading...
Sunday, November 30, 2014

spell R.A.N.D.O.M


*walis-walis ng kalat*
*pagpag-pagpag ng agiw*
*sabay punas ng alikabok*
*#$%^@#  may ipis!!!*

Oh hello there! Kamusta kayo? At kamusta naman ang blog ko? Feels like napaglipasan na ng panahon ang lugar na ito lol Hindi ko namalayan na lagpas isang buwan na pala ang lumipas nung huli kong update.  Well (deep well), maayos naman ang lahat on my part.  Syempre, hindi naman ako papayag na lumipas na lang ang buwan ng Nobyembre na wala man lang akong maipo-post dito.

Hmmm… Gusto nyo sigurong itanong kung bakit hindi na halos ako nag-a-update ng blog, ano?  Ang totoo nyan ay “sabaw mode” talaga ako.  Napakaraming pumapasok na ideas sa utak ko, then bigla din naman mawawala.  Minsan gusto ko talaga magsulat, pero ang lakas naman mang-akit nitong kaway ng katamaran.  Yung tipong nakatitig ka lang sa harap ng monitor habang pinagmamasdan mag-blink ang cursor hanggang sa antukin lol

Another reason is may kina-aadikan din kase akong game sa internet.  It’s an RTS (Real Time Strategy) flash game.  Doon madalas nauubos ang oras ko tuwing wala akong ginagawa ^^ Just shoot me a PM na lng sa FB kung gusto nyong malaman ang title ng game.  Ayoko naman magkwento nang magkwento na lang dito about it.  I’m sure mabo-bored lang kayo.  I know naman na most of my visitors here were not into gaming.

At… gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan noong ika-14 ng Nobyembre.  Maraming salamat po sa lahat ng nagpahatid ng kanilang mga mensahe sa Facebook, twitter at maging sa text man.  Masaya ako dahil marami ang nakaalala at nagbigay ng oras para magpadala ng kanilang mga birthday messages.

Nais ko rin iparating ang mensaheng ito para sa isang mabuting kaibigan.
Do not misinterpret the end of a relationship as meaning you are somehow not enough.  Sometimes people aren't capable of giving us the love we need and deserve, which is their issue and not yours.  You are exactly as you should be and are perfectly lovable just the way you are.  Stay strong my friend!


Wuy, 25 days na lang pala, Pasko na!

Oh yes, I’m so alive ^_^
Hindi ko naman pwedeng kalimutan ng ganun-ganun na lang itong blog ko.
So blog hop after this? Well... let see!


10 comments:

  1. Buti ka one month palang nawala. hi hi. Ako since July pa although I am not active in games, but I had taken a six months course. work related at don naubos ang laman ng utak ko...I mean doon napuno. Or else other responsibilities too and hobbies. Anyway, Hope I can continue my blog journey again. Belated happy birthday!

    ReplyDelete
  2. sana anytime soon may meet up ulit hahaha

    ReplyDelete
  3. Bakit ka naman naging sabaw mode? Wala bang inspiration/s? Anyway, Christmas is almost here and you can always write something to look forward to.

    ReplyDelete
  4. buti ka pa nga nakakapag sulat pa kahit papano haha! pano ba kalabanin si katamaran? ampfS! hehe. susubukan ko bumalik ulit sa mundo ng blog!

    ReplyDelete
  5. humanda! handa awiitt!!! feeeyyyeeeell!! hahahaha ito na ako! ito at ito na ako ulleet! hahahaha

    kung tinamad ka kumusta naman ako?! hahaha

    higit pa sa katamaran naranasan ko! chos lang! hahaha wooott!!!

    magiingay na naman ako! feyeel! feeyeell! feeyeel all the way!! (tunog jingle bells ang kanta!) hahahaa

    namiss ko talaga ito! lahat lahat na! diin na diin para deep na deep!! hahaha

    ReplyDelete
  6. Pasko nanaman! :) Merry Christmas, friend! :D

    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete

 
TOP