Loading...
Sunday, October 26, 2014

ang Anak...


Sa isang prestigious campus ay may isang babae at isang lalake na tinuturing ng lahat na crush ng bayan dahil sa angkin nilang kagandahan at kagwapuhan.

Hindi lumaon ay nagkatuluyan ang dalawa. Nang sila ay magpakasal, pinlano nila na mangibang bansa upang doon na bumuo ng isang masayang pamilya.

Doon nga ay nabuntis ang babae. Hindi maipaliwanag ang kanilang pagkasabik para sa hinihintay nilang anghel.  Noong ipinanganak ang bata, labis silang nabigla at na-disappoint sa naging itsura ng babaeng sanggol.  Malayong-malayo ito sa itsura nilang dalawa.  Sa madaling salita ay pangit ang naging anyo nito.  Dala na rin marahil ng kanilang iniisip na magiging kahihiyan, napag-desisyunan ng mag-asawa na huwag ipamalita ang anak at huwag nang bumalik pa ng Pilipinas upang hindi makita ng iba ang pangit na bata.

Lumipas ang tatlong taon, nag-outing ang pamilya. Sa isang malawak na national park nila napiling mamasyal.  Habang papaakyat ng bundok ang kanilang sasakyan, kinausap ng bata ang kanyang ina.

Bata: "Mommy, gusto ko po mag wee-wee."

Itinabi ng ama ang sasakyan upang pag-bigyan ang hiling ng anak. Bumaba ang mag-ina upang maka-ihi ang bata. At dahil nasa kalagitnaan na sila ng pag-akyat sa bundok, ay doon sa madamong bahagi na malapit sa bangin nagpunta ang mag-ina. Nag hubo ang bata, umupo, at umihi.

Habang umiihi ang bata, nagkatinginan ang mag-asawa at wari’y parang nagkaintindihan sa nais mangyari. Ang ihulog ang bata sa bangin. Tutal, wala rin namang nakaka-alam tungkol sa bata. At ganun nga ang nangyari, inihulog ng walang pusong ina ang kaawa-awang bata sa bangin.

Lumipas ang isang taon ay nagkaroon ulit sila ng bagong anak. At sa pagkakataong ito, sobrang perpekto sa kagandahan ang babaeng sanggol. Tuwang-tuwa ang mag asawa. Alagang-alaga nila ang bata.

Pagkaraan ulit ng tatlong taon ay namasyal muli ang pamilya. Dahil parehong nature lover ang mag-asawa ay napili nilang mag-camping sa isang pamosong bundok sa isang lugar na hindi kalayuan kung saan sila nakatira.  Habang binabagtas ng kanilang sasakyan ang papaakyat na bahagi ng bundok, nagsalita ang bata.

Bata: "Mommy, wee-wee po ako."

Dali-dali namang huminto ang ama. Bumaba ng sasakyan kasama ang mag-ina.  Nag hubo ng suot na shorts ang bata, umupo, at umihi.

Todo hawak at bantay ang ginawa ng mag asawa upang proteksyunan ang magandang anak.  Habang naka-upo ang bata, bigla itong natigilan, tumingala sa kanyang ina, tinitigan ng mata sa mata, sabay sabing:

"Huwag mo na po akong ihuhulog ulit ah...."

Kasunod niyon ay ang pagsimoy ng malamig na hangin... may dala iyong kakaibang kilabot.






~ HAPPY HALLOWEEN ~

13 comments:

  1. lesson, wag hayaang umihi ang bata... charots. hahaha

    ReplyDelete
  2. At itinulak ng anak ang ama't ina. Ano ka ba Fiel, hindi naman siguro kayang gawin ng isang ina, gaano man kapangit ang kanyang anak, na itulak ito o kitlin ang buhay, tignan mo ako, buhay pa, ha,ha,ha.

    Hitik na hitik ang imahinasyon mo ah, talagang may panakot na post for Halloween. Boo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, natawa naman ako dito sa comment ni sir jo! Ako nga din buhay pa! Haha

      Delete
  3. Hmmm nakaka challenge naman ito! Makagawa nga din ng halloween post! God Job fiel!

    ReplyDelete
  4. Creepymuch.. WAAAAAAAAAAAAA!!!

    ReplyDelete
  5. eh yun halloween kwentong fibisco ko? gusto mo ulit marinig? Nyahahahaha

    ReplyDelete
  6. Ayos ang twist, kinilabutan ako dun ah. At nagustuhan ko ang istorya natural na natural ang pagkakahabi kafiel

    ReplyDelete
  7. napaisip tuloy ako sa kwento... pero ayos ah.... ganda ng pagkakabuo sa kwento lalo na ang twist....

    musta na....

    ReplyDelete
  8. Ang galing ng ending. Ibang-iba sa naisip kong mangyari. Kaya nabigla ako. :-)

    Ituloy mo lang ito. Malay mo maging sikat kang novelista.

    ReplyDelete
  9. FIELLLL HUHUHHU! Alam mo ba first time nikuwento sakin ng workmate ko toh grabe ung kiabot ko! tapos ngayon binasa ko pa rin nakakakilabot pa din!!

    ReplyDelete
  10. nice story....kung matatakutin ang magulang ay baka binitawan.......

    ReplyDelete
  11. medyo nakakatakot sapagkat gabi ko to binasa, mahusay ang pagkakagawa ng kwento...

    ReplyDelete

 
TOP