Tuesday, February 23, 2010

High Tech na talaga ang mundo...

[^] Ang dahilan kung bakit hindi mo na nakukumusta ang iyong mga classmates at friends ay dahil wala silang YM, Facebook or Friendster.

[^] Matagal nang panahon na hindi ka gumagamit ng totoong cards kapag naglalaro ng solitaire.

[^] May lima o higit ka pang cellphone numbers ng isang tao lamang at madalas pa itong mapalitan ng new numbers.

[^] Cellphone ang iyong ginagamit para hanapin kung saan mo nailagay ang isa mo pang cellphone.

[^] Ilaw ng iyong cellphone ang ginagamit mo bilang "flashlight" kapag may hinahanap kang bagay sa madilim na parte ng inyong bahay or lugar.

[^] Kahit magbobote, tindero ng gulay o tindero ng tinapa ay may cellphone na rin. Noong early 90's mga bigtime na negosyante lang ang nagse-cellphone.

[^] Magi-internet ka muna bago mag-almusal, tanghalian at hapunan.

[^] Halos lahat ng impormasyon na nais mong malaman tungkol sa isang tao, bagay o lugar ay makukuha mo nang lahat sa pamamagitan ng internet.

[^] Live mo nang mapapanood sa internet ang mga paborito mong tv shows at maaari mo na din mapakinggan ng live ang FM radio program na gusto mo.

[^] Karamihan ng commercials sa tv ay may website na ipinapakita sa ilalim ng screen.

[^] Hindi mo na kailangan lumabas pa ng bahay para mag-shopping. Puwede mo na itong gawin "online".

[^] Hindi na bunganga ang ginagamit sa paninira sa kaaway, cellphone at internet na.

[^] Laptop na ang ginagamit ng mga estudyante kapag may oral report sa school.

[^] Portable Sony Playstation (PSP) ang "in" na hand-held gaming device ngayon. Dati rati nagcha-chaga ka sa black and white na Gameboy at "game-and-watch".

[^] ATM machine na ang binubuhat ng mga magnanakaw... lols.

Thursday, February 18, 2010

Isipin mo 'to...

Wisdom: Ang tanong ay paano ka tumanda at hindi gaano ka na katanda.

Katotohanan: Kahit ang salamin sa mata ay hindi makakatulong sa mga nagbubulag-bulagan.

Katigasan ng ulo: Kahit ang pinakamahusay na hearing aid ay hindi makakatulong sa nagbibingi-bingihan.

Pagmamahal sa bayan: Kailangan pang makarating ng isang tao sa iba't ibang lugar para lang niya maisip na, There's no place like home!

Originality: Walang kuwentang dumaan doon sa kalsadang dinadaanan ng karamihan; piliin mo 'yung kalsadang walang nagtatangkang dumaan dahil for sure, magmamarka doon ang bakas mong maiiwan.

Selfishness: Sabi ng bulaklak, "Walang makakakuha ng aking nectar at pollen!" Kaya hinahampas niya ng kanyang mga dahon ang paru-paro at bubuyog na nagtatangkang lumapit sa kanya. Isang araw, ang bulaklak ay nalanta at tuluyang namatay na hindi man lang nakapagiwan ng buto na sana'y papalit sa kanya.

Pagkakaisa sa oras ng krisis: Kapag malamig ang klima, naglalapit-lapit ang mga tao upang mainitan ang kani-kanilang katawan...

-------

Belated happy puso day at belated happy chinese new year to my fellow blogistas.


Kinuha mula sa kolum na Diklap ni Ms. Anne
Mula sa dyaryong PM

Sunday, February 7, 2010

Randomness [2]

Waah! ramdam ko na talaga ang summer at ang pinangangambahang climate change. Unang linggo pa lang ng February pero napakatindi na ng sikat ng araw. Dagdagan pa yan ng "El Niño" phenomenon na ayon sa PAG-ASA ay magtatagal pa hanggang June. Ayos, tustado ang kalalabasan nating lahat nito. lol. Napakaagang dumating ng summer ha? Parang kailan lang ay literal na sagana tayo sa tubig. As in lumubog nga sa baha ang maraming lugar sa Pilipinas dahil kina Ondoy at Pepeng eh. Samantalang ngayon ay headline sa mga news program at dyaryo ang pagbaba ng water level sa ating mga dams. Nakaamba pa dyan ang pagtaas ng singil sa kuryente. Ang tanong tuloy ng ating mga kababayan, hindi ba nakaipon ng sapat na tubig ang mga dams na ito noong nagdaang tag-ulan?

-------
I also would like to greet my father a belated happy, happy birthday. He celebrated his birthday last February 2, 2010. Wishing you more birthdays to come and good health tatay!

-------

Mamimiss ko si Santino at ang buong cast ng May Bukas Pa. Star studded ang ending ng May Bukas Pa last Friday night. Napakaganda ng ideya na pagsama-samahin ang lahat ng mga artistang naging bahagi ng show sa kanilang final episode. Pray natin kay Bro na sana may part two!

-------

Kumpleto na ang PBB Double Up Big Five! Si Mariel Sorino ang huling lumabas kagabi sa bahay ni Kuya. Sayang, isa pa naman siya sa mga favorite ko at inaasahan kong makakapasok sa Big Five. Anyways, ang makulit at super bubbly na si Melissa Cantiveros ang gusto kong maging Big Winner. The only rose among the thorns haha!

-------
Yay, finally! natapos ko na din laruin ang addicting game na Plants Vs. Zombies. Maraming salamat sa larong ito na siyang umaliw sa akin sa mga araw na bored na bored ako. Thank you din kay pareng Eiji para sa full version copy ng Plants Vs. Zombies client na binigay niya sa akin. Arigatou ne!!!

Eto yung ilang mga memorable screenshots na kinuha ko mula sa laro.
(click on the thumbnails for a larger image)
plants vs zombies plants vs zombies plants vs zombies plants vs zombies plants vs zombies plants vs zombies - final boss plants vs zombies plants vs zombies