Kamusta Pilipinas? Ako eto, forever sabaw mode sa blogging at pilit na nilalabanan ang hamon ng buhay (wow ang deep lol) Anyways, di ko naman hahayaang matapos ang buwan ng September ng wala man lang kahit katiting na update kayong mababasa dito sa aking munting pahina. So for today, ra-random po muna ang inyong lingkod.
- While I was typing this down (time check, 9:45 PM), malakas ang hangin at ulan sa labas na dulot ng habagat na pinaigting ng Bagyong si Luis, na kasalukuyang nananalasa naman sa mga probinsya ng Isabela at Cagayan. Signal #3 na sila ngayon doon. Ingat po tayong lahat! (saved this as a draft last night)
- It's exactly 100 days na lang pala, Pasko na. Parang kailan lang ay winelcome natin ang 2014, heto at magpapasko at matatapos na naman ang isang taon.
- Magiging strict na po kami sa mga mangangaroling for this year. Sa bawat maling lyrics ng kanta, bawas po ng piso. Minimum budget po namin per caroler is 10 pesos only.
- Madalang din pala akong mag-check ng email. Yung dalawang primary emails ko kase, tambak na ng spam. Mas mabilis nyo po akong mako-contact via FB or Twitter. Balak ko na rin gumawa ng new email na mas personalized para iwas sa spam.
- Wow, nanalo na naman ang National University Pep Squad for the second time around sa katatapos lang na 2014 UAAP Cheerdance Competition. Flawless victory! Halos precise lahat ng stunts, tosses at moves nila sa kanilang mala Native American routine this year. 2nd runner up naman sila sa Group Stunts.
- Bakas naman sa mga mukha ng UP Pep Squad ang pagka-dismaya when they were proclaimed as the 1st runner up. Maybe they were expecting na makuha ang championship title this year.
- Medyo masama pa rin ang loob ko while typing this post. Alam nyo yung pakiramdam na masisi at mapagbuntungan ng galit kahit wala ka naman talagang ginawang kasalanan? Ang sakin lang, kung galit ka sa mundo, huwag mong ibuntong sa ibang tao. Wala talagang perpektong pamilya... /sigh
- Tanggap ko rin na hindi naman talaga ako kasama sa mga pina-prioritize mong tao kahit nung simula pa man eh. So okay lang... kelan ba naging fair ang buhay, hah Fiel-kun?
- Minsan dinadaan ko na lang sa pagpapatawa, pagpopost ng "haha" at "hehe", sa pagsesend ng smiley ang mga bagay. Pero ang totoo, nasasaktan na ako....
Anu ba yan!? Dala ba ito ng maulang panahon? lol Good vibes lang dapat eh... Oh siya, siya... hanggang dito na lang muna bago pa mapuno ng ka-emohan tong post ko. Ja mata ne. Sayonara~
Naalala ko bigla yung mga mangangaroling na bata sa amin sa December... magawa nga rin na dapat wala silang mali sa lyrics para malaki ang ibibigay hehe.
ReplyDeleteNapanuod ko yang UAAP CDC 2014 :) UP at NU talaga ang kaabang-abang, at parehas mahusay, talagang gumaling lang nang husto ang NU.
Ano man ang pinagdadaanan mo ngayon fiel-kun, more power sayo! :)
ahaha, kase ung ibang bata dito nagmamadali sa pagkanta. fast forward ang peg. tapos nagkakanda-utal utal pa sa pagbigkas ng lyrics na hindi mo na maintindihan minsan. kaya dapat, mejo maging strict sa mga rules. (at talagang sineryoso ko talaga ito? ahaha XD )
Deleteyup, mas ginawang complicated ng NU ang stunts nila this year. kaya deserving silang manalo :)
salamat ser Jep!
nyahaha. Ako din sabawers your not alone ☺
ReplyDeletengeek. parang di naman.
Deletemas marami ka ngang naipo-post na entry kesa saken eh XD
- dito naman 20 degrees mainit sa ilalim ng araw pero may kasamang lamig ng simoy ng hangin.
ReplyDelete-siempre ber month na kaya malamig na ang simoy ng hangin. hay 100 days pa, tagal naman he he he
-di ko na mamanage ang pangongontrata sa nangangaroling sa amin hehe, trabaho na ng mga pamangkin ko yun. Pero nakakamiss... ang Pasko sa Pinas.
-same tayo puno ng spam emails, nakakapagod sa kakadelete at nakakapagod din gumawa ng isa pang email add, lalong dumadami lalong nagiging complicated imanage.
-wow congrats, sila ba manok mo? di ako nakapanuod, salamat sa update.
-ganun talaga, pagnasa kung anong hamon ka at kompetisyon ng buhay, ibibigay mo talaga ang best mo. Ngunit kung di ito sapat, at di mo nakamit ang pinakatuktok, siempre malungkot pero ganun talaga, kailngang tanggapin. Ika nga, better luck next time. Madami pang next time, basta tiwala lang.
-ganyan ganyan din ako nun, simula bata ako hanggang nagcollege at nakatapos na di pa din ako nakabukod sa pamilya ko sa Pinas, feeling ko ambigat ng pasan kong krus hehe. Ok lang yan, malalagpasan mo din yan balang araw...hinga ka lang maluwag
-ehem sino ba yan ka-fiel? malaki ang problema nya kapag dika binigyang halaga. kapag dina kaya, sabihan mo ng saloobin mo para matauhan sya.
Galaw-galaw, sumayaw, humataw! Bawal sumimangot, bagkus ibuka ang bibig at sumigaw, nganga para iwas singaw!!! Ngawngaw...bow!
Ayan napa-rap ako para sayo, cheer up na :D
ate Gracie!!!
Delete- lapit na mag-atumn jan kaya nagi-start na rin lumamig ang weather.
- kelan ka ba huling nag-Pasko dito sa Pinas ate?
- di ko na nga rin maintindihan kung pano nakakapasok yang mga spam sa emails. kainis lol
- tama ka jan ate, sana yung next time na darating ay puro positive naman. nakakasawa na rin kase pag puro nega... nakaka burn out >.<
- *took a deep breath* /sigh
- ahaha... ang masasabi ko lang kilala mo siya XD
ahahaha, so happy to see you na full of positive vibes today. para ka lang si Lala na may pasayaw sayaw pa hehe :D
*hugs Ate Gracie*
Randomness talaga.
ReplyDeleteBasang basa ako kanina sa ulan. Kung kailan ka uuwi tsaka naman bubuhos. Anyway, I love rain though.
Pasko na ulit, ibig sabihin, matatapos na naman ang taon. Merry nga ba ang Christmas sa hirap ng panahon? Sana naman, umulan ng pera!
Walang nag eemail sa akin so hindi ko problemang magbasa ng emails. Naka filter yata lahat so kahit na yung sa pamilya ko, naka filter, ha,ha,ha.
Congrats sa NU!
Ganyan talaga sa pamilya, may mga suliraning nakapaligid. May dahilan kung bakit ako umalis, bumabalik, at nagsisisi sa mga pangyayari. May rason nga ang bawat hakbang, ang bawat pangyayari sa buhay. Maliliwanagan din ang lahat. Hindi habang panahon, naulan, mayroong sikat ng araw.
Kung may maitutulong ako, sa pakikinig man lamang, palagi g bukas ang FB para sa iyo. ( dahil sarado siya para sa iba, ha,ha,ha, intriga)
Halos sabay lang pala ng rainy season ang Pinas at Thailand :)
DeleteHay naku sir Jo, wish ko rin umulan ng pera. Yung bills, not coins haha!
Ahaha, baka napupunta lahat sa spam folder ung important emails nyo.
Sobrang agree ako sa inyo jan sir Jo. May dahilan kung baket nangyayari ang mga ganitong bagay sa buhay natin. Sana nga matapos na itong ulan at nang masikatan naman ni Haring Araw.
Ahaha, maraming salamat sir Jo! hayaan nyo, pag ready nako magkwento, invade ko agad ang fb chat box nyo hehe
Salamat!
Minsan napupuno talaga ng ulan ang isip kaya natatabunan yung mga gusto mong isulat.. at least marunong kang ngumiti kahit masama loob mo.. hehe
ReplyDeleteKawawa naman mga bata kung mali mali lyrics sa caroling, pero paano naman yung mali mali ang tono?
Naku ser Rolf, na master ko na yata ang pag-ngiti kahit sobrang hirap na ng pinagdadaanan ko lol
DeleteAhaha, ayus lng po kahit sintunado. basta tama ang lyrics (parang Singing Bee lng? ahaha )
Fiel grabe ka sa mga mangangarolings feel ko dyan mo ibubuhos yang galit mo pero pag okay ka na cguro mas malaki na ibibigay mo
ReplyDeleteInum natin yan
Ahahaha naku di naman. Gusto ko lng in-order ang lahat XD (ang strict masyado lol) o kaya naman, sigawan ko na lng ng patawad po :D
Delete