Loading...
Sunday, January 6, 2013

Ang Tunay na Kaibigan


Personally, it takes a lot for me to say na ang isang tao ay kaibigan ko.  Hindi acquaintance o basta-bastang kakilala lang, kundi Kaibigan.  Kaibigan talaga.  Someone you share a beautiful thing with called friendship.  Marami kasing tao ang masabi lamang na maraming kaibigan, pero ilan ba sa lahat ng tinatawag mong kaibigan ang tunay ngang kaibigan?  I'm sure hindi iyan hihigit sa sampu.  At most na siguro ang dalawampu.  Pero what differentiates a friend from a friend?  Paano mo malalamang tunay ngang kaibigan ang isang tao?

Sa tingin ko ay maaaring ito rin ang inyong maging pamantayan upang malaman kung sino ang totoo mula sa friend-friend lang.

  • Ang tunay na kaibigan ay sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong marinig at hindi ang gusto mong marinig.
  • Ang tunay na kaibigan ay hindi ka paliliguan ng papuri.  There is a difference between a friend and a flatterer.
  • Tunay ang iyong kaibigan kung sa minsang pagsasabi nya ng katotohanan tungkol sa iyong pagkatao ay naapektuhan ka (e.g. nasaktan).  Ibig sabihin ay naniniwala ka sa paglalarawan nya sa iyo.  May katotohanan ang kanyang sinasabi at nangangahulugan itong kilala ka niya.
  • Ang tunay na kaibigan ay may isang salita.  Kapag sinabi nya, sinabi nya at walang babali rito.
  • Ang tunay na kaibigan ay mananatiling kaibigan despite of the distance or dami ng taong hindi nyo pagkikita.  Matapos ang ilang taong hindi pagkikita, malalaman mong ang iyong kaibigan ay kaibigan pa rin kung pareho pa rin ang pakiramdam nyo sa presence ng isa't isa.  Kung walang naging gaps, kung walang weird feelings, tunay pa rin at nananatili ang pagkakaibigan ninyo.  The feeling is as if no one ever left.  As if you never parted.
  • Tunay ang kaibigan mo kung kaya nyang sabihin sa iyo na baduy ang suot mo, di bagay ang gupit mo, mabantot ka or pangit ang manliligaw o nililigawan mo.  Hindi kailangan ng approval sa kanyang mga opinyon.
  • Gayundin, bagama't baduy ka, pangit ang hairdo, mabaho at pangit ang sinusuyo o nanunuyo, nakasuporta lamang siya sa iyo sa anumang pasya mo.  Nirerespeto ng tunay na kaibigan ang kagustuhan ng kaibigan nito.  Walang bahid ng pagmamanipula.
  • Ang tunay na kaibigan ay hindi insecure sa iyo.  Wala syang ibang hangarin kundi ang magkasing kayo sa lahat ng bagay.  Magsing-ganda, magsing-pogi, magsing-buti etc.  At kung sakali man mahigitan mo sya minsan, ang tunay na kaibigan ay maligaya pa para sa iyo.
  • Ang tunay na kaibigan ay yaong ilang beses mo nang naka alitan o nakadiskusyunan pero sa dulo ng mga ito ay nananatili kayong nagmamahalan at tanggap pa rin ang isa't isa.
  • Ang tunay na kaibigan ay hindi ka huhusgahan, bagkus ay yayakapin ang iyong buong pagkatao, kasama ng iyong kamalian, kakulangan at kahinaan.
  • Ang tunay na kaibigan ay yaong nagbibigay ng tulong kahit hindi mo pa man ito hinihingi.
  • Ang tunay na kaibigan ay nakakaramdam kapag ikaw ay nagdaramdam, kahit hindi mo pa ito sabihin.
  • Ang tunay na kaibigan ay masaya kapag masaya ka.  Gayundin ay umiiyak kapag ikaw ay nalulungkot.  Ang tunay na kaibigan ay karamay mo sa hirap o ginhawa.
  • Ang tunay na kaibigan ay magte-text o tatawag sa iyo upang mangamusta, kahit walang dahilan, kahit walang kailangan.
  • Ang tunay na kaibigan ay tatawag sa iyo kapag nabalitaang mayroon kang pinagdaraanan at sasabihin sa iyong naroon lang siya kahit matagal na kayong hindi nagkakausap o nagkikita.
Good vibes lang dapat ang panimula for 2013!
Next time na ang ma-emo na post haha!

Credits to PM Tabloid

104 comments:

  1. check on all bullets!...pareha tayo...konti lang ung friends ko kasi I would want to make sure kahit konti lang all of them are true to me and they really care about me and I care for them genuinely...Happy new year sayo!


    xx!

    ReplyDelete
  2. tama ka jan pare.

    ako few lang friends ko, as kunting kunti :) kaya naman we should value them and take care of them.

    ReplyDelete
    Replies
    1. apir Jessica :) same here. very few lng talaga ang friend ko in real life na masasabi kong genuine friends. kaya tama ka we should value them. pero sa online world ang dami nyo haha!

      Delete
  3. ganda ng post mo. lahat dito ay totoo. madaling maghanap ng kaibigan pero mahirap hanapin yung totoong kaibigan. well sana wala ng fake na tao pero di naman natin pwedeng i pls yung iba hehe. nice :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Gilbert :) very well said indeed. kaya naniniwala din ako sa saying na you cannot please everybody. kaya we should value our circle of friends.

      Delete
  4. Nung binabasa ko toh, puro lalake ang naalala ko!!! :O :O :O :)) hahahaha. Ganyan ako sa lahat ng ka-close ko, lalong-lalo na dun sa lagi kong kasama sa school. Pag daw ako ang kasama niya, kahit di na siya mag ahit, ok lang daw. Pero pag iba, sobra kung pumorma!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha Gia!!! natawa naman ako nung sinabi mong puro boys ang tumatakbo sa utak mo while reading this. Ang sweet mo pa lang maging kaibigan. Teka, nakakapanibago, pure tagalog ka ngayon ah hehe. Nasanay lang siguro ako na pure english ang nababasa ko sa blog mo :)

      Delete
    2. sa blog lang ako 100% english... sa school, 100% murahan sa tagalog hahaha!

      bilang sa isang kamay ang mga female friends ko :P mga lalake, kulang pa kahit ipagsama mo mga daliri sa 2 kamay at paa. hehehehe

      Delete
    3. ahahaha, murahan talaga pag sa tagalog na :D

      ang galing naman, akala ko talaga mostly female friends ang meron ka. based na rin siguro dun sa mga visitors/friends mo sa blog mo. pero I find it really interesting na mas marami pala ang mga friends mong boys.

      Delete
    4. konti lang kasi yung nakakasundo kong girls in real life :P

      Delete
    5. Cool although somewhat weird hehe. Kasi kadalasan sa mga kakilala kong babae in real life or online, mas lamang talaga ang female friends nila. hehe.

      Delete
  5. Ang tunay na kaibigan ay ako. dyuk!

    Lab this post parekoy. Maganda at nakakamis alalahanin ang mga kaibigan ko. Kahapon lang may tampo ako sa isang kaibigan. huhu

    Sana'y maging mabuti tayong magkaibigan parekoy fiel :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat parekoy. Anu naman ang dahilan kung bakit kayo nagkatampuhan ng friend mo? teka, baka ako yan ha? dyuk! :D

      Hindi pa ba tayo mabuting magkaibigan ng lagay na toh? dyuk ulet :D naku, parekoy ngayon pa lang tinuturing na kitang isa sa mga mabubuti kong kaibigan dito sa mundo ng blogging :)

      Delete
  6. Ang tunay na kaibigan ay mananatiling kaibigan despite of the distance or dami ng taong hindi nyo pagkikita. <--- eto ang pinakagusto ko :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat parekoy. Di ba nga, hindi dapat maging hadlang ang distansya or haba ng panahon na hindi kayo nagkikita. Best friends for life dapat ang peg hehe!

      Delete
  7. pagkatapos kong badahin to, nagbilang ako kung ilan ang Kaibigan ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Olivr, so bale ilan na lang silang lahat? hehe :P

      Delete
  8. ang tunay na kaibigan ay imahinasyon lamang

    hahaha

    *konklusyon matapos mabasa ang entry nato*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waah, baket para sayo ay imahinasyon lamang ang lahat sir Overthinker P? T_T

      Delete
    2. may mga preferred characteristics ako pero hindi ako masyadong machecklist ng traits e. hehe. kasi kung hahanapin ko yung mga caharacteristics na yun, baka lawlaw na ang mga eyebags ko, wala pa ako mahanap. hahahaha

      Delete
    3. haha right! pero I'm not saying dapat taglayin ng isang kaibigan 100% ang lahat ng nakasulat sa post ko. Like what I said, isa lamang itong pamantayan and I still believe na nobody's perfect. Kaya ok na sa akin kung 2 or 3 lang ang mahanap ko sa isang kaibigan :)

      Delete
  9. Wala akong masabi parekoy! lahat ng tinuran mo ay tumpak na tumpak.

    ReplyDelete
  10. Ngayon ibabalik ko ang tanong sa iyo pareng Fiel..hahahaha..ilan kaya sa mga blogger-friends mo ang masasabi mong tunay na "magiging" kaibigan mo pagdating ng araw? hahahahahaha..sagutin mo to..hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waah ang daya ahahaha! talagang binalik sa akin ang tanong.

      Sige, to be honest hindi ako sure. Only time will tell. Parang matira ang matibay haha! It would depend of the situation and circumstances.

      Delete
    2. Hahahaha..oo nga naman hehehe..

      Ang masasabi ko din is basta ng tunay na kaibigan kung punain ka man ay sa paraang may pagmamahal.

      Delete
    3. haha korek! kung punahin ka man nya, may konting kurot pero ramdam mo pa rin ang pagmamahal nya sa iyo. :)

      Delete
    4. possible naman siguro yon koyah jay if we dont limit ourselves, maraming tao dito sa social networking na ang hangad nila ay makatagpo ng tunay na kaibigan kahit magkalayo at ang communication is through blogging lang, tested naman siguro yan sa mga activities, meet ups na nakikita natin sa ibat ibang blog.

      Delete
  11. ang tunay na kaibigan, hinding hindi ka uutangan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyeeeek! ahahaha, it depends pa din. paano for example kung gipit na gipit na si friend mo at wala na syang malapitan? matitiis mo ba sya parekoy? :D

      Delete
  12. wow. Kahit ang bata mo pa, dami mo na alam about friendship:)

    Nice definition! Pero may ganyan ba ka perfect na friend? Coz nobody is perfect

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mami Joy!!! I'm not saying na kailangan taglayin ng isang mabuting kaibigan ang lahat ng nailista ko jan. Siguro kahit dalawa or tatlo lang ang taglayin nya, ayus na sa akin. yeah, nobody is perfect kaya diba may isinulat ko jan na "Ang tunay na kaibigan ay hindi ka huhusgahan, bagkus ay yayakapin ang iyong buong pagkatao, kasama ng iyong kamalian, kakulangan at kahinaan."

      Salamat po Mami Joy :)

      Delete
  13. Sa tingin ko, ng dahil sa post mong ito at babawasan ko ang aking mga " kaibigan".
    Salamat sa tips kung paano sila kilatisin:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Sherene! very intriguing naman yang sinabi mo hehe!

      Delete
  14. Tama at katulad ko, bilang lang sa daliri ang aking mga tunay na kaibigan.

    Mahusay ang pagbibigay larawan mo sa isang tunay na kaibigan at batid ko na sapul lahat ang makakabasa nito.

    Magandang araw!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat pareng Jayrulez sa pagbisita at sa magandang kumento :)

      Delete
  15. Check sa lahat.. Andaming batayan ng isang mabuting kaibigan. Sa totoo lang napakahirap maging perfect. Dahil siguro hindi tayo perfect. Pero anu ano't naman, kahit na minsan ay may misunderstanding ang mga magkakaibigan ay nag-uunawaan sa mga shortcomings ng isa't-isa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. i mean, nagkakaunawaan pa rin sa kabila ng mga shortcomings ng isa't-isa! God bless!!

      Delete
    2. Maraming salamat Ric :) nobody is perfect kaya dapat handa kang tanggapin kung anu man ang pagkukulang ng bawat isa. God bless!

      Delete
  16. sa paglipas talaga ng panahon, yung paggamit ng salitang "kaibigan" ay bumibigat ang kahulugan. Mas nagiging sagrado at di basta basta ginagamit kung kani kanino. Unlike nung bata tayo, andami nating "bestfriends". :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree ako jan parekoy. As we grow old talaga, hinahanap natin yung tunay na mga kaibigan na makakasama at makakaramay natin sa ating pagtanda.

      Delete
  17. This is very nice! Salamat!

    Sa dami ng ating kaibigan, iilan lang talaga ang maituturing mong tunay mong kaibagan. Gayundinmam, kahit bago mo lang nakilala o may kahit hindi man katagalan ang pagkakakilala, basta may pinagsamahan, considered na rin na iyon ay kaibigan. Tamang pakikitungo lang para sa magandang samahang pangkaibigan :) Hehehe~

    Yun lang, itong part na ito: "Ang tunay na kaibigan ay magte-text o tatawag sa iyo upang mangamusta, kahit walang dahilan, kahit walang kailangan" hindi ko talaga gawain XD LOLLLZZ! Maybe thru email or chat XD LELZ!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Xian, well madami pa din namang paraan para iparamdam mo sa iyong mga kaibigan na nagki-care ka pa din sa kanila kahit hindi ka na masyadong tumatawag or nagti-text :D

      Delete
  18. this are soo true.. so we have to really value our true friends kasi sobrang hirap nilang makita.. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, treasure your circle of friends Meeka and thanks!

      Delete
  19. ang tunay na kaibigan nga lang na tinuturing kapag iyon ang nakaalitan ay labas lahat sikreto...hehe..

    ReplyDelete
  20. Ay nako totoo lahat ng nabasa ko sa post na ito! Haha! Kaya naman eh kakaunti lang talaga yung masasabi kong close ko talagang kaibigan, pero lahat naman sila, mayroon naman nung mga traits na dinescribe dito. Kaya nga ang swerte ko sa kanila :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Claudine. You are lucky dahil reliable at mapagkakatiwalaan mostly ang mga friends mo.

      Delete
  21. Ang tunay na kaibigan ay mananatiling kaibigan despite of the distance or dami ng taong hindi nyo pagkikita. Matapos ang ilang taong hindi pagkikita, malalaman mong ang iyong kaibigan ay kaibigan pa rin kung pareho pa rin ang pakiramdam nyo sa presence ng isa't isa. Kung walang naging gaps, kung walang weird feelings, tunay pa rin at nananatili ang pagkakaibigan ninyo. The feeling is as if no one ever left. As if you never parted.


    THIS!!!!!! So very true!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat sir Khanto :) looks like nakak relate kayo dito ah!

      Delete
  22. this is so true... ok lang ang di ganun kadaming kaibigan for as long na lagi mong nakakaramay ang konting ito. Yung iba kasi feeling nila ang dami dami nilang friends yun pla fake friends lang... fair weathered friends ika nga...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka Baronesa at salamat din sa pag share nyo ng thoughts about friendship :)

      Delete
  23. hindi lahat meron sa checklist..pero alam mo at mararamdaman mo kung sino ang mga kaibigan na tunay o totoo sau..

    hello fiel i hope we can be true friends kahit dito man lang sa blog world ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Arline, I am also looking forward na we can be true friends kahit dito man lang sa Blog world and salamat din sa pagshare mo ng thoughts about this topic :D

      Delete
  24. Tama ang iyong mga isinulat Parekoy.

    Gaya nga sa mga sabi ng mga matatanda, ang tunay na kaibigan ay higit pa sa ginto ang halaga.

    Mahirap makahanap ng tunay na kaibigan. Minsan aabutin ng ilang taon bago mo masabi na ang kakilala mo ay iyong tunay na kaibigan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup, ang paghahanap ng isang tunay na kaibigan ay parang karayom na nahulog sa isang bungkos ng dayami. kaya pag nahanap mo sya ay i-treasure mo sya ng higit pa sa buhay mo. salamat parekoy.

      Delete
  25. nahuli na ako sa mga post ninyo! hahaha ito na ako babawi na ako talaga...

    naalala ko dati, kapag marami kang kaibigan maswerte ka at blessed na blessed ka dahil sa dami nila pero nong tumatanda na ako ng slight, doon ko narealize na hindi pala sa dami ng kaibigan ang kailangan, kahit isa lang ang kaibigan mo pero ito ay katumbas naman ng isang libong tao or kaibigan kong matatawag din pero hindi sagad sa buto ang pagkakakilala niya sayo.

    i have few friends and itong mga friends ko nato, sila talaga ang tunay kong kaibigan na masasabi ko dahil sa oras ng lungkot andyan sila at harap harapan kaming nagsasaksakan ng salita, walang hiya2x kahit baho ng paa at utot alam namin. mahirap talaga makahanap ng totoong kaibigan pero minsan din, kailangan din natin maging totoong kaibigan para sa iba para maituturing totoong kaibigan tayo para sa kanila. i hope i still make sense sa mga sinasabi ko...

    namiss ko talaga magblog hop at namiss kita gwapong fiel!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. it's alright Lala, I know naman na busy ka sa work hehe :D

      Yeah, I would have to agree with you. Mas gugustuhin ko din na bilang lang sa mga daliri ko ang aking mga kaibigan na alam ko naman na tunay at tapat sa akin at maaasahan mo sa oras ng pangangailangan. Kesa naman sa marami nga sila, pero iilan lang ang true to you.

      You're lucky dahil may mga kaibigan ka din na masasabi mong tunay at totoo sa iyo.

      Thanks for sharing your thoughts about this thing called Friendship :)

      Nyeeeek, at may pahabol pang gwapong fiel sa dulo ahaha!

      Delete
  26. agree much! tama ka sa lahat ng sinabi mo
    sa panahon ngayon hirap nang
    makahanap ng tunay na kaibigan
    hays naalala ko tuloy best friend kong
    wala na ngaun

    ReplyDelete
  27. nice post. so lucky to have my real friends since gradeschool til now! we're all in different places and all grown up, pero kapag nagkikita-kita kami we're still like teenagers sa sobrang kukulit at iingay :)

    ReplyDelete
  28. yeah ryt .. ei panu naman po kung nag seselos ka sa other friends nia ung tipong kapag may iba syang friends ei selos na selos ka?? hndi ko po alam ung sagot ei .. same girls po .. i hope mareplyan niu po aku .. thanks..

    ReplyDelete
  29. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  30. Hey there! I simply wish to give you a big thumbs up for the great information you have got here on this post. I am returning to your blog for more soon. ice cream abbotsford

    ReplyDelete
  31. Wow! I have read your article and it's so good I will share it with family and friends. I just informed the travelers that the e visa for Turkey is easy to get through the online process. Travelers who wish to travel to Turkey can apply for it.

    ReplyDelete
  32. The article you wrote is very interesting and easy to read and understand. I hope your audience enjoys it. Passengers who wish to visit Turkey and need a Turkish visa can apply online at the website linked above.

    ReplyDelete

 
TOP