Loading...
Saturday, August 23, 2014

Panaginip...


Isang malamig na gabi, ako'y nag-iisa. Tumingala sa langit at aking nasilayan ang isang bituin.  Ang tanging bituin na nagliliwanag sa malawak at madilim na kalangitan.  Ipinikit ko ang aking mga mata at bumulong ng isang hiling.  Sa aking pagmulat, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa isang dalampasigan. Umaga na pala. Nagsimula akong maglakad, pinakiramdaman ang malambot na buhangin sa aking mga paa.  Binigyang-buhay ng bukang liwayway ang aking puso't diwa.  Sa aking paglalakad, nakakita ako ng isang maliit na bato. Nang ito'y aking pulutin, bigla ko na lamang nakita ang aking sarili na nasa isang kakahuyan na.   Mahaba-habang oras na rin ang aking iginugol sa paglalakad.  Pagal, uhaw at naliligaw.  Pakiramdam ko, ako'y nasa gitna ng kawalan.

Buti na lamang, may natagpuan akong isang batis.  Malinaw ang tubig na dumadaloy mula rito. Uminom ako. Nanumbalik muli ang aking lakas.  Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.  Nakita ko ang maliwanang na bahagi ng kakahuyan.  Mga makukulay na bulaklak at paru-paro ang bumati sa akin.  Naririnig ko rin ang huni ng mga ibon na nakadapo sa sanga ng mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin.  Isang napakagandang tagpo.  Muli akong sumilay sa kalangitan at sa aking paglingon ay nakabalik na pala ako sa may dalampasigan.

Nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Nagpalinga-linga, ngunit wala akong nakita.  Tinig iyon ng isang babae, napakalambing at malumanay.  Sinabi nyang kasa-kasama ko siya sa lahat ng lugar na aking pinanggalingan.  Batid nyang ako'y naligaw ng landas at naging saksi habang aking pinagmamasdan ang magagandang nilikha.  Pinagkatiwalaan ko siya.  Itinuring ko siyang espesyal.  Tila ba alam niya ang aking buong pagkatao.  Dama niya kung ano ang aking nadarama.

Maraming araw pa ang lumipas ngunit di ko na maramdaman ang kanyang presensya.  Marami nang mga pagbabago.  Muli kong binalikan ang mga lugar na aking napuntahan sa pag-asang makikita ko siya roon.  Nakita kong muli ang batis ngunit ito'y tuyot na.  Lanta na ang dating naggagandahan at makukulay na mga bulaklak.  Binalot na ng kalungkutan ang buong kapaligiran.  Noong araw di'ng iyon, umasa akong makita si haring araw, ngunit napakaulap ng kalangitan.  Hindi ko rin nasilayan ang tanging bituin na aking tinitingala tuwing gabi.

Umasa akong marinig muli ang kanyang tinig.  Napakatagal na rin ng huli ko iyong narinig.  Pakiramdam ko'y lumisan na siya.  Napakalaki na ng ipinagbago ng aking buhay buhat nang siya'y mawala.  Ako'y naghintay nang naghintay.  Pinagmasdan kong muli ang buhangin sa dalampasigan at may nakita akong mga yapak.  Naisip kong "Nandito lamang siya.  Nagtungo siya dito."  Akala ko'y makikita ko na rin siya sa wakas.  Ako'y nagpalinga-linga at pilit ko siyang hinanap.  Subalit hindi ko na siya natagpuan pa.  Umihip ang simoy ng hangin at muli kong naramdaman ang kanyang presensya... ngunit iyo'y panandalian lamang at muling nagpaalam...

---------------------
Ang munting paskil na ito ay aking espesyal na handog para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

13 comments:

  1. Mahusay! Ang taba ng utak mo Sir, Kaya lang parang nabitin ako sa ending. May karugtong ba itong panaginip?

    ReplyDelete
  2. Nasa kalagitnaan ako at naisip kong pang buwan ng Agosto ito, viola! buwan ng Wika nga. Maganda ang pagkakahabi at maaaring may karugtong. Kung kanino man ang boses na iyong naulinigan, sundan mo ang tinig, at ito ay may nais ipahiwatig. Ang kagandahan ng sanaysay ay ang paglalarawan ng mga kakaibang lugar na alam kong ninanais mong mapuntahan. Isang araw, may tinig na magsasabing, tara na!

    ReplyDelete
  3. .... sumasali ka sa mga patimpalak sa paaralan noon? ☺

    ReplyDelete
  4. nawala sa isip ko na linggo este buwan ng wika pala ang agosto.

    Dati kasi sa school alam yan, pero kapag wala ka na sa paaralan, wala na.

    inglis na ang alam ng karamihan sapagkat ito ang alam na lengwahe ng mas nakararaming tao.

    ReplyDelete
  5. Aba eh, mahusay!! Ganda ng ending, hindi naman ako nabitin medyo may ganung effect lang pero alam mo yung dapat i let go na. :D

    Mahusay!!

    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  6. Mahusay itong ginawa mo, di ko namalayan na sa buwang ito panahon pala ng buwan ng wika. Pagkabasa ko nito, akoy waring nagtaka. Kagandahay bakit hindi nakita. Lol! i tried but i really sucked! Nice reading this Fiel, it brings back many memories nung may Filipino subject pa ako :)

    Visit my blog: www.sarahrizaga.blogspot.com

    ReplyDelete
  7. Mahusay! Sino nga kaya ang babae? Kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari!

    ReplyDelete
  8. FIELLLLLL!!!!! 8D
    I'M ALIVE!!! XDDD
    KEKEKEKE!!!

    -xiandesu.tumblr.com

    ReplyDelete
  9. Fiel, andun din ako sa batis, nag lalaba, tinatawag kita e busy ka kausap ung babae haha :) Umekstra lang :)

    ReplyDelete
  10. makatang-makata. nakakaintriga. :)

    ReplyDelete

 
TOP