Loading...
Sunday, September 21, 2014

Ang lola sa waiting shed...


Isang gabing malakas ang buhos ng ulan, may isang matandang babae ang nakasilong sa isang waiting shed. Isang babae naman ang nakakita dito at ito'y kanyang nilapitan.

Babae: "Lola kanina ko pa kayo nakikita dyan at basang-basa na po kayo ng ulan.  Baka magkasakit kayo nyan... Sa'n po ba ang punta nyo at ihahatid ko na lang kayo?"

Lola: "Iniwan ako ng anak ko dito kanina, sabi babalik daw siya pero hanggang ngayon ay wala pa."

Babae: "Ah ganun po ba?  Sige po sasamahan ko nalang muna kayo. Magha-hating gabi na po kasi, baka mapaano pa kayo dito."

Lola: "Salamat Ineng... Ang totoo nga nyan ay nagugutom at nakakaramdam na rin ako ng pagod."

Babae: "Ah sige po maghahanap lang muna po ako ng pagkain.  May bukas pang tindahan dyan sa may kanto."

Lola: "Sandali lang Ineng... may binigay na sulat sakin ang anak ko. 'Di ko naman mabasa kase wala ako dalang salamin.  Maaari bang pakibasa?"

Malugod namang inabot ng butihing babae ang sulat at ito'y kanyang binasa ng tahimik.

"Kung sino man ang makakita sa nanay ko pakidala na lang po sana siya sa Home for the Aged o kaya eh kayo na lang po ang bahala sa kanya.  Hindi na po kase namin siya kayang alagaan..."

Lola: "Anu daw ang sabi sa sulat Ineng?"

Hindi na nagawang umimik pa ng babae.  Tahimik siyang napaluha at nahabag sa kalagayan ng pobreng matanda...

Lola: "Ineng bakit ka umiiyak?"

Napayakap na lamang siya sa matanda at tuluyan nang humagulgol ng iyak.
...
.....
.......
.........
...........
Lola: "Huwag ka nang umiyak Ineng. Tingin ka sa CAMERA...nasa WOW MALI ka! Hahaha!"


Happy Sunday po sa lahat!  Maaliwalas na ang panahon. Good vibes lang po!
Credits to the original author of this short story. Just edited some parts.

20 comments:

  1. Ahahaha walang hiya ka. nagood time si Ate

    ReplyDelete
  2. *hahahaha* Bwisit. Parating na yung 'feels' eh. Akala ko 'feels trip' na, tapos biglang ganun. lol

    Pero paano nga kaya kung totoo yun no? It makes me wonder kung nangyayari nga talaga sa totoong buhay 'yun. Mama's boy pa naman ako, so apektado ako. Di ko kayang gawin to sa magulang ko; ang hirap ko kayang alagaan at palakihin. *hehe*

    ReplyDelete
  3. letche hahaha andun na ako sa rurok ng pag iyak ng bigla na lang akong napatawa sa ending... haha buset! haha

    ReplyDelete
  4. The first part reminded me of many stories I had heard which were actually sad. Then may wow mali sa ending. Sabi nga ni Lalah, fishtea!

    ReplyDelete
  5. Namumuo na yung lungkot ko eh grrrr :-)

    ReplyDelete
  6. Feeling ko, ako ang na WOW Mali!!! HAHAHAHAHA! :D Galing mo Fiel :D

    Ingat!

    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  7. Hahahaha. I love this. Nakaka good vibes lang towards the end.

    ReplyDelete
  8. lol! Pagkakita ko palang sa title, i know na katatakutan to! Pero ay mali drama to, hangang sa natawa nalang ako sa sarili ko! WOW MALI! Wawa si Ineng hahaha

    Visit my blog: www.sarahrizaga.blogspot.com

    ReplyDelete
  9. Grabe naman! Touch na touch na ako tapus WOW MALI hahaha :)

    ReplyDelete
  10. Malapit na akong umiyak e.. :(( Pero in fairness kay ate, mabait sya. In the middle of the night, nakuha pa nyang mag-alala sa matanda at di nya iniwan after mabasa yung letter.

    ReplyDelete
  11. ang haaaarsh nakakainisssss huhu

    ReplyDelete
  12. Ampft yan! Nasayang ang pity ni ateng XDDD

    ReplyDelete
  13. Ah ganun so meganun talaga sa ending? E kung ikaw kaya ganunin??? Andun na e, kaso biglang may ganun?! Labo! (haha bad trip ka fiel)

    ReplyDelete

 
TOP