Loading...
Monday, December 9, 2013

When Fiel-kun meets Rix and Tonyo!

Rix, Tonyo and Me (in yellow shirt)

Ang dating biru-biruan ay nauwi sa seryosong usapan. Hanggang sa makapag set up ng tamang petsa at oras ng pagkikita. Kahit medyo hindi maganda ang aking pakiramdam dahil sa ubo't sipon ay di ko na pinalampas ang araw na iyon. Kahapon, araw ng linggo, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakipag-kita ako sa dalawang masasabi kong best buds sa mundo ng blogging at facebook, sila Rix of Rixophrenic at Anthony (blog withheld, gusto daw nya munang anon ang new blog url nya lol)

Maraming salamat sa inyong dalawa, kahit malayo pa ang pinanggalingan nyo ay talagang dinayo nyo pa ang bayan ng San Mateo upang makipagkita sa akin.  Ilang oras din tayong tumambay sa food court ng PureGold San Mateo branch (na pinakamalaking Puregold ata sa buong lalawigan ng Rizal) at sa katabi nitong Jollibee.  Si Rix ay taga Taguig at si Tonyo naman ay from Antipolo.  Maraming salamat sa halos pitong oras ng walang humpay na kuwentuhan at kulitan.  Thanks also sa time at effort ninyong dalawa.  I really appreciated it.  Ang saya ng ating naging pagkikita at usapan tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa blogging, anime at online games.  Sa uulitin mga kaibigan!


great friends are hard to find, difficult to leave and impossible to forget...


49 comments:

  1. nyahaha akala namin mangangaroling pa kami sa inyo lolz.... next time daw uli lolz....

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, wala pang Dec 16 kaya di pa pwede mangaroling :D

      yep, sa uulitin!

      Delete
    2. nyahaha ako din nahirapan ako mag salita kasi naman malat din ako. nanunuyo ang lalamunan ko nyahaha.

      Delete
  2. Salamat din at nagpaunlak kang pumunta sa ating munting pagkikita-kita, sa uulitin.

    Mas madaldal si Fiel sa online world. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah, maraming salamat din sa inyong dalawa. much appreciated ang time & effort nyo :))

      Ngeek, namamalat lang ako kahapon dahil sa sipon kaya di ako makabuwelo sa daldalan ng maayos ahaha!

      Delete
  3. wow! at may kita kits palang nagaganap! 7 hours? napasarap ata ang kwentuhan hahaha... I'm sure bitin pa kayo nyan... sama ako sa part 2 ng meet up! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha, ang daming baong kuwento ni Rix kaya umabot kami ng 7 hours :D

      naku kuya Mar, sagot mo dapat ang kape from SB sa meet up!

      Delete
  4. Wow! That was very a nice bonding:)

    ReplyDelete
  5. Onga, great bonding moments for all of you!! Cheers!

    ReplyDelete
  6. Flavour of the month kayo sa FB, ha,ha,ha. Ang mahiwagang pusa meeting two bloggers, it was fun to see you and your friends sa FB. Tayo naman next time, sama natin si Cher Kat at Ms. Balut!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, uu nga po sir Jonathan. Ang kukulet ng mga comments nila sa FB. Tawa ako ng tawa :D

      yeah sure, looking forward po to meeting you soon!

      Delete
    2. sama ko sa nestaym!!! ang lapit ko lang sa san mateo from where i live! haha

      Delete
  7. naks naman nagpapakita na rin.. sana tuloy-tuloy na yan hahaha.... cheers!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, thanks paps! pers taym makipag eb sa fellow bloggers and yeah, sana tuloy tuloy na toh pag may time XD

      Delete
  8. Ang tagal ng seven hours! Mabuti hindi kayo naubusan ng topic na pag-uusapan. :) wala akong ganyan, masarap siguro yung ganyang bonding!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, naku sir ang dami kasing dalang baon na kuwento ni Rix kaya napahaba ang kuwentuhan namin. First time ko pong makipag meet up sa fellow bloggers and yeah, masaya po ang bonding with them personally.

      Delete
  9. shushalans.... umi-EB! naks.

    honghobo naman ng kwentuhan nio. :D

    ReplyDelete
  10. kung nakakamatay ang inggit malamang effortless ang death ko! hahaha i hechu! ang tagal ko ngang nawala sa blogging world at ito na ito na ito na talaga hahaha... im so happy na hindi lang isang pusang picture tong si feyel hahaha and witness ako sa tatlong ito na indeed they are really best buds sa mundo ng blogging. add niyo pa ang anime nga at games. damot niyo ayaw niyo nga akong isali eh hahaha (para lang makaepal) i miss you all guys!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku Lala, kaya bilis-bilisan mo na yang balik-alindog program mo. Para pag fly mo ng Manila, voluptuous body like Anne Curtis ka na :D

      Ang tagal mong absent lol

      Mishu too!!!

      Delete
  11. Masarap talaga makakilala ng kapwa blogger sa personal. Lalo na kapag swak na kasundo mo. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Indeed Geosef. Swak na swak sa kulitan at walang boring moments :))

      Delete
  12. ayan may blogpost! kumbinsido na kong hindi ka fiction :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, sabi ko naman sayo Kuya Bino eh, I'm real, hindi lang ako kathang isip XD

      Delete
  13. Yey, fiel nakita na din kita! Sa wakas natuloy din EB nyong tatlo, glad you found best buds from online world to real one! Good vibes <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ate Gracie. Matagal na pinag-meetingan ito bago natuloy ahahaha :D

      good vibes!
      <3

      P.s.
      natawa ako dun sa comment mo sa blogpost ni Rix :))

      Delete
  14. saya naman ng kita kits nyo at marathon na kwentuhan hehe! sana ma meet ka din namin Fiel pati na din si anon na si Anthony :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha, thanks Zai :))

      yeah, looking forward in personally meeting you up soon!

      Delete
  15. Congrats, tao ka na Fiel. Hahaha. Hindi ko lang maiwasang matawa sa mga nababasa kong comments. Imagine, akala nila you're just a fictional character? Muntik na rin akong maniwalang pusa ka talagang binuhay lang ng dragon balls alinsunod sa kahilingan ni Master Pogi. Lol.

    Seriously speaking... NAIINGGIT ako! Ang sarap sakalin ni Fiel, hindi man lang nandamay. Haha. Sa susunod nga paki-inform kami nila myx para tayo naman. :))

    Mharliz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naaayyy pati ikaw Mariz, nakiki-fictional character na rin hmph! LOL :D etong eto na nga oh, ang living proof na hindi ako kathang isip lng ahaha XD

      Naku, sana nga in God's perfect time magkita-kits din tayo nila Myx, Jose & Nicole personally :))

      Thanks!

      Delete
  16. Huhuhuhu kainggit naman kung wala lang akong part time last sunday sasabit sana ako sa bag ni anthony eh magpapanggap akong pencil case. Hahahahaha im happy for the three of you di lang sa online world kayo magkakaibigan officially in real life na rin. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jaid!!! naku, marami pa naman next time diba? Sa susunod, pahatak ka na kay Anthony hihihi :D

      Delete
  17. Totoo pala talaga na nag eexist ka Fiel.. May threat ba sayong dalawang yan at napalabas ka nila? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahaha! ayaw nyo lang kase maniwala eh LOL XD

      Di na nakawala ang pusa nang hagisan ng Master Ball *evil grin*

      Delete
  18. Ang saya naman! :D Gusto ko din makameet ng blogger friends!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Looking forward in meeting you too soon :))

      Delete
  19. pasalamat tau sa ilaw ng jolibi. sana mameet ko din si fiel

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahaha! hindi nga bukas lahat ng ilaw sa Jollibee that time eh. Yeah, looking forward in meeting you Jei Son!

      Delete
  20. looking forward na mameet din kita parekoy!

    ReplyDelete
  21. Wow! Ang saya naman ng meet up na yan :D

    ReplyDelete
  22. wow.... kakatuwa naman... nakita ko yan sa FB pero natuwa pa rin ako hehehe...

    sana makasama ako next time...

    ReplyDelete

 
TOP