Loading...
Sunday, March 24, 2013

Semana Santa 2013


Ngayong araw ng Linggo ay Palaspas na or "Palm Sunday". Hudyat na ito ng pagsisimula ng Mahal na Araw. Marami sa atin, imbes na mangilin ay nagbabakasyon at namamasyal sa kung saan-saan. Sa karamihan, ito lang kasi ang panahon na maaaring magsama-sama ang magkakaibigan at pamilya dahil walang pasok ang lahat. Siguradong puno na naman ang mga beach at resorts. Siksikan na naman sa Boracay. Ngayon pa lang, nagsisimula nang magplano ang magkakaibigan at pamilya kung saan ang kanilang destinasyon.

Hindi na ganoon karami ang nagbibisita-Iglesia. Kakaunti na rin ang nakikibahagi sa Pabasa. Hindi naman kailangang hagupitin ang katawan ng latigo o magpapako sa krus. Nakaugalian na ito, ang pamamasyal sa panahon ng Semana Santa. Ang magsaya, uminom, pero huwag din sana natin kakalimutang magsakripisyo at mangilin. Alalahanin natin na ang diwa ng Mahal na Araw ay ukol kay Jesus na isinakripisyo ang kanyang buhay para sa ating mga kasalanan. Sana ay maisama n'yo Siya sa anumang inyong balak ngayong Semana Santa.



----- Pasasalamat -----

Maraming salamat sa pagdalaw at pagbibigay oras ninyo sa previous entry ko titled [ Graduation Special ] Goodbye and Hello. Shout out goes to the following:

Rix, Olivr, khantotantra, Phioxee, jonathan, Lalah, bagotilyo, ignored_genius, Gracie, Arvin U. de la Peña, Archieviner, aian, Superjaid, Mar Unplog, Leah | Travel Quest, Ric LifeNCanvas, yccos, Bino, KULAPITOT, Lady_Myx, Ishmael Fischer Ahab, bluedreamer27, glentot, Gilbert Pagunaling, Umi, xoxo_grah, wReY sWiFt

----- Kowtabol Kowts -----

"Huwag mo nang hanapin kung sino ang wala. Ang mahalaga ay kung sino ang naririto at laging nagbibigay oras at panahon para sa iyo."

"Kung mahalaga ako para sa iyo, hindi ko na kailangan pang magsabi dahil kusa mo na itong gagawin."

33 comments:

  1. reaksyon sa unang quotable quotes:

    hindi naturol na iappreciate ang narito. ang hinahanap talaga ay ang nawawala. :)

    holy week na!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha ay ganun po ba yun sir? :P

      Delete
    2. minsan masarap hanapin ang wala gaya ng pagkain hinahanap ang wala yan ang tinatawag nilang "crave" rooottss..

      Delete
  2. Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh ahahaha komokowtabol kowts ka na din ahahaha... mana mana ba ito... mamaya sabihin nanaman ni lala kung ano nanaman ang meron at gumaganyan tayo ahaha.

    Hayzt, nagpaalam na ako sa ate kong madre na bukod sa trabaho eh may gagawin eh sasama ako sa outreach sa susunod na sabado, dahil pagtulong naman iyon sa ibang tayo eh ok lang sa kanya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngeek! baket palaging si Lala ang naiiisip mo pagdating sa mga kowtabol kowts na yan hahaha :D hindi ba pwedeng iba naman? LMAO

      oi Rix, Holy Week na, mag ngilin tayo ^__^v

      Delete
    2. Hala ahahaha mabait kaya ako (konti) eh kasi pagnakakita ng kowts yun adik kala nya para sa kanya ahahaha.

      Delete
    3. hahahahahaha mga hayop kau, inunahan nio ako hahahaha eh bakit ka ba kontrang kontra ka kay rix feyel ha? tatadtarin kita ng bala makita mo!! hahaha eh sa ako ang naiisip niya eh buti nga naiisip niya ako!! cheh!! hahaha matigas na pusa!! hahaha amfff. di na talaga tayo bati!! inaaway mo ako dito feyel!! amfff.

      Delete
  3. Ayun. BAKASYON ang turing sa Semana Santa. Kasi nga yun lang ang mga araw na libre ang lahat. Hindi naman rehilyoso ang aking pamilya pero as much as possible, ayaw ng aking nanay na naggagagala kapag semana santa. Napapangitan daw sya at hindi appropriate XD HAHAHA! Ayun, sunod na lang :) although hindi naman problema sa akin at sa ngayon mas pabor yun dahil nagtitipid ako ng bongga XD Hehehe~

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan sa wakas sa lahat ng binasa kong comment may ganyan kang comment hehehe kasi yong comment ko nga at tanong bakit naging bakasyon ng lahat ang semana santa at kahit yon ang araw na libre ang lahat ndi ata yon rason? hihihi agree ako sa nanay mo. ganon din ang pananaw ng aking lola at lolo noon, at ang late mother ko rin. eh kaso wala na sila kaya naging open na pagkakataon na pweding gawing bakasyon ang semana santa, eh kung buhay pa sila, goodluck kung makakalabas kami ng bahay hahahaha

      Delete
  4. Hindi ako Katoliko eh kya hindi ako maka relate hehee.
    Pero sumasali na din ako ng dahil sa kuya mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayon pagibig ay si GOD hihihi =) nakikialam talaga ako eh hehe sorry naman

      Delete
  5. Magandang paalala para sa mga nakakalimot. Parang Pasko lang yan, dapat ugaliin na araw araw ay magpasalamat at gunitain ang kabuihan ng Maykapal. Ok ang mga quotables, nakaka-relate lang.

    ReplyDelete
  6. well ayun sarap sa feeling ng palm sunday kanina!
    i feel so blessed sa mass kanina at looking forward
    na magnilay nilya ngaung week na to

    ReplyDelete
  7. parang may patama ang kowtabol kowts ah... chos!
    Kahit hindi lentes season lagi dapat tayong thankful..
    kahit hindi sagana mag pasalamat... at pag sagana aba mas lalong mag pasalamat... and share your blessings na din :)

    ReplyDelete
  8. ang semana santa ay tungkol sa paninilay nilay ng ating mga nagawang kasalanan. Dito natin sinasariwa ang mga paghihirap ni Hesus kaya't sana lang wag ito gawin ng iba bilang bakasyon and upang magsaya bagkus pagnilayan nila ang kanilang mga kasalanan at humingi ng kapatawaran ^_^

    ReplyDelete
  9. And don't forget, bukod sa mga tradisyon at sakripisyo na iyong tinuran, ang pinakaimportante na nawawaglit ng marami sa atin ay ang pangungumpisal o paghingi ng tawad ng ating mga kasalanan sa Panginoon. :)

    ReplyDelete
  10. i love the quotable quotes ;-) at uu dapat me sakripisyo. sabi nila dapat isacrifice yung pinka ka mahirap i giveup. right now, nag iisip na ako kung i gigive up ko muna ang blogging or night out. blogging means no gala night out means tambay sa bahay. ang hirap naman noh. pero mas mahirap yung ginawa ni jesus. thanx sa paalala fiel

    ReplyDelete
    Replies
    1. at dahil dyan ako ay magddownload ng god's movie. hihihi hindi nga, iba na kaya ang dating ng semana santa ngayon kasi ginawang bakasyon ng mga tao, hayop ndi man lang pweding magstay sa bahay at manahimik charots hahaha wala lang nakikiepal lang ako dito hahaha

      -subadmin-

      Delete
  11. Kumokowtable Kwots ah... Sapul naman ako dito ---> Huwag mo nang hanapin kung sino ang wala. Ang mahalaga ay kung sino ang naririto at laging nagbibigay oras at panahon para sa iyo." hmmmm... parang may pinapatamaan ah.

    Anyway naalala ko dati pag malapit na palaspas nakakalbo ang punong buko ng lola ko. Tsaka yung tinik tinik na dahon nauubos. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. magkaiba ba ang punong buko sa punong coconut? hahahaha nganga ako! hmm magkaibga nga ang buko mas maliit at ang coconut mas mataas hihihihihi

      chismis sino ang pinapatamaan? hahahaha

      Delete
  12. at na pressure naman ako sa kowtable kowts na yan! hahaha gumaganyan ka na ngayon alam ko na san ka humuhugot ng mga kowts na yan kay rix hahaha kayong dalawa nakoh!! hahaha

    yan ang isang tanong ko, hindi lang basta tanong kundi malaking tanong, noong ako ay bata pa ginagawa na ba ang semana santa na pagkakataon para mamasyal? kasi nong bata pa ako, ramdam na ramdam ko kapag holy week, we have our own sacrifices talaga, as in kailangan namin maglakad ng malayo, gumising ng maaga, magdasal, at bawal maligo beyond 3pm ng byernes santo, tapos bawal ang maingay, ganyan ang kinalakihan ko tapos ngayon na namulat na ako sa media, sa ano ang meron ngayon as in PRESENTLY ginawang bakasyon ang semana santa, nasa boracay ang mga tao, nasa beach nakabukaka lang ganyan, heller what happened to our mother earth? char lang!! hahahahaha

    darating din ang araw na maramdaman ko yang bakasyon nila sa boracay2x na yan jowwwkk...

    thanks for reminding me this, it brought me back my childhood days with my grandparents and parents. hehehe seryos ako ha hindi ako nangangaway dito! ammfff...

    di pa rin tayo bati =(

    ReplyDelete
  13. Hi tukayo! La lang, natuwa lang ko kasi may nakita akong kapangalan ko haha :)

    ReplyDelete
  14. Honestly, hindi na talaga ntin kailangang mag sakripisyo dahil God did it already for us. :)

    Kumokowt ka pusa! May pinagdadaanan? :)))) *bunny hop

    ReplyDelete
  15. Timely reminder, athough we have to be reminded of God's love everyday and take time to fellowship with him.
    Nakakalimot talaga marami and thanks to you young man for having a this nice thought!

    ReplyDelete
  16. Kumusta kana! Miss your posts! anu bago sayo?>

    ReplyDelete
  17. Holy Week na uli... Maraming nagpupunta sa mga simbahan at gayundin sa mga beach.. Anyway, kung nasaan man tayo'y maalala din sana natin ang kabutihan ng Diyos sa ating lahat!

    Nawa'y maalala din tayo ng mga wala.... Pero kung di man, ay ok din naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung second line pala ay response ko sa kowtabol kowts mo... (naiba kasi ang sense sa first line)

      Delete
    2. Happy Easter too! Fiel God bless us!

      Delete
  18. ang ganda ng sinabi ni bluedreamer27.....pero likas na sa mga tao ang magbakasyon sa ibang lugar...

    ReplyDelete
  19. Nowadays iba na talaga ang way of celebration of holyweek. Wala ng pagninilay nilay ukol sa ano ba ang ipinagdiriwang natin tuwing mahal na araw. Ngunit sa kabilang banda mapalad pa rin ang mga pilipino kasi its a long holiday they can relax and spend time with their families. Di tulad namin dito sa ibang bansa walang holiday puro work at work lagi :(

    ReplyDelete
  20. sorry I'm late. Hindi naman kelangan ng Semana Santa para malaman natin ang Sacrifices satin ni God. We just have to open our hearts and listen. Anytime naman, anjan sya.

    why effort sa paghahanap anyway? haha.. eh hindi nga sila nageffort sa pag-appear in the first place. :P

    ReplyDelete

 
TOP