Loading...
Sunday, August 26, 2012

Random thoughts...ulit!

Haays... gustong-gusto kong magpost ng new entry today pero hindi ko naman alam kung tungkol sa anung topic or kung saan ako magsisimula lols.  This led me to be posting some short articles tuloy to my other blog site called Fiel's Anything Goes Corner - not the niftiest title I know, but hope you could pay a visit na din.  My second blog contains mostly anything under the sun... some general infos about entertainment, movie, music, anime, sports, blah blah blah... basta visit nyo na lng yung link sa taas at kung pwede, pa-add na din sa mga blog roll nyo (haha, shameless pluggings na toh!)

Saka sino pa lang nakapanood ng MMK: Cards episode kagabi? Grabe, sobrang tear-jerker yung episode last night. Ang galing ng cast including si Brenna Garcia (played as Apple).  Nakadagdag pa sa melancholic mood ng palabas yung background instrumental music na "Tanging Yaman".  Hindi ko din makakalimutan yung quotable quotes ni Ma'm Charo before the program ends. Ganito yun eh:
"Ang pag harap natin sa araw-araw na pagsubok ng buhay, ay nakakaubos ng ating oras, lakas at pasensya. Pero huwag nating kaligtaan bigyan ng puwang ang mga taong mahalaga sa atin. Ang isang halik, ngiti o isang munting papuri ay maituturing na maliit pero napakalaki namang halaga sa puso ng mga mahal natin..."
Oh siya, siya... till next update na lang ulet mga tropapips. Blog hopping na ako after this. See yah! 

5 comments:

  1. Grabe marami akong nailuha dahil kay Apple, niyakap ko pa ng bonggang bongga ang anak ko. Eye opener sa mga nanay/ tatay na medyo nakakaligtaan ang mga anak dahil sa ka busyhan.

    ReplyDelete
  2. Di ako makarelate. Gustohin ko man panoorin. i'll visit your other blog :P

    ReplyDelete
  3. hindi ako mahilig sa drama, eh
    nyahaha

    ReplyDelete
  4. me too i always read all the comments na iniiwan sa blog ko kait di ako nagrereply minsan haha anyway..di na ako nakakapanuod ng tv kasi busy ako sa kakanuod sa laptop ko pero maganda nya yung quote ni at charo. =D

    ReplyDelete
  5. Hello, i followed you sa isa mong blog.

    hindi na ako nakakapanood ngh MMK. pero ung quote, nakakarelate ako.... " Ang isang halik, ngiti o isang munting papuri ay maituturing na maliit pero napakalaki namang halaga sa puso ng mga mahal natin..."

    namiss ko na manood ng MMK.

    ReplyDelete

 
TOP