Monday, November 15, 2010

I'm another year older (again)...

I just celebrated my birthday yesterday, November 14th at ang tanging hiling ko lang mula kay Lord ay Good Health for me and for my whole family. Yun lang muna siguro ang mahihiling ko sa ngayon. Wala munang mga material things. Basta nasa maayos na kalusugan lang ako at ang aking buong pamilya ay masaya na ako ^_^

Congrats din pala kay idol Manny "Pacman" Pacquiao for the great victory he had yesterday against Antonio Margarito!

Friday, November 5, 2010

2010 ABS-CBN Christmas Station I.D.

Bilang bahagi ng taunang tradisyon ng ABS-CBN Kapamilya Network tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan, muli nilang inihahandog ang pinakabago nilang Christmas Station ID ngayong year 2010. Na may pamagat na, Ngayong Pasko Muling Magniningning ang Pilipino. Ito ay alay nila sa lahat ng Pilipino saan mang panig ng Mundo.

:+: Ngayong Pasko Muling Magniningning ang Pilipino :+:
Performed by: Gary Valenciano, Toni Gonzaga and UST Singers


50 Days na lang Pasko na!
Muli na naman pala akong magdiriwang ng aking kaarawan next week. November *ehem* 14 *ehem* ang Birthday ko *ehem* (Hindi ako nagpaparinig ^_^)

Pasensya na din pala dun sa mga napagtanungan ko sa kanilang tag-board kanina about sa error na na-encounter ko sa paglog-in dito sa blogspot. Nabaliw lang kanina yung browser at internet connection ko :)