Loading...
Thursday, June 3, 2010

Anong mas gusto mo?


Minsan sa buhay, ang daming choices pero hindi mo alam kung anong pipiliin mo. Pero minsan naman dalawa lang ang pagpipilian pero grabe kahirap mag-decide. Bilang tao kasi, gusto natin makuha at matamo ang lahat ng bagay na makakapagpaligaya sa atin. Subalit ang buhay ay hindi laging patas. Kaya nga sabi nila, you can't have your cake and eat it too. We simply just can't have everything. Maaari nating makuha ang lahat ng gusto natin pero hindi sabay-sabay. Paisa-isa lang. So anyway on this note, naisip ko ang mga sumusunod na bagay na madalas nating itanong sa ating mga sarili.

[^] Anong mas gusto mo, mag-alaga o alagaan?
[^] Anong mas gusto mo, iyong mas mahal mo o mas mahal ka?
[^] Anong mas gusto mo, mahabang buhay o masarap na buhay?
[^] Anong mas gusto mo, mataba ka at maligaya o payat (sexy/macho) pero malungkot?
[^] Anong mas gusto mo, pangit pero nakakatawa o guwapo pero boring?

Hindi masamang lumigaya o gustuhing lumigaya. Ang tanong lang ay paano ito makakamtan. Mahirap mamili lalo na kung lahat ay gusto mo. But I think it can be easier if we know our desires and priorities in life at its particular points.

Halimbawa, kung bata ka pa, ang dapat mong ginagawa bukod sa mag-aral ay mag-enjoy. Magkaroon ng mga kaibigan, lumabas at danasin ang buhay. Kapag naman nagtatrabaho ka na, magshishift ito ng kaunti dahil mas kailangan mong bigyan ng pansin at oras ang pagtatrabaho, kasama na riyan ang pag-iipon para sa kinabukasan mo. Kapag naman stable na ang trabaho mo, pwede ka na rin magseryoso sa pagkakaroon ng boyfriend or girlfriend na siyang maaaring pangmatagalan na, na maaari mo nang pakasalan. At once magdecide kang i-pursue ang isang tao. Kailangan mong tanungin ang sarili mo kung handa ka na bang i-give up ang nightlife, ang paggigimmick hanggang sa pumutok ang araw at harapin ang responsibilidad ng pagkakaroon ng may-bahay. Kapag naman nag-asawa ka na, kaagad mo bang igi-give up ang "alone time" niyong mag-asawa para magkaroon ng mga anak o eenjoyin niyo muna ang company ng isa't isa na kayong dalawa lang. O kaya naman kapag nagasawa ka na at babae ka, titigil ka ba sa pagtatrabaho, kung halimbawa, hilingin ng asawa mo? Pag nagkaanak ka naman, paano mo sila palalakihin? Magiging strikto ka ba para hindi lumaking suwail ang anak mo o hindi mo sila paghihigpitan kasi alam mong habang sinasakal ay mas kakawala at magrerebelde sila?

Masarap pero mahirap ang buhay. Pero sa tingin ko lang ay dapat alam natin ang gusto natin. Know what you want in life. Know your priorities and you wont get lost. You wont even have a hard time choosing.

Kinuha mula sa kolum na Diklap ni Ms. Anne ng Dyaryong PM.

16 comments:

  1. Nadali mo naman lahat eh! Hindi ka man lang nagtira! ^_^ Joke lang! :P

    Pero may hanging question pa rin lagi sa huli eh, ano ba talaga gusto natin at paano natin sasagutin yung tanong na yun... yun ang pinakamahirap, talo pa ang Math. ^^

    ReplyDelete
  2. It's like Economy? or Quality? Pwede both? lol...

    Lahat dito sa mundo ay may "PERO"...sadyang ganun cguro...

    ReplyDelete
  3. syempre gusto natin hangga't maaari eh makuha natin parehas but in the end.. it is still our choice... we are the one making our own destiny, our own path... and it's just a matter of making decision ^_^

    ReplyDelete
  4. hi fiel kun
    check the new list of Blog Idol prizes here
    http://bluedreamer27.blogspot.com/2010/06/blog-idol-new-list-of-prizes.html
    have a great day and thanks for joining

    ReplyDelete
  5. amen ;PP kekek. super nmn yan tagalog mo kuya. whoo. mm, syempre nmn lahaht nang tao gusto makuha nag lahat nan hiling nila para maligaya. and normal lang na hindi ito nakukuha nan madali. mm, thats life :D great post :D

    ReplyDelete
  6. ako ang gusto ko talaga ay iyong matuwid na daan..dahil sa daang matuwid tayo ay aangat,hehe..gawin ang lahat ng kung anuman ang nais para tayo lumigaya..now kung hindi pa man mangyari ay hayaan at darating din ang ligaya sa atin..minsan nga lang maraming dahilan kung paano natin hindi nakakamtan ang nais na kaligayahan..

    ReplyDelete
  7. Hi!

    THE WAIT IS OVER!!!!!

    I ♥ N The Official Blog Launch!

    my new blog is UP NOW!!! I hope you can drop by and leave some comments ;)

    Follow the link thanks!
    http://ilovenashyboy.blogspot.com/

    LOVE,
    N

    ReplyDelete
  8. Life, indeed, is full of choices... sa sobrang dame di na alam qng anu ba tlaga ang hanap at dpat piliin... qng pede lng lhat... why not d b??? tsk3... bkit nga b kelangang pumili qng lhat nmn nakatakda ng ibigay sayo sa tamang panahon...? bkit kelangang humiling qng laht nasasayo na kulang lng ng kamalayan..? haaayy... buhay prng life... jejeje... hay naku, nakakadala nmn 2ng mga post mu... kea maka-exit n nga... jejeje...!:)

    Take care!:)

    >Kelvin

    ReplyDelete
  9. Wala naman yata talagang madali sa buhay. Laging may what-ifs, may doubts, may consequences. Pero ang pinakamagandang magagawa siguro natin ay maging firm sa lahat ng desisyon, maging matatag sa lahat ng bagyongd darating, at higit sa lahat, matutong tumanggap ng pagbagsak at magkaroon ng lakas ng loob upang bumangon uli. :D

    ReplyDelete
  10. nice post..i agree sa lahat ng mga sinabi mo...ako ring level up na ako sa buhay...tingin ko i should set some things behind me muna kasi i have greater priorities than just having fun and going around...char haha..darating rin balang araw na magagawa natin ung mga talagang gusto nating gawin... ^^ sadyang ganyan talaga buhay ^^ just pray for those things that you're meant to do in life ^^ i believe...that way it's solved ^^

    ReplyDelete
  11. Yeah, it's all about planning your work. And then work your plan! :))

    ReplyDelete
  12. happiness is such a vague word and is something that is very important in our life that we go gaga over and we rush into achieving it kaya lalo tayong nagiging restless and unhappy.....and so, to be happy---you need to have good choices. might not always be the best, but at least, those choices should speak for you.

    ReplyDelete
  13. Nakakainis!, hindi na post yung comment ko last night!grr.....

    Ang ganda ng post na to kasi kaylangan talaga sa buhay ng timbang and this is exactly what you're saying. I love the question part cause it's so balance talaga!:)

    lemme answer it:
    1.Algaan
    2.Mas mahal ako
    3.Masarap na buhay
    4.Mataba pero maligaya!
    5.Mas gusto ko nang maging panget kasi sense naman talaga ang mahalaga sa tao!

    ReplyDelete
  14. Yan ang maganda sa buhay
    may choices
    Kaya when one screws up, he has no one to blame but himself
    desisyon nya yon, eh

    ReplyDelete
  15. Hello..X)
    Sabi nga nila you can't have the best of both worlds..
    At isa pang sabi nga nila life is a matter of choice n0t of chance..
    Buhay nga naman..it's c0mplicated.

    ReplyDelete
  16. Nice. Very honest thoughts, dude. One thing that an HR Manager told me when I was applying for a job once was about choosing between two good things. Sometimes we are so much stressing on the difficulty of choosing one thing over another when we are so blessed to be able to choose between two good things.

    ReplyDelete

 
TOP