Credits to the photo owner
Isa sa mga pinakagusto ko tuwing tag-araw ay yung eksena na makakarinig ako ng huni ng mga kuliglig na nagmumula sa mga punong nakatanim malapit dito sa aming tahanan sa katanghaliang tapat. Yung sasabayan pa ng banayad na pag-ihip ng hangin na siyang tumatama naman sa "wind chime" na nakasabit sa may pinto o bintana. Lumilikha iyon ng kakaibang musika na very soothing at relaxing. Ang sarap sa pakiramdam lalo na sa gitna ng maalinsangang panahon.
At ang isa pang gustong gusto kong gawin tuwing tag-araw ay yung magpalipad ng saranggola tuwing hapon. Noong bata pa ako, madalas ko itong gawin sa mga malalawak na bukirin dito sa aming lugar. Yung kahit yari lang sa dyaryo at tingting yung saranggola ko tapos yung sinulid naman ay kinupit ko lang sa sewing box ng nanay ko, ay masayang masaya na ako. Minsan umaakyat pa ako ng bubong namin para ma-enjoy ko pang lalo ang pagpapalipad nito. Sayang nga lang dahil yung mga malalawak na bukid dito ay tinayuan na ng mga subdivision.
Speaking of which, may nabasa ako dati sa isang lumang issue ng Dyaryong Pang-Masa (PM) na ang Saranggola daw ay maaaring ihalintulad sa pagpapalaki ng isang anak... mula pa lang sa pagpaplano ng pagbuo nito ay ninais mo nang manggaling ito sa matibay na materyales. Yung mag-e-exert ka talaga ng effort sa paghahanap ng makukulay at dekalidad na papel. Yung hindi madaling mapunit. Sinulid o pisi na hindi madaling maputol, glue na madikit, matibay at matigas na kawayan (ngunit madaling baluktutin) na magsisilbing buto at gulugod nito.
Right after na matapos mo itong mabuo, ay sisimulan mo na itong paliparin. Syempre sa una ay alalay lang. Hindi mo agad itotodo ang pag-alagwa sa tali. Mababa muna sa simula, hanggang sa maramdaman mong matatag na ito sa paglipad ay saka mo naman hahayaang umalagwa ang tali until makita mo na itong isinasayaw ng malakas na ihip ng hangin na animoy humahalik na sa mga ulap at langit.
Habang lumalayo ang saranggola sa iyo ay makakadama ka ng lungkot. Pero lungkot iyon na may kakambal na saya dahil ang mataas at walang sablay niyang paglipad ay isang tanda na nagtagumpay ka sa pagbuo ng isang matibay na saranggola. Saka ka mapapaisip na aahhh... nagawa mo nang maayos ang iyong responsibilidad bilang isang magulang...
#Kuliglig
#Saranggola
#Anak
#RandomMusing
#Inspirational
#Inspirational
nakakarelate ako dun sa mga sounds like yung pag tumatama yung hangin sa nakasabit sa pintuan namen, i cant quite describe yung feeling pero parang ang peaceful and refreshing. :)))
ReplyDeletesobrang ganda ng comparison mo ng saranggola sa pagpapalak sa anak saktong sakto <3
Ang ganda ganda ng paghahalintulad. Natutuwa rin ako sa mga naaalala ko nung maliit pa ako though hindi ko man naranasang magpalipad ng saranggola. Nakatayo lamang ako ng nakamasid sa mga batang nagpapalipad o may hawak na saranggola. Sinabi ko na darating ang panahon na ako ay makakalipad din, makakatakas sa hindi magandang yugto ng buhay, at ito nga ay natupad.
ReplyDeletekainggit ka magpalipad, nakaakyat ka pa sa bubong.... pero totoo, ang pagsasaranggola parang pagpapalaki sa bata... ako mas kinakabahan noon pag mataas na mataas na.. humihigpit ang pisi.. baka ako tangayin... nice post!
ReplyDeleteAng drama naman magpalipad ng saranggola! Hahaha! Basag trip talaga no? Pero I beg to differ. Mukhang malayo ang paghahanda ng saranggola sa pagpapalaki sa bata dahil minsan a child is already destined to be something or somebody depending on the ethics and values of his family, his education, his experiences and his genes. On the question of genes and experiences wala na talaga magagawa dun ang mga magulang. Habang ang saranggola naman eh mapipili mo pa ang mga materyales at ma determine mo pa ang success nito o ang failure nito.
ReplyDeletePero siguro may similarity na rin sa process ng pagpapalipad.
Anyway, when you mentioned kuliglig, ang daming mga ala-ala nagbalik sa akin. Naalala ko ang hometown ko. Galing ako sa isang maliit na bayan sa Laguna. Magubat pa rin ang paligid ng bayan na ito kaya nananaig pa rin ang katahimikan, ang kalikasan at ang mga huni ng mga nilikha ng maykapal, lalu na ang mga kuliglig.
Ilang buwan na lang at makakauwi na ulit ako!
Nakakalungkot dahil darating at darating din ang oras na lalayo ang saranggola sa'yo. At ang masama pa, habang lumalayo ito ay pwedeng biglang maputol ang pisi at biglang mawala sa grip mo ang saranggola. Pero sa'yo pa din naman ang bagsak ng saranggola. All you need to do is pick it up and make it fly again. At yan ang sukatan kung magaling ka talagang maging magulang.
ReplyDeleteWow :) Simple ngunit epektibo ang paraan mo ng pagpapahayag.
ReplyDeleteGustong-gusto ko yung paglalarawan mo sa simula, naramdaman ko na rin ang tagpo at oras na yun.
At ang galing ng paggamit ng proseso ng paggawa ng saranggola para maihambing ito sa pagpapalaki ng magulang sa kanilang anak.
Magaan sa pakiramdam matapos ko itong mabasa :)
nice metaphors. Miss ko mga ganyang gawain. maybe one day, for the next few years/ hopefully. :)
ReplyDeletemag guryon tayo sa inyo lolz
ReplyDeleteNaalala ko tuloy nong bata pa ako na nasa bukid din kami:)
ReplyDeleteAnyway, tama nga comparison mo sa pagpalaki ng anak at ang paggawa at paglipad ng sarangola.
Wishing you a nice weekend.
By the way, may problema na naman amg joysnotepad ko. Ayaw mag update sa blogger feeds:(
Ang ganda ng pagkaka describe mo sa tunog ng kuliglig Fiel, na imagine ko at na relax ko :)
ReplyDeleteAkma ngang ikumpara ang pag gawa at pagpapalipad ng sarangola sa pagpapalaki ng anak. Pag bumagsak ang sarangola, hindi din naman ito basta susukuan, susubukan pa rin paliparin :)
Kung nabasa siguro to ng parents ko sabihin nilang guryon ako, ang laki ko e hehe
Kelangn ko pang igoogle ang guryon ang lalim :)
ReplyDeleteWalang kupas ka pa din fiel sa mga ganitong post makabuluhan at may aral
nice analogy yung pagpapalaki ng anak sa paggawa at pagpapalipad ng saranggola. anuman ang mangyari kasi, nasa may hawak pa rin talaga ng tali kung magiging maayos ang lipad ng saranggola. mas tayo rin yung nakakaalam kung kelan ba sila dapat paliparin depende sa kundisyon ng hangin at panahon.
ReplyDeleteawww... <3 tagos naman sa puso ang last part ng post na ito. Akala mo lang talaga simple lang magpalipad ng saranggola. Tagal na rin last ng pagpapalipad ng saranggola, nakakamiss. :)
ReplyDeleteJewel Clicks
ugg boots, oakley sunglasses, replica watches, ugg boots, nike air max, cheap oakley sunglasses, nike free, michael kors outlet, polo ralph lauren outlet, longchamp outlet, jordan shoes, longchamp, ray ban sunglasses, michael kors outlet, prada handbags, ugg boots, oakley sunglasses, chanel handbags, uggs on sale, oakley sunglasses, polo ralph lauren outlet, christian louboutin outlet, ray ban sunglasses, burberry outlet online, michael kors outlet, louboutin outlet, ugg boots, louboutin shoes, michael kors outlet, louis vuitton, nike air max, ray ban sunglasses, prada outlet, louis vuitton, louboutin, oakley sunglasses, tiffany jewelry, louis vuitton outlet, burberry, kate spade outlet, louis vuitton outlet, nike outlet, tory burch outlet
ReplyDeletemichael kors, oakley pas cher, kate spade handbags, ralph lauren uk, ralph lauren pas cher, north face, michael kors, michael kors, burberry, hogan, hollister pas cher, nike roshe, sac guess, ray ban pas cher, ray ban uk, coach outlet, true religion outlet, air force, coach purses, nike roshe run, lululemon, coach factory outlet, coach outlet, timberland, true religion jeans, vanessa bruno, nike blazer, nike free, nike air max, hollister, new balance pas cher, vans pas cher, nike free run uk, nike air max, lacoste pas cher, louboutin pas cher, air jordan pas cher, michael kors, sac longchamp, north face, true religion jeans, abercrombie and fitch, tn pas cher, air max, longchamp pas cher, true religion jeans, converse pas cher, mulberry, hermes, nike air max
ReplyDeletepandora charms, ugg,ugg australia,ugg italia, moncler, ugg pas cher, moncler outlet, vans, thomas sabo, canada goose, barbour, bottes ugg, louis vuitton, moncler, karen millen, hollister, marc jacobs, wedding dresses, canada goose outlet, moncler, pandora charms, ray ban, louis vuitton, montre pas cher, canada goose, supra shoes, louis vuitton, barbour jackets, ugg boots uk, toms shoes, moncler, converse outlet, moncler, juicy couture outlet, pandora jewelry, sac louis vuitton pas cher, doudoune canada goose, converse, replica watches, nike air max, lancel, canada goose, coach outlet, pandora jewelry, juicy couture outlet, moncler, doke gabbana outlet, ugg,uggs,uggs canada, canada goose outlet, links of london, canada goose, gucci, moncler
ReplyDeletegiannis shoes
ReplyDeleteyeezy 500 blush
bape outlet
supreme hoodie
supreme
yeezy
kd12
yeezy 350
off white jordan 1
kyrie 7