Mr. Anthony Pangilinan (husband of actress Maricel Laxa-Pangilinan) is one of my favorite Filipino motivational speaker. He has a weekly morning tv program on Aksyon TV 41 called Magbago Tayo. I admit, hindi ako madalas nakakapanood or nakakapakinig ng programa niya tuwing Sabado. Kadalasan ay naghihintay lang ako ng mga updates through their Facebook page. Then last Saturday (May 10), they had this very good topic about RENEWAL - Recovering from the storms of life. It's a good thing na palagi silang nagpo-post ng summary of the topic on their FB page na maaaring pagnilay-nilayan ng kanilang mga viewers at followers. Heto ang aking piece about Renewal.
Remember that storms are a part of life
- May mga pagkakataon talaga na nakakaranas tayo ng "bagyo" or "unos" sa ating mga buhay. Ang bagyo na tinutukoy dito ay metaphor ng mga problema, suliranin at pagsubok na ating kailangang pagdaanan at malampasan bilang isang tao. Huwag mangamba dahil normal na bahagi lamang iyan ng buhay.
Everyone loses something, sometime
- Lahat ng tao at bagay dito sa mundo ay may hangganan. Darating at darating talaga ang panahon na mawawala ito sa ating mga palad gaano man natin sila pinaka-ingatan at minahal.
Not all that you lose is worth recovering
- Minsan mas mabuti na rin na hayaan na lang nating mawala ang isang tao or bagay sa ating buhay. Kung ang dala naman nila ay puro pasakit at sama ng loob lamang. Let go of the people na parang "shadow" lang ang role sa buhay mo. Yung tipong they stick around only during your brightest moments but disappear during your darkest hours.
Every loss is an opportunity to cross out what does not work
- Ang pagkawala ng mga bagay-bagay at tao sa ating buhay ay magsisilbing pagkakataon mo na rin upang pagnilay-nilayan at matuto sa mga leksyon na hatid ng nakaraan. Dahil dyan ay magiging mas matalino na tayo sa pagpili sa mga bagay at taong gusto nating makasama sa kasalukuyan.
Winning is made sweeter after losing
- Nobody is perfect. Ayos lang na magkamali. Basta ba sa bawat pagkakamaling ito ay marami tayong natututunan. Dahil dito nahuhubog ang ating abilidad at karakter bilang isang tao. Kung madapa man, bangon agad. Harapin ang bawat bukas ng taas noo at may ngiti sa mga labi. Laging tandaan na bawat matagumpay na tao sa mundo ngayon ay dumaan muna sa matitinding mga pagsubok bago nila narating ang rurok ng tagumpay. Mas masarap makamit ang isang bagay kung alam mong ito'y iyong buong pusong pinaghirapan.
A loss is not necessarily at bad thing
- Hindi naman nangangahulugan ng kabiguan at kapighatian kung may nawala mang tao or bagay sa ating buhay. Minsan mas mabuti na rin na nangyari iyon kung puro "negative vibes" lang din naman palagi ang hatid nila sa atin.
Look at the finish line, it might be closer than you think!
- Minsan, marami sa atin puro reklamo na lang ang alam gawin sa buhay. Konting "discomfort" or hirap lang na maranasan, todo reklamo na agad. Ang hindi nila alam ay kulang lang sila sa tamang diskarte, sipag at tiyaga. Kung yung mga oras at panahon na ginugol nila sa kaka-reklamo ay ginamit na lang nila ng mahusay upang mapabuti ang kalagayan at estdado nila sa buhay, eh di sana nakamit na nila ang minimithi nilang ginhawa. Narating na sana nila ang "finish line".
#Renewal
#GoodVibes
#Inspiration
nice post... motivational nga... ^,^
ReplyDeleteTy for this post somehow I have learned something.
looking forward for more of your post...
Glad you learned something from this post :)
DeleteThanks po sir Rovee!
Napaka inspirational and motivational ng blog mo talaga :) Nakaka good vibes especially for the people na may pinagdadaanan. Not that meron akong pinagdadanan na hindi maganda right now, pero confirm next time meron since di naman yan maaavoid. At least alam ko blog mo dapat puntahan whenever I'm having a bad day. Haha :))
ReplyDeleteAnyway to answer your question sa blog ko, iba talaga ang system ng school dito and dyan sa pinas. Sa primary and secondary schools, school year is Jan to Nov tapos June and Dec yung holiday. Pero ngayon sa Poly meron kami dalawang semesters: Apr-Aug and Oct-Feb. So ang start ng new school year is April until Feb next year. Ang weird, I know. Hahaha.
Awww... salamat naman kung ganun Czarina :) dapat positive vibes lng parati. Nakakasawa na rin kase mag-emote eh XD
DeleteOoh, ganyan pala ang academic system jan sa SG. Parang wala din pala kayong summer vacations? Sabagay magkaiba naman kase ang Pinas at SG pagdating sa mga special holidays.
wow very timely ang post na ito, lalo pa ngayon na hinihintay ko pa rin ang pagsikat ng araw (pa-deep?)... pero nasa ganuong tagpo talaga ako ngayon... pero sabi nga "this too shall pass"... matatapos din ang ulan.
ReplyDeletesalamat sa pag-share! :) di ko alam na may ganito palang show sa Aksyon TV 41 (di na rin kasi ako nanunuod ng tv).
Sir Jep? what's wrong? I could sense that something's bothering you...
DeleteTama kayo jan. Lahat naman ng unos ay dadaan lng sa ating buhay. Basta kapit lng palagi sa itaas at di ka Niya tayo pababayaan.
Several years na rin silang ume-ere sa Aksyon TV, pero di rin ako madalas nakakapanood.
Totoo lahat ng sinabi mo bro... lalo na ito >> "Laging tandaan na bawat matagumpay na tao sa mundo ngayon ay dumaan muna sa matitinding mga pagsubok bago nila narating ang rurok ng tagumpay" Magandang guide sa buhay ang RENEWAL mo..
ReplyDeleteSalamat po sir Rofl :)
Deletetama yan pagnilaynilayan natin yan habang humihigot ng iskrambol sa looban ng selda 13 lolz
ReplyDeleteAhahaha. Tara dun natin sa Selda Trese pag-usapan yan habang nagpapalamig sa iskrambol XD
DeleteNot all that you lose is worth recovering- pak! sapul na sapul!
ReplyDeletepero minsan anhiraps... yung eksenang gusto mong mabawi ang nawala... yung ganong feeling. hahahah... napapa-emo mey. amsareeee
Ganun talaga siguro ang buhay. May mga tao or bagay na talagang not meant to stay with us forever... kaya let go let go din pag may time XD
Delete#emoness
wow naman! Mejo boomsapul ako sa finish line! haha! Makapag renewal na nga din!
ReplyDeleteHashtag hugot.
Wuuuyyyy Paoooo!!! kamusta namans?
DeleteButi naligaw ka ulet dito XD
*pokes with a carrot*
Hiiiii! PUPian ka pala! hahha nicee. nag- aaral ka pa din? You do have such motivational posts! i think i might find myself dropping by your blog often lalo na kapag ni'm feeling down and helpless lol.
ReplyDeletehttp://yanibonifacio.blogspot.com
yep, proud PUPian here as well :) I graduated several years ago pa XD
DeleteThanks much Yani!
Kung siguro eh napapaligiran ako ng mga taong may ganyang pananaw eh lagi na lang akong nakangiti at masaya. Pero hindi dahil tao lang tayo at kung hindi magkakamali eh hindi matututo. Salamat sa mga aral mula sa posting na ito. Gagawin kong POSTER!
ReplyDeleteBaket sir Jo, puro nega ba mga taong nakapaligid sa'yo jan sa Thailand? XD hindi naman siguro ehehe isipin mo na lng yung mga kids at mga parents na nagtitiwala sayo :)
DeleteCheers!
Sobrang ganda ng message Fiel!!! Nakaka motivate talaga para mag move forward sa buhay :)). Salamat dito... Thanks for reminding us(ako mismo) na kahit anu pa man ang nangyare... stay positive and usad lang ng usad :)
ReplyDeleteMaraming salamuch Aian :D
Delete#staypositive
another "losing" article from another perspective. funny that I believe nearly everything above, pero pag nandyan na yung situasyon, anhirap parin makipagdeal sa mga problema.
ReplyDeleteVery nice and full of wisdom to learn here Fiel-Kun:)
ReplyDeleteI salute you:)
ugg boots, oakley sunglasses, replica watches, ugg boots, nike air max, cheap oakley sunglasses, nike free, michael kors outlet, polo ralph lauren outlet, longchamp outlet, jordan shoes, longchamp, ray ban sunglasses, michael kors outlet, prada handbags, ugg boots, oakley sunglasses, chanel handbags, uggs on sale, oakley sunglasses, polo ralph lauren outlet, christian louboutin outlet, ray ban sunglasses, burberry outlet online, michael kors outlet, louboutin outlet, ugg boots, louboutin shoes, michael kors outlet, louis vuitton, nike air max, ray ban sunglasses, prada outlet, louis vuitton, louboutin, oakley sunglasses, tiffany jewelry, louis vuitton outlet, burberry, kate spade outlet, louis vuitton outlet, nike outlet, tory burch outlet
ReplyDeletepandora charms, ugg,ugg australia,ugg italia, moncler, ugg pas cher, moncler outlet, vans, thomas sabo, canada goose, barbour, bottes ugg, louis vuitton, moncler, karen millen, hollister, marc jacobs, wedding dresses, canada goose outlet, moncler, pandora charms, ray ban, louis vuitton, montre pas cher, canada goose, supra shoes, louis vuitton, barbour jackets, ugg boots uk, toms shoes, moncler, converse outlet, moncler, juicy couture outlet, pandora jewelry, sac louis vuitton pas cher, doudoune canada goose, converse, replica watches, nike air max, lancel, canada goose, coach outlet, pandora jewelry, juicy couture outlet, moncler, doke gabbana outlet, ugg,uggs,uggs canada, canada goose outlet, links of london, canada goose, gucci, moncler
ReplyDeletekd 14
ReplyDeletekyrie 9
hermes birkin
curry shoes
golden goose superstar
cheap jordans
hermes
off-white
off white hoodie
jordan 12