Loading...
Wednesday, September 26, 2012

Remembering September 26, 2009

September 26, 2009 - Isang araw ng Sabado na hindi malilimutan ng mga Pilipino.

Siguro sa mga libo-libong nasalanta ni Bagyong Ondoy noong September 26, 2009, kabilang ang aming pamilya ay mahirap nang malimutan ang madilim na yugto na ito sa kasaysayan ng Pilipinas.  Sa post kong ito ngayon ay bigyang daan natin ang pagbabalik tanaw ko sa petsang ito, na nagpabago sa maraming buhay ng mga Pilipino, tatlong taon na ang nakakalipas.

Sabado pa lang noon ng madaling araw, napakalakas na ng ulan. Sinong mag-aakalang ang dami ng ulan na ibubuhos ni Bagyong Ondoy noong panahong iyon ang magpapalubog sa napakaraming lugar sa NCR at mga karatig lalawigan.

Ang natatandaan ko noong araw na iyon, ay madilim ang kalangitan at sige sa pagbuhos ang napakalakas na ulan.  Since, hindi naman bahain tong baranggay namin dito sa San Mateo, eh nagkibit balikat lang ako sa mga nangyayari.  Nagpakampante. Akala ko ay simpleng ulan lang iyon na dala ng habagat.  Mali pala.

Lumabas pa ako ng bahay noong umaga ng araw na iyon.  Tumambay saglit sa paborito kong Internet Cafe' malapit dito sa amin.  Maga-alas 10 ng umaga, madilim pa din ang kalangitan at patuloy sa pagbuhos ang ulan.  Kinabahan na ako.  Yung mababang lugar malapit doon sa Internet Cafe' na pinuntahan ko ay nakikita ko nang nagkukulay caramel na yung tubig baha.  Meaning, umapaw na ang San Mateo river na karugtong lang ng Marikina River.  Umuwi pa din akong mejo kampante kasi alam ko mataas naman yung lokasyon ng bahay namin. 

Eto nah, mga maga-alas 12 ng tanghali, umabot na sa gate ng bahay namin yung baha. Mejo panic mode na yung mga kapitbahay namin.  Kasi umapaw na din yung ilog na malapit sa street namin.  Napapalibutan kasi tong lugar namin ng ilog at sapa.  May kuryente pa noon pero parang wala man lang binabalita sa QTV.  Ayun, inutusan na ako ni Ina na patayin ang aming circuit breaker dito sa bahay noong pumasok na ang tubig baha sa loob ng aming tahanan.  Mabilis naming itinaas ang mga gamit sa bahay. Pati mga damit ay nagimpake na kami.  Mahigit 45 minutes lang ay halos lagpas tuhod na ang tubig sa loob ng bahay.  Syempre, dun sa mga mabababang lugar sa baranggay namin ay lagpas bubong na.  Mabuti at mabait naman ang aming kapitbahay at pinatuloy nila kami ng magdamag doon.  Kinabukasan, tumambad sa amin ang putikang paligid.  Mabuti kahit papaano ay may supply kami ng tubig noong panahong iyon.  May panglinis kahit papaano ng mga putik at kalat na iniwan ni Ondoy.  And thank God talaga at we survived that calamity.

Isa na siguro ang pangyayaring iyon na mahirap burahin sa isipan ninuman.  Marami din iniwan na leksyon ang kalamidad na ito.  Naging mas handa at maagap na ang bawat tao sa tuwing may darating na sama ng panahon.  Dahil din sa kalamidad na iyon ay lumutang ang mga nameless hero na tumulong at nagbuwis ng kanilang buhay para mailigtas ang iba.  Ang Marikina River na dating hindi pinapansin ang water level tuwing may bagyo, ngayo'y laging laman ng mga balita tuwing may sama ng panahon.  Hopefully hindi na maulit ang nakakatakot na pangyayaring ito in the future. 

Oh diba, serious mode ako sa post ko today haha.  Pasensya na kung mejo napahaba tong post ko, ang sarap lang kasi mag reminisce sa mga pangyayari noon.

 Mga snapshot ng baha dito sa amin:

13 comments:

  1. Hi Fiel, nakakalungkot balikan noh, pero atleast safe kayong lahat. Sana lang hindi na maulit. Nice entry anyway, dyan din nalaman kung sino sa mga kapitbahay at mga kaibigan mo ang handang tumulong sa oras ng pangangailangan :) Kudos Fiel!

    ReplyDelete
  2. napakaswerte ko talaga nung panahon ng ondoy kasi nasa bicol kami tour ng school so di ko naranasan yung nakakatakot na experience na yan.

    ReplyDelete
  3. @Simply Roselle - Thanks! uu nga eh, hopefully wala nang ganitong mga kalamidad in the future and mabait talaga ung kapitbahay namin na iyon, considering na ilang buwan pa lang silang nakakalipat sa tabi namin, mejo di pa namin sila kilala ng lubusan :)

    @SuperJaid - waah lucky ka talaga Jaid hehe :)

    ReplyDelete
  4. Naalala ko to. Nastranded ako nun sa Robinsons Metro East. Apekted din kami nung baha. magkatabing bayan lang tau. hehe.. Nakakalungkot isipin muli. Parekoy seryoso mo ngaun ah.

    ReplyDelete
  5. Ang partner ko ay biktima ng ondoy..

    somthing na ngbigay sa atin ng lesson n algaan si mother earth

    ReplyDelete
  6. @Archieniner - yeah serious ako sa post ko today haha... and nabiktima din pala kayo ni Ondoy >_< kung ikaw sa Robinson's Metro East na stranded yung tatay ko naman, kasama ng katrabaho nya ay naistranded sa Marcos Highway na hanggang bewang ang baha. Nagstay lang sila noon sa dala nilang truck na galing sa kumpanya nila.

    @KULAPITOT - yeah, sana talaga ay marami nang natutong mga tao sa pangyayaring iyon. kaso, sige pa rin sila sa pagtatapon ng mga basura sa mga sapa at ilog >_<

    ReplyDelete
  7. 3 years na pala ang nakalipas no. pero parang palala pa rin ng palala ang mga pagbaha. sana nga lang di na maulit ang mga ganitong scenario.

    ReplyDelete
  8. Malaki rin ang dinalang tubig ni Ondoy sa lugar namin sa Laguna pero di naman kasing grabe sa mga nasalanta sa mga karatig bayan tulad ng Maynila. Nabigla na lang kami ng makita ang grabeng baha na idinulot ni Ondoy... Kaya alerto talaga tayo dahil taun-taon na posibleng mangyari yan...

    ReplyDelete
  9. mahirap magbalik tanaw sa ganitong sitwasyon kasi syempre, bad experience ang mabaha at malubog sa tubig ang mga gamit.

    at sa kadahilanan na 2x na kaming nababaha, lilipat na kami ng matitirhan.

    ReplyDelete
  10. sa araw na iyon naging pantay pantay ang lahat...dahil pati mayayaman nalubog sa baha...

    ReplyDelete
  11. At sa mga panahon ni Ondoy nakikibalita lang ako sa bansang Hapon at nag-aalala...sana wala ng ganun...

    ReplyDelete
  12. nakakalungkot naman itong pagmasdan.... sana di na maulit...

    ReplyDelete

 
TOP