Loading...
Tuesday, April 21, 2015

Random hirit sa tag-init v1.0


Grabe na talaga ang init ng panahon.  Ang aga-aga pa lang, pumapalo na agad ng 30+ degrees celsius ang temperature.  Ayon sa PAG-ASA, asahan na daw na maaari pang tumaas ang temperatura sa ating bansa sa mga darating na araw.  Malaking factor din sa matinding init itong nararanasan nating mahinang "El Niño" phenomenon.

Ang sarap magbabad sa loob ng aquarium at kausapin ang mga isda.  Nalamigan ka na, muntanga ka pa lol

Maglalagay na rin ako ng bimpo sa freezer.  Ganyan ang technique na ginagawa ng nanay ko to beat the heat.

Ito yung panahon na very uncomfortable para sa karamihan.  Yung tipong katatapos mo pa lang maligo, tagaktak na agad ang pawis mo. 

Isa rin sa pinaka ayaw ko pag ganito katindi ang init ng panahon ay yung biglang uulan.  Yung ilang minuto lang magtatagal.  Ang ending tuloy, lalo lang uminit ang paligid.  Sumingaw lahat nung naipong init sa lupa at semento.  Ang lagkit sa pakiramdam, urgh!

Nakakaaliw yung mga viral videos ngayon sa dubsmash.  Husay talaga ng mga pinoy sa larangan ng pagpapatawa.

At ano 'tong biglang nagtrending na poging doktor ng St. Lukes at isang manager ng KFC? Puro ganyan ang nakikita ko sa timeline ko sa fb mula pa kahapon.  Like seriously, pag pogi at maganda, trending agad? Pag di naman kaaya-aya ang itsura mo, viral sa photo meme at pagkakatuwaan ka pa.  Ganito na ba talaga sa Pinas? Tsk!

Ayos! medyo cloudy ang kalangitan ngayon.  Maalinsangan pa rin ang paligid, pero at least nabawasan kahit papaano ang init.

So, ayan lang muna for today.  Stay hydrated!

19 comments:

  1. The way you wrote this, para kang commentator sa radyo, mahusay, puwede na. According to weather news, today is the hottest day in 60 years dahil 41 degrees na kami. Ibig sabihin niyan, tataas ang kuryente dahil sa konsumo ng mga tao kaya lalong iinit ang kapaligiran.

    Tama ka sa itsura issue, hindi lahat ng magaganda at pogi ay kaaya-aya, bitter lang, ha,ha,ha. Sana nag trending din kung may natulungan kang tao, nagawang imbensiyon, naging modelo ng kawanggawa pero no, no, no!

    Have a great day my friend!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello sir Jo ^^
      Ahaha, commentator ba? di naman masyado lol
      Grabe, sobra din pala ang init ngayon jan sa Thailand. Para tayong nasa loob ng isang giant oven nito >.<

      Nagti-trending din naman yung mga articles about good deeds, yun nga lang, di masyado nagtatagal. Mas gusto ng tao ang mga ganyang klase ng news about kapogian at kagandahang pisikal lol

      Delete
  2. Salamat sa updates. Dahil sa yo ba inform ako konti kung ano trending sa Pinas.
    sayang nga, puro pogi at maganda ang nagiging sikat, but don't be sad. We are all unique in God's eyes.
    Di ko naisip yong bimpo ilagay sa freezer noon. Magapit ko tip mo paguwi ko dyan kung taginit. dito need ko painitin ang katawan ko:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po kayo jan Mommy Joy. Sa mata ni God, lahat tayo pantay-pantay :)

      Nakakaginhawa po sa pakiramdam yung malamig na bimpo lalo na sa mukha ehehe!

      Sending you warm sunshine and hugs!

      Delete
  3. Na miss ko tong blog mo fiel! ahahahahah. Nakakatwa lang kasi kaninang umaga ang init pero weird kasi ngayong hapon eh umulan, mala june ang weather! ahahahahahahaha. :) Gusto ko mag dubmash kaya lang too mainstream! ahahahahhahaha kaya wag nalang. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hoooyyyy Steve!!! ahaha. Long time no see ah. It's been like what, 10 years? LOL
      Musta ka naman?
      Yeah, umulan din dito kanina. Kaya eto, presko sa pakiramdam :)

      Delete
  4. Ayun katatapos lang umulan pusa. Ang lakas pero sandali lang. Ang init tuloy lalo. hahaha!

    Nakita ko rin yung sa St Lukes pero di pa yung sa KFC.

    Nakakaaliw panoorin yung mga Dubsmash haha!

    Kamusta na pusa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka pa, Pao. Tagal mong nawala ahaha. Kamusta namans? XD
      Naku dito, mahigit 40 minutes umulan. With matching kulog at malakas na hangin pa. Kaya ayun, lumamig-lamig kahit papaano.

      Yung beybi na umiiyak sa dubsmash, kaaliw :)

      Delete
  5. naks pinagsama-sama kung anung in sa tag-init hahaa..

    Ay grabe lang talaga ang inet ngayon, sabi nga nila walang kuryente kasi nakapatay ang aircon sa pinas (corny hahaa)...

    Yung sa dubsmash kaaliw yun lalo na yung nagviral yung kay kris aquino.. dami kung tawa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha naku paps, para tayong mga pandesal na hinuhurno sa loob ng isang giant pugon lol grabe talaga ang inet!

      Paki turn on nga yang aircon na yan LOL

      ay di ko pa yata nakikita yang dubsmash ni Krissy XD ma-check nga.

      Delete
  6. yesterday's weather was weird. sa kalagitnaan ng init ay biglang umulan ng malaks. pero buti narin kasi napawi ang super init naten for awhile. ingat ingat ngayung tag init. i agree, stay hydrated! heheheh

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep, sa sobrang init ng panahon kahapon mabilis nage-evaporate ang mga water vapors kaya ayun, dami nabubuong rain clouds. Ang sarap nga kahapon kase lumamig ang palagid hehe! and yes, inom parati ng tubig para iwas heat stroke XD

      Delete
  7. Anong gagawin fiel-kun sa bimpo pagkatapos ilagay sa freezer? (walang alam lang eh.hehe)

    nakakatuwa nga nung mga dubmash, nitong nakaraan me napanood ako, yung "masarap ba ang asawa ko?" ang kulet eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha Kuya Froi, pampunas sa face. Pwede din ilagay sa kili-kili. Malakas sya makaginhawa, lalo na sa tanghaling tapat kapag matindi na ang init.

      Sobrang kulet din nyang dubsmash na yan. Yung isang batang babae [Angel Locsin - masarab ba ang asawa ko?] saka yung kapartner nyang little boy [Vice Ganda - ang sharap, ang sharap] nyahaha!

      Delete
  8. ginagawa ko binabasa ko yung buong twalya tapos pipigaan para hindi tumutulo tapos isasampay ko sa kwarto to absorb yung init.

    Matindi, kahit buksan ko aircon, parang walang ganap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe talaga ang init ngayon >,<
      at huwaw, yayamanin! may aircon ehehe XD
      Baka naman masyado malaki yung room mo at di kayang palamigin ng isang maliit na aircon?

      Delete
  9. Lalo na sa gabi ang hirap matulog, kelangan pa ulit maligo bago matulog para lang maging presko ang pakiramdam.

    At unfair talaga ang mundo sa mga 'looks' na yan, swerte pag nandun ka sa kategorya na sinasabing pogi o maganda, pero pano naman kami hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga ser Jep, kelangan doble ligo saka naka set sa #3 ang electric fan ahaha!

      yeah, pano na tayong di biniyayaan ng good looks. the world is unfair LOL

      Delete

 
TOP