Loading...
Wednesday, December 17, 2014

Movie review: The Christmas Shoes


I got curious to watch this movie when I heard the song "The Christmas Shoes" by the Christian band NewSong, playing at the background of Rix's blog.  Very meaningful ng kanta at maaantig talaga ang puso ng kahit na sino mang makakarinig dito. I searched for some information about it sa internet and I found out na based pala ito sa isang novel with the same title at ginamit din na theme song sa movie na "The Christmas Shoes".

---------------------

Kung bubuksan mo lang ang iyong puso, ang munting milagro ay maaaring maghatid ng isang malaking pagbabago sa iyo at sa buhay ng mga minamahal mo.

Iikot ang kwento sa buhay ng dalawang pangunahing pamilya sa pelikulang ito. Ang Andrews at Layton family. Ang mga Andrews ay masasabi nating nabibilang sa middle-class family.  Dito natin makikilala ang mag-asawang Jack (isang mekaniko) at Maggie (isang music teacher) at ang nag-iisa nilang anak na si Nathan, sampung taong gulang. Hindi man nakakariwasa sa buhay ay busog naman sa pagmamahal ang kanilang pamilya.  Ngunit susubukin naman ng tadhana ang kanilang samahan nang ma-diagnosed si Maggie na may malalang kaso ng congestive heart failure.

Kabaligtaran naman ito sa mga Laytons.  Nasa kanila na ang lahat - isang malaking bahay at magarang sasakyan. Ngunit hindi naman nararamdaman ang pagmamahalan dito. Ang myembro ng kanilang pamilya ay sina Robert - isang lawyer, laging subsob sa trabaho,  wala na halos oras para sa pamilya, at laging nakakalimot sa kanyang mga pangako para sa mga mahal niya sa buhay.  Ang kanyang asawang si Kate (isang teacher) at nagiisa nilang anak na si Lilly.  Masasabing magulo ang relasyon sa pagitan ng mag-asawa.

Sa simula pa lang ng pelikula ay mapapansin mong magkaka-konekta na ang buhay ng mga pangunahing tauhan. 

Magbabago ang pananaw sa buhay ni Robert sa isang hindi inaasahang pagkakataon nang magtagpo ang landas nila ni Nathan sa isang maliit na department store, isang malamig at nagyeyelong panahon ng Christmas eve.  Bitbit ng bata ang kahon ng isang pares ng sapatos.  Sa kasamaang palad ay kulang ang perang dala ni Nathan.  Lumuluhang lumayo si Nathan sa harap ng cashier na ikina-habag naman ng puso ni Robert.  Nilapitan niya ang bata at tinanong kung ano ang problema.

"Mister, did you ever know anybody that dying? 
This is going to be my Mom's last Christmas.
And I want to get her a new shoes... 
So she will look beautiful when... when she got to heaven."

Halos madurog ang puso ni Robert sa kanyang mga narinig - sa wagas at unconditional na pagmamahal ng isang bata para sa kanyang ina.  Siya na mismo ang nag-volunteer na bayaran ang sapatos na para sa ina ni Nathan.  Halos maluha naman sa kagalakan na nagpasalamat sa kanya ang bata. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagkaroon ng maraming realizations sa buhay si Robert.  Balewala ang anumang tagumpay at karangyaan kung hindi naman nya makakapiling ang asawa at anak.


~ One of the most heart breaking scene T_T ~
"Mom, I bought you these shoes... to wear in heaven..."

---------------------

This is a much recommended movie to watch this yuletide season kasama ang inyong buong pamilya. Marami kayong mabubuting bagay na matututunan sa pelikula.  Basta huwag nyo lang kalilimutang i-ready ang inyong mga tissue at panyo.

You can watch the entire movie here.
Maligayang Pasko!

16 comments:

  1. gusto mo pa ako atakihin sa pasko dahil sa movie na ito noh!!! hahahahahaha wwwoooottt. maganda naman itong movie sa mga caption pa lang na pinakita mo eh swak pero hindi ko kakayanin ito hahaha kaya nga diba diba diba a million times, let's enjoy every day as if ala ng bukas, be with our family and friends, create some memories kasi like it or not, we will all die hindi lang natin alam kung kelan so ngayon pa lang ang mga mali, itama na yan! tulad ng pag hiatus sa pagbblog, abah eh itama na yan, balik loob na hahahaha chos!!!

    ReplyDelete
  2. I remember this movie. Iyakan ito. It came out on the first Christmas we spent in our house. That was in 2002.

    I want to go to Nova Scotia too where the movie was shot.


    ReplyDelete
  3. Thanks for sharing:) Gonna watch the film:)

    ReplyDelete
  4. only shows, you need time for fam and friends and not just work work and work....

    ReplyDelete
  5. binabasa ko pa lang ang review nasa gilid na ang luha ko... hindi ako mahilig sa drama pero malinaw ang premise ng kwento,, mairekomenda nga sa mga busy na tao ngayong pasko..

    ReplyDelete
  6. its heartbreaking lalo na sa tulad ko na nawalan din ng isang ina :(

    ReplyDelete
  7. naku kailangan kong madownload to, tsaka ko panoorin sa Christmas daw mismo :)

    happy holidays Fiel! :)

    ReplyDelete
  8. Kailangan bang maging malungkot ngayong Pasko? Ang kuwentong naibahagi mo ay akmang akma sa isang taong kakilala ko, may kaya sa buhay, pero walang kasayahan sa kanilang pamilya. Hindi ko muna siya panonorin ngayong buwan, kapag lagpas na ang Enero, puwede na. Maligayang Pasko Fiel!

    ReplyDelete
  9. Hay naku naman! Nalungkot tuloy ako, truly a heart breaking scene ung ibibigay mo ung shoes na dadalhin nya sa langit. huhuhu

    dapat ko rin mapanood ito.

    xx,
    Merry Christmas!
    Jewel
    www.jewelclicks.com

    ReplyDelete
  10. I want to see the film now, thanks so much for sharing.

    ReplyDelete
  11. At dahil malapit na ang araw ng pagkabuhay ni Hesus, maligang Pasko ng Pagkabuhay. ;-)

    ReplyDelete

 
TOP