Loading...
Friday, November 23, 2012

Blast from the Past - 90's Candies at Chichirya!


Natatandaan nyo pa ba ang mga ito?  I really missed those days na marami ka pang mabibili sa limang piso.  After kong makabili ng dalawa or tatlo nyan ay uupo na ako sa harap ng telebisyon at masayang manonood ng mga 90's cartoons/animes/sentai's noon.

Doodoo - Actually, hindi ako masyado bumibili ng Doodoo candies noon.  Mas gusto ko yung Joy na candy, yung may butas sa gitna then pwede kang sumipol habang subo mo iyon sa bibig mo.

Peter's Butter Ball - 50 cents lang sya at isa yan sa naging peyborit candy ko noon.

Haw Haw Milk Powder Candy - Eto yung bagets version ng Milkita lolly ni Juday hehe.  

Jelly Ace - Yes matagal na din meron sa merkado ng Sugar Land Jelly Ace.  Masarap sya at katamtaman lang ang tamis.  Ang problema lang ay kung paano mo sya bubuksan haha.

Kendi Mint - A lighter version ng Stork Candy.  Ang difference lang ay may chocolate na filling sya sa gitna at hindi ganun ka-menthol yung taste nya.

Mik-Mik Sweetened Milk Powder - Ang natatandaan ko, lagi tong binibili ng bunso kong kapatid na babae noon.  Minsan, ginagawa nya itong milk drink ang kaso, kadiri ang lasa lols.

Orange Swits - Ito lagi yung pasalubong ng tatay ko noon pagkagaling nya sa maghapong pamamasada ng jeep.  Nakakaumay ang tamis niya pramis!

White Rabbit - Gustong-gusto ko din dati yung milky taste nito pero bigla akong naumay noon nang magkaroon ng issue about sa toxic chemicals daw na nakahalo sa ingredients nito na made from China.

Pritos Ring - Nilalagay or isinusuot ko pa toh dati sa mga daliri ko bago kainin.  Ring daw eh!

Shrimp Taste - Wala na akong nakikitang ibinebentang ganito today.  Ang natatandaan kong lasa nya is parang fresh na tinapang isda lols.

Stay Fresh - Naku, sobra akong na adik dito noon.  Masarap yung minty flavor nya.

Tarzan Candy - I've no idea kung bakit tinawag syang Tarzan.  Basta bubble gum candy sya that comes in colorful wrappers.

Snacku - Isa sa mga naging peyborit kong chichirya noon.  Madalas din dati ang tv commercial ads nito tuwing pinapalabas sa tv ang Bioman, Shaider at Maskman :)

Zeb-Zeb - Natutuwa ako at hanggang ngayon, meron ka pa din mabibiling Zeb-Zeb sa iyong suking tindahan.  Nakabili pa ako nito a couple of days ago.

PomPoms - Another chichirya of the poor wahehehe!  Available pa din sya sa inyong mga suking tindahan until now.

36 comments:

  1. Pinaka paborito ko yung Mik-Mik Sweetened Milk Powder, Haw Haw Milk Powder Candy, and White Rabbit! Nakaka miss, hahaha!

    ReplyDelete
  2. @Gia - sobrang nakakamiss noh? nga pala, dito ka naman lumaki before your family migrated in New Zealand diba? Kaya naabutan mo pa yung karamihan sa list ^_^

    ReplyDelete
  3. pompoms at peters butterball. panalo!!!

    dati fave ko din yung lechonmanok

    ReplyDelete
  4. astig!

    meron kaming hinahanap na tlgng wala na ngaun... baka kau may alam pang mabibilhan... hehe!

    Wonderboy at bensons...

    ReplyDelete
  5. @Khanto - ay uu lechon manok. nakalimutan kong ilagay. suka lng ang katapat nun pwede nang ulam sa kanin :)

    @Ann - yung Bensons I still remember it pa. pero yung wonderboy parang di ko na ma recall.

    @Cyron - yeah Snacku! may isa pang kulay yan eh ung red :D

    ReplyDelete
  6. dagdag lang, boogieman at dritos din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser olivr, haha. Natuwa ako dun sa boogieman na Tsitsirya.

      Delete
  7. Ay andami ko favorite dyan nun bata pa ko! Yun orange swits, sa bus ako nakakabili nun pag uuwi ng probinsya! Namiss ko yung pritos ring.. Love ko pa din snacku gang ngayon! :)

    ReplyDelete
  8. Mik- Mik, white rabbit at yang Pritos ring at yang snacku hehehe.
    Namiss ko tuloy nung kabataan ko dahit sa post mong ito.
    Meron pa ring snacku ngayon pero prang mas masarap noon.

    ReplyDelete
  9. yung tarzan candy yung di ko alam.

    PS: medyo nakakahilo ang prove you're not a robot mo :P

    ReplyDelete
  10. weeee favorite ko yun mikmik at hawhaw!

    ReplyDelete
  11. Natuwa ako sa post mo parekoy! It leads me back to my younger days too. hahaha..yong jelly ace..pinipisa ko muna yan bago kainin hahaha. Kasama na din sa mga kinain ko ang pritos ring, snacku at kung ano ano pa. Hay ang sarap balikan ng masasayang nakaraan talaga. Nice post!

    ReplyDelete
  12. hindi ko alam kung panu idedescribe ung Wonderboy eh... try mo search sa images ng Google (wonderboy chips)... hehe!

    nwei, bibigyan kita ng assignment... i want to know what you want for Christmas... ;)
    check this out:

    http://hereiam-loanne.blogspot.com/2012/11/all-i-want-for-christmas.html

    ReplyDelete
  13. Yey. No more prove you're not a robot. Hehe

    ReplyDelete
  14. fave ko yung haw haw and jelly ace.. grabe, napaka-nostalgic yung post mo... :D

    ReplyDelete
  15. nakaw
    ang sasarap lahat nyan
    halatang di naman ako mahilig sa chichirya, diba
    nyahaha

    ReplyDelete
  16. Talaga nama grandma na ko or talaga lang na matagal na ko ala sa pinas. Di ko na alam ang mga candies na to:)
    Nice reading your thoughts about those sweet?

    ReplyDelete

 
TOP