Summer? Agad-agad? Hindi pa nga tapos ang tag-ulan at magki-Christmas season pa lang, kakain na agad ng Halo-halo? Well, hindi naman tungkol sa malamig at masarap na miryendang ito ang topic ko ngayon. Halo-halo ang title kasi nga halo-halo lang talaga ang mababasa mo dito ngayon :) Just another round of my random musings lang.
Nuffnang
- Wow, nagulat ako when I opened my Nuffnang account the other day. I already has a two digit earnings for displaying Nuffnang ads on my blog. I wasn't really expecting that. Pero, I'm glad na may silbi din kahit papaano yung paglalagay ko ng Nuffnang ads sa aking blog. Maraming salamat sa lahat ng mga visitors na palaging bumibisita at big thanks na din sa mga nag-click ng ads ko.
Sun Broadband
- Nambi-bwisit na naman tong Sun Broadband. Grabe, slow as snail ang connection ko these past few days. Feeling ko nga, mas matino pa ang dial-up na internet eh. Ang sakit sa bangs amf!
Since ako ay isang home buddy, ang libangan ko lang talaga pag nasa bahay, aside sa pagi-internet, ay ang manood ng tv at makinig sa radyo.
Be Careful with my Heart
- Ang patok na patok na daytime serye ng ABS-CBN. Nagustuhan ko talaga ang palabas na ito dahil saktong sakto lang sa panlasa ko. Pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria as "Maya" - ang makulet at pasaway na Yaya ni Abby na anak naman ni Sir Chief played by Richard Yap. Funnly love story ang genre na may temang pagmamahalan sa pamilya, maayos na pagtrato sa mga kasambahay at pagiging matatag sa gitna ng mga problema. Ang palabas na ito ay isang magandang halimbawa na maaaring tumaas ang ratings ng isang palabas kahit walang mga sobrang sama na mga kontrabida.
Eat Bulaga
- Syempre, hindi kumpleto ang tanghalian ng bawat dabarkads kung walang Eat Bulaga! Peyborit ko talaga dito ang Juan for All, All for Juan segment nila hosted by the makukulet at kwelang-kwelang sina Jose, Wally at Paolo. Dagdagan mo pa ng sobrang kulet rin na si Ryzza. Da best talaga!
Kung Ako'y Iiwan Mo
- Solid drama sa hapon nila Jake at Shaina. Nakakabwisit dito ang papel ni Bangs Garcia as the Mistress!
Aryana
- Kuwento naman ito ng isang dalagitang sirena. Maganda din ang story, mga teens ang bida. Parang pumi-PBB teens lang ang peg.
Enchanted Garden
- Ang one and only drama/fantaserye ng TV 5 na pinapanood ko. First "Ecoserye" daw ito sa primetime ayon sa TV5. Maganda din yung story, may pagka magical ang genre (kasi nga fantaserye toh) maganda din yung production designs, costumes at mapagchachagaan na din ang CGI effects. Bida dito ang mga Diwani, also known as Forest Faeries. Dami kong tawa dito kay Ruffa Mae Quinto, playing the role of Diwani Quasha, representing the element of earth. Siya na siguro ang pinaka susyal at konyong fairy na nakita ko lols.
Princess and I
- Yey, malapit na din ang ending nito. Mari-reveal na ang true identity ni Mikay as the lost princess of Yangdon :)
Walang Hanggan
- Nalalapit na din ang ending nito. Maganda ang story although mejo naging dragging nah dahil sa kaka-extend pero superb naman ang acting abilities ng powerhouse cast nito.
X-Factor
- Ayun, buti naman at na-out na si Kedebon... ang tanong baket ngayon lang? Pfft!!! sayang wala na si Joan Da >_< Ang ganda ng Kisapmata rendition ni KZ nung sabado.
At syempre, tuwing umaga, hindi ko nakakalimutan makinig sa Taga Bulabog ng Buong Universe na si Mr. Fu sa 103.5 Wow FM. Catch him from 8AM to 11AM, Monday to Friday. Meganon!??
Ayan at napirmahan na din ni P-Noy ang Anti CyberCrime Law. Anung insights nyo tungkol dito? Well, para sakin ayus sya. At least, mababawasan na ang mga hackers at online theft. Kaso lang mejo malabo pa din ang dating ng batas na ito sa akin. Saka sana wish ko lang, maparusahan din ang mga manlolokong mga Internet Service Providers na ang galing galing mangako sa mga false adverts nila sa tv, radio, prints, social media etc, na consistent and reliable ang service nila pero in the end, kawawa ang mga subscribers. Luging lugi sa pagbabayad nila ng tama pero hindi nasusuklian ng magandang serbisyo.
and its official, 100 days na lang Pasko nah!!!
Switch ka na sa smart broadband. 5 years na ata kami dito and so far, satisfied pa naman kami. At tama ka.. nagustuhan ko din ang be careful with my heart. Masarap lang panuoring kasi walang nagpapatayan, nagsusuntukan, nagkikidnapan, naggagahasaan, at kung anong kanegahan pa. hehe
ReplyDeletekapag madami nako followers magnanuffnag din ako. baka iyan na ang sagot sa kahirapan namin. haha.
ReplyDeleteEB fanatic din ako. idol ko si bossing e. hehe. ;)
May Anti CyberCrime Law pala. Diba taga Rizal kadin? Samin wala yatang signal ang Sun.. bundok lang kasi switch kana sa iba. Solid EB din... Salamat sa post mo na to. Updated na naman ako sa mga pangyayari sa Pinas. lol 100th days to go :'( nalungkot. hehe
ReplyDeleteLike ko din si Maya, though minsan ang korni lng hehehhe.
ReplyDeleteSwitch ka ng provider mo at ng masulit mo naman ang binabayad hmmp hehehe.
the best talaga ang eat bulaga! ever to the max ang saya! :D
ReplyDeletew0w sarap naman ng hal0ng-hal0ng yan, yummy yum, l0l. anyways, 0o nga hal0-hal0 ang mga p0st m0 dit0 per0 ang sarap basahin.And yeah y0ure right please be careful my heart is s0 w0nderful and ang sarap sarap pan0orin. hindi siya nakakasawa infairness.
ReplyDelete0h parehas p0w pala tay0ng dalawa sweety. ak0 h0usewife lang pag wala na masyad0ng ginagawa at pagkakatap0s ng mga gawain k0 c0mputer q ang kinakalik0t q. nakakainip nang nasa bahay lang n0h.
x0x0,
Dazzling-r0ze
Hello napadaan lang.. nakita ko ang link kay Roselle. I saw halu-halo and i thought food blog, random thoughts pala especially on TV shows.. anyway ok yan mixed, na-update ako sa mga programs sa ngayon.
ReplyDelete@mr.nightcrawler - yan din ang gusto namin gawin ang mag switch ng ISP. Mabuti maganda signal sa inyo ng smart broadband. Mejo alangan din kasi kami sa smart eh, dami din namin naririnig na negative comments about it. pero thanks for suggesting parekoy.
ReplyDelete@denggoy - haha, dapat ngaun pa lang mag nuffnang ka na :)
@Archiviener - uu ngayon lang nauso yang cyber crime law na yan dito sa Pinas lols... and yep, kapitbahay lang namin ang lugar nyong Montalban. Mejo malayo naman kami sa bundok, malapit tong area namin sa boundary ng Marikina and QC.
@Ate Sherene - haha, uu nga minsan parang OA na si Maya, pero nakakatawa pa din.
@Jessica - yeah! part na talaga ng tanghalian ng bawat pinoy ang Eat Bulaga noon pa man :)
ReplyDelete@Ate Rosemarie - Maraming salamat po sa pagbisita at sa kumento. Balik kayo ulet :)
@Ric - wow salamat din sa pagbisita. visited and commented also on your blog.
Ayan click ko din nuffnang mo :)
ReplyDeleteMukhang palagi ka nakaharap sa tv ha lahat yata pinapanood mo :) hapos pareho tayo ng mga pinapanood un nga lang minsan hindi ko nasusubaybayan.
Gusto ko din ang Be Careful...very light ang story buti na lang may rewing pag sabado hehe...and yes finally natanggal na talaga si Kedemon akala ko ako lang nag nasusurang sa kanya hehe...but I guess charming lang talaga siya kaya umabot siya sa top 6 hehe...
ReplyDeletebuti talaga natanggal na yung si kedebon. uu meron naman syang kakayanan kumanta pero hindi sapat para pumasok sa top10. ewan ko ba. hahahaha.
ReplyDeleteat maganda nga ang be careful with my heart. tamang kiligtawa lang, di heavy drama
nakaka miss tuloy manuod ng pinoy tv shows. ang tagal kasi ng magkakabit ng TFC!
ReplyDelete@Simply Roselle - haha, hindi naman masyado :)
ReplyDelete@Jag-kun - charming? si Kedebon? *smirk* ahahaha, nakakatawa sya oo, pero minsan masyado nang oa. May boses sya at marunong kumanta pero, hmph, hindi pang record label noh lols :D mas nauna pang natanggal sa kanya yung magagaling na gusto ko.
@Khanto - ahaha yeah! ang dami nateng anti-kedebon dito lols :D
@Wrey - haha penge ako!!! and nice jump brother :)
@Gia - hello po! alam mo, mejo naintimidate ako nung una sayo hehe... akala ko kc hindi ka nagtatagalog since you're living in NZ for a long time now. And kulitin mo yung magiinstall sa inyo ng TFC, para mapanood mo na ang mga magagandang palabas dito sa Pinas :)
haha
ReplyDeletesa picture ng halo-halo ako talaga naaliw!
sarap...
maganda nga talaga yung please be careful with my heart kahit twice ko pa lang napanuod. simple alng yung plot pero maganda. =D
ReplyDeletebanzai to eat bulaga. all time favorite!
goyard bag
ReplyDeleteair jordan travis scott
off white shoes
off white
bape hoodie
goyard handbag
curry shoes
hermes outlet
off white x nike
yeezy wave runner 700