Howdy guys! I know, you have been all uber busy these past two days -- Preparing stuffs for Noche Buena, Party dito, party doon, Reunions and exchanging gifts. Dito naman sa house, ganun din. Maaga pa lang punong abala na ang aking Ina sa pagluluto ng pagkain for Noche Buena. Sounds weird nga eh, kase nakaugalian na sa pamilya namin na matulog na lang right before the clock ticks at 12 Midnight every December 24. Naghahanda kami pero, di naman kami kumakain sa mismong oras ng Noche Buena lols. Ganunpaman, di naman nasasayang ang mga pagkaing inihanda kase tinatabi lang sya then on the 25th iinitin lang, solve na may bogchi na para sa buong pamilya at mga bisita ^_^
December 25, around 12:05 AM
- Habang abala ang buong Pilipinas sa kani-kanilang Noche Buena, ako naman ay bisi-bisihan sa paglalaba ng susuotin kong pamporma para sa pag-gagala namin sa araw ng Pasko. Habang maingay sa labas: mga nagvi-videokeng kapitbahay, mga batang nagsasayawan sa saliw ng tugtuging "Nobody", mga tunog ng firecrackers, ako naman ay abalang abala sa pagkukusot ng aking t-shirt at pantalon lols. Pakwenselo na sakin yung mga nakikita kong magagandang fireworks display sa kalangitan.
Christmas Day: December 25
- Maaga pa lang ay isa isa nang nagsisidatingan ang mga inaanak ng nanay at tatay ko sa bahay. Grabe parang may children's party sa bahay. Sangkaterba ang mga tsikiting! Buti na lang at wala pa kong inaanak at this point, kase sa totoo lang wala din naman akong maibibigay sa kanila. Although may pera ako, parang di pa rin sasapat lolz. Habang nagkakagulo sila sa salas, ako naman ay bumabawi ng tulog sa kuwarto dahil sa pagkapuyat ko sa paglalaba the night before.
- First time in many years, na magkakasama muli kaming magkakapamilya sa pamamasyal this Christmas. Medyo nanibago nga ako dahil nasanay akong nasa bahay lang tuwing pasko minus my father kase lagi syang may work sa Japan nung mga nagdaan na taon. This time, nandito siya for Christmas yay! Akala ko ay di matutuloy ang pag-gagala ng aming buong pamilya. Nagkaroon kase ng konting aberya at di pagkakaunawaan between my mom and dad. Buti na lang at natuloy din kahit papaano ang aming pamamasyal. Nga pala, para menos gastos sa pamasahe, nanghiram ng sasakyan ang tatay ko sa company nila and its a good thing ay pinayagan naman siya ng kanyang bossing. So di na namin problema ang masasakyan. Ang hirap magcomute kahapon dahil araw ng Pasko, dagsa ang mga tao sa lansangan. Punuan lahat ng jeep, taxi at bus. Mga around 2:30PM na kami nakaalis sa house dahil may humabol pang isang bisita, yung uncle ko.
First Stop:
PBB House at the Front of ABS-CBN building in Mother Ignacia Street, QC. Actually, ako talaga ang nag-request sa father ko na dumaan muna kami sa harap ng ABS-CBN haha. I took a shot of the facade of the PBB house using my sister's cellphone camera. Parang naging tourist spot na rin yung harap ng house ni Kuya kase ang dami ko din kasabayan na kumukuha ng photos. Too bad, nasa Cavite pa sila ngayon (with her daughter and hubby) at dala niya yung cp. Kaya di ko tuloy nailagay dito yung piktyur ng bahay ni Kuya. Ang liit lang pala ng Bahay ni Kuya kung titingnan mo ito mula sa labas. Sa tv kase, tuwing pinakikita yung front ng house parang ang laki. Pero pag andun ka na talaga at personal mo na syang pinagmamasdan, dun mo malalaman ang malaking difference.
Second Stop:
Luneta Park, particularly in Manila Ocean Park, located in Manila Bay sa likod ng Quirino Grandstand. Eto na, naexcite na ko dahil ang buong akala ko ay makakapasok kami sa loob ng Ocean Park. First time ko sanang makikita ng up close and personal sila kumpareng Nemo at iba pang nilalang mula sa karagatan, kaso pagdating namin, naku ang haba ng queue ng tao sa labas then tinanong namin ang isa sa mga staffs ng park kung magkano ang entrance fee. "400 pesos po sir!" Waat? baket ang mahal ang sabi ko sa loob loob ko. Dahil walo kami sa pamilya (kasama ng sister ko yung anak nya then kasama din ng kuya ko yung anak at asawa niya) at medyo tight budget kami, minabuti na lamang namin wag nang tumuloy. 400 is 400 noh!? Poor lang kase kami lols. Pero nanghihinayang talaga ako dahil andun na eh, konti na lang eh, makikita ko na sila Nemo ng malapitan. Di bale, pinangako ko naman sa sarili ko na babalik ako dun one of these days!
On the way pabalik, hinatid namin yung sister at pamangkin ko sa Robinson's Place sa Ermita, dun kase nagwowork yung asawa niya bilang chef. May family reunion daw yung sa side ng asawa niya sa Cavite at kailangan nilang umattend.
After that, sinundo naman namin yung bunso kong kapatid na nagwo-work as a Call Center agent sa PLDT, sa may Rotonda. Oh diba, walang Pasko-pasko sa kanila lols.
Third Stop:
SM City Marikina: Napagkasunduan namin na bago umuwi ay dito na kumain for dinner. First time ko din pala makatuntong sa SM City Marikina at ang masasabi ko lang ay "Wow, puro tulay!" ahaha. Astig kase yung pagkaka-construct ng building ng SM sa Marikina. Since, nasa tabi siya ng Marikina River, may mga bridges connecting the whole building from the main road. Nasa bandang ibaba yung parking area, hanggang level three siya. Nung typhoon Ondoy daw, hanggang level 2 ng parking area umabot yung flood waters. Anyways, nakahanap naman kami ng maayos na parking space sa front level ng mall. We decided na sa Chowking na lang kumain. Hmm, medyo mabagal ang service nila dito ha!? halos, kainin na ng large intestine ko ang small intestine ko bago naiserve yung foods. Considering na hindi naman puno ng customers yung fast food nang pumasok kami. Suggestion lang, sana magdagdag pa sila ng ilang service crew para mapadali ang pagseserve ng pagkain sa mga customer. After ng chibugan, nag-stroll lang kami ng konti sa mall bago umuwi. Hindi ganun kalaki yung mall, pero masasabi kong isa ang SM City Marikina sa mga da best SM branches out there. Maganda yung architectural design nya at may free Wifi zone pa sila. Whee! magdala ka lang ng Laptop at maginternet ka maghapon dun sa loob - solve ka na!
*pictures taken from the net.
my little Christmas adventures ^^
Labels:
christmas,
my little christmas adventures,
pasko
ayos ang christmas adventure mo ah..wala bang inuman sa adventure mo diyan..
ReplyDeleteHuwaaaawww! Nang-inggit si pareng Fiel-kun hehehe...Sama-sama together ang family ayos!Pero grabe ka naman napuyat ka kaagad sa paglalaba ng iisang T-shirt? hahaha...halatang di sanay sa gawain jijiji...
ReplyDeleteGusto ko din pumasok sa Ocean Park...gusto ko masubukan dun ang fish spa yung iluluoblob mo ang iyong paa sa pool na may piranha este maliliit na isda tas kinakain nila yung dead skin a.k.a kalyo hehehe...
Merry Christmas!
ayus ang happening nung pasko ah... inggit ako pero syempre papadaig ba ako.... joke... teka sm marikina? ay uu nga pala san mateo ka lang di ba?
ReplyDeletelapit mo lang sa akin... hehehehe
parekoy nasaan na ang gift ko? size 8 paa ko huh...
@arvin:
ReplyDeleteahaha, wala eh. Nag-inuman kami kaso Iced Tea lang saka purified water ^_^
@Jag-kun:
ahaha, pagkatapos ko kaseng maglaba, nanood pa ko ng tv kaya ayun, puyat! XD
yeah isa din yung fish spa na gusto ko sanang maexperience, ang kaso di talaga kaya ng budget namin. There's always a next time naman eh ^^
@saul:
uu diba pareho tayong taga Rizal kaya lapit lang tayo sa Marikina ^^
aww size 8 ka parekoy? eh pano yan, size 5 tong nabili ko ahaha XD
@ayu-chan:
ReplyDeletehehe ^^ chinek ko yung profile mo at taga Caloocan ka lang pala... pwedeng pwede ka rin makabisita sa bahay ni kuya. Kami ngang taga bundok nakaabot dun eh ikaw pa kaya ahaha ^___^
fiel-kun, merry christmas sa yo! salamat sa pagdalaw mo sa bahay ko. i already added you in my blogroll...
ReplyDeleteno doubt: melason fan ka....ahahahahaha.
ReplyDeleteadd mo ko sa fb ko:
fielsvd@yahoo.com
we!
ReplyDeletebuti pa sya!
lakwatsa!
haha.
ako naka-upo lng at nakikipagkwentuahn...
kaya ayun, daming nakain!!!
ahaha.
go MELASON!
happy new year kuya!
:p
@Fr. Felmar:
ReplyDeleteMaraming Salamat po sa pagbisita. Na-add ko na din po kayo sa blog roll ko. Hmm, Melason? medyo lang ahaha XD nakakatuwa kase si Melai - full of energy at super bubbly ang character. Si Jason naman, kabaligtaran ahaha :)
@Gege:
Hala, ang timbang!? bantayan ^__^ baka pagkatapos ng holidays, tabachingching ka na nyan XD
Happy New Year din!
hehehe maganda nga ang sm marikina. i used to stroll din sa sm marikina noong nasa cainta pa ang parokya ko. pansin ko lang when i was there last month, ung isang kalabaw sa marikina river, di pa rin naibangon. lol.
ReplyDeleteadvance happy new year..
ReplyDeletetalagang joyride to the maximum to ha. hehe. makapunta nga rin sa big brother house at makakuha ng picture.lol
ReplyDeletefor sure you had a great time hahaha :D
ReplyDeleteinggit aco. sana pede din aco gumala gala. hahaha. ang ganda ng chistmas adventure mo, tas completo pa kayo. haha sana kami din next year :D
happy new year :D