Yay for my first full Tagalog entry ^.^
Bago ipasok sa kahon patungo sa mga tindahan, kinausap muna ng Pencil carver si Mongol, ang pinakalider ng mga lapis. Sabi nito:
"Bago kayo magsilbi sa tao bilang pangsulat ay tandaan ninyo ang limang bagay:"
"UNA - Makagagawa lamang kayo ng mabuti at kapakipakinabang na bagay kung magtitiwla kayo sa kamay ng hahawak sa inyo."
"PANGALAWA - Masakit dumaan sa matalim na pantasa ngunit kailangan iyon upang maging malinaw ang iyong isunusulat."
"PANGATLO - Huwag mawalan ng pag-asa kung nagkamali dahil puwede mo itong itama sa ikalawang pagkakataon. Kaya nga lagi kayong may kapartner na eraser."
"PANG-APAT - Mas importante ang nasa loob mo kaysa panlabas na anyo."
"PANG- LIMA - Hindi lahat ng papel ay masarap sulatan - may magaspang, may makinis - pero huwag kang hihinto. Ituloy mo lang ang iyong responsibilidad bilang pang-sulat."
Kagaya ng lapis, ang tao ay...
UNA - Makagagawa lamang ng mga dakilang bagay kung hahayaan niyang kamay ng Diyos ang umakay sa kanya.
PANGALAWA - Ang mga masasakit na karanasan ng tao ay nagsisilbing "pantasa" upang lalong mapatingkad ang kanyang pagkatao - nagiging matatag siya sa mga pagsubok ng buhay.
PANGATLO - Laging may pagkakataong itama ang lahat ng kamalian sa buhay.
PANG-APAT - Ang mahalaga sa tao ay ang nilalaman ng kanyang puso hindi ang kanyang panlabas na anyo.
PANG-LIMA - Sa paglalakbay sa mundong ito - mabatong daan man ito o makinis na semento - ituloy mo lang ang paggawa sa mga responsibilidad na iniatang sa iyong balikat.
Kinuha mula sa Kolum na Diklap ni Ms. Anne
Diyaryong Pang-Masa (PM)
maganda itong post mo na ito..noong may PM pang diaryo na dumarating dito ay lagi akong nagbabasa ng Diklap..nasubaybayan ko ang mga istorya ng buhay ni Ms. Anne..naikukuwento niya iyan sa column niya..kung di ako nagkakamamali ay bawat linggo alam mo na sa PM ay may mga kuwento doon na pinapublish na mula sa mga estudyante o hindi na mahilig magsulat..kuwento at tula iyon..diyan ako nahirapan sa PM..ang dami kong ipinasa na kuwento at tula pero walang napublish..hehe..
ReplyDeletei always read Diklap noong may PM pa na diaryo na dumarating..hanga ako sa mga istorya niya lalo na parte sa buhay niya..nasa page 4 ang diklap if i am not mistaken..
magsulat ng naaayon at kagustuhan ng iyong isip..
Hey Arvin,
ReplyDeleteyeah, PM saka Pilipino Star ang diyaryo namin dito sa house. At favorite ko talagang basahin yung kolum ni Ms. Anne. Sayang marami pa sana akong ipopost na mga inspirational stories na gawa nya dito kaso tinangay ng baha (pak kasi tong si Ondoy lolz) kaya ayun, back to zero yung koleksyon namin ng PM sa bahay ahaha. Uu every week may pinapablish na mga short stories submitted by various students dun. Sayang, bakit kaya di nila naipublish yung sayo? I know you have the talents, specially poem writing. Hmmm...
Anyways, salamat sa pagkumento ^_^
lagi akong nakaabang sa mga susunod mo pang mga tula.
natuwa ako sa post mo. whoever made it deserves an applause. hehe. ayos parekoy :P
ReplyDeleteang diaryo na dumarating dito sa amin ay pilipino ngayon, bandera,remate,saksi,xfile..taliba,at iba pa..wala ang PM..ewan kung bakit..Sa pilipino star ngayon ay bawat linggo may column diyan sa bagong sibol..diyan ako may mga napublish matagal na..di na kasi ako estudyante..column lang kasi iyon ng estudyante..sa PM ay pwd hindi estudyante..maganda talaga ang column na diklap..nakaka inspire sa mambabasa na tao..if i am not mistaken ay food technologist yata siya..sa pinagtrabahuan niya hawak niya ay ang mga recipe na bawal talaga ikalat kasi baka makuha ng ibang kompanya..lately kong nabasa sa kanya ng may PM pa dito ay iyong tungkol sa kapre na pag madaling araw daw ay nakakaamoy siya ng usok ng sigarilyo..eh ayaw ng katawan niya ang usok..tinanong niya ang anak niya kung may nagsisigarilyo..sabi ng anak niya ay wala naman..ayun naghinala siya na may kapre..may ginawa siyang ritwal siguro o panalangin at ayun di na nagkaroon ng usok ng sigarilyo kapag madaling araw..i guess na read mo iyan..
ReplyDeleteWow! Matalinghaga! We are all the mighty pens of God if we only allowed ourselves to be driven by HIM. Nice!
ReplyDeletePwede ba magdagdag... jijijiji... pang anim: may mga lapis na may daan ng ngipin ng bata (jijijijiji... di ko gawain yun..peksman! *wink* jijijiji)... nagkakaroon ng marka na kahit di naman masakit pero nananatili pa rin ang marka... gaya sa tao... may iilang nananakit sa iyo kahit maliit nagiiwan pa rin ng bakas... jijijijiji
ReplyDeletewow galing naman...pwede bang magrequest ng brand?! nyeehehe!
ReplyDeletesteadler pwede? wink..wink..
Ayos to pre! nakatanggap ako ng email na ganyan pero english naman sya :)
ReplyDeleteAstig nito. Gusto ko ung inadd ni Xprosaic kahit medyo naguilty ako ng konti. :D
ReplyDeletemy first time here. nice blog :)
Fan din ako ng Diklap ni Ms. Anne..hindi nakakaboring basahin :)
ReplyDelete