September 26, 2009 - isang sabadong di malilimutan ng mga Pilipino.
Eksaktong isang taon na pala ang lumipas ng magulantang ang kalakhang Maynila, Quezon City, Pasig, Bulacan, Laguna, at ibat-ibang bayan sa Rizal dahil sa hindi inaasahang malawakang pagbaha na dulot ni Bagyong Ondoy. Signal #2 lamang noon ngunit napakadaming ulan ang dala nito. Sa loob lamang ng mahigit 10 oras na walang tigil na pag-uulan ay nagmistulang dagat ang maraming lugar dito sa NCR at Region 4. Walang sinanto ang malaking tubig-baha. Mapa mahirap, mayaman, simpleng tao at artista man ay hindi nakaligtas sa lupit ni Ondoy. Libo-libong pamilya ang naapektuhan. Maraming bahay ang inanod at nawasak. Halos umabot sa ilang bilyong piso ang total cost of damage sa mga ari-arian at marami din ang namatay.
Noong kasagsagan ni Bagyong Ondoy last year, hanggang lagpas-tuhod umabot ang tubig-baha dito sa loob ng aming tahanan. Hanggang hita or halos umabot naman sa waist yung baha sa labas. Ang inakala kong simpleng araw ng Sabado na yun ay nabahiran ng kakaibang kaba at takot. Mga bandang 11:30 ng umaga ng simulang nagkaroon ng tubig sa gate pa lang namin. Ang akala namin noon ay hindi na yun tataas pa pero ilang minuto lang ang lumipas ay nasa loob na ng aming bahay ang tubig-baha. First time yun na makaranas kami ng ganung pag-baha - nasa mataas kasi na lugar tong street namin at hindi talaga ito inaabot ng baha dati. Syempre nakaramdam na kami ng kaba noon. Itinaas na namin ang mga importanteng gamit na pwedeng itaas sa isang mataas at secure na lugar ng aming tahanan. Nagsimula na rin kaming mag-pack ng mga damit. At noong patuloy pa rin sa pagtaas ang tubig, nagpasya na kaming makituloy muna sa isa naming kapit bahay na may second floor. Masigasig naman nila kaming tinanggap sa kanilang tahanan at yun ang ipinagpapasalamat namin sa kanila. Mga bandang pasado Ala-Singko na ng hapon ng humupa ang tubig baha dito sa aming lugar. Maglilinis sana kami ng house, ang kaso wala kaming kandila at mahina na yung battery ng flashlight namin. Madilim na noon dahil pagabi na at brownout pa. Kaya ipinasya muna namin na ipagpabukas na ang paglilinis at doon muna magpalipas ng magdamag sa aming kapit bahay. Tinulungan din namin silang maglinis ng kanilang first floor bilang kapalit ng kagandahang loob nila sa amin. Kinabukasan, ayun tumambad sa amin ang maputik at magulo naming neighborhood. Yung sa house namin, mga hapon na kami natapos sa paglilinis ng mga dumi at putik. Grabe, parang sumabak sa gera ang itsura ko noon. Puro putik ako saka ang sakit ng buong katawan ko. Pero all in all ay nagpapasalamat pa rin kami kay Lord dahil ligtas ang aking buong pamilya noong araw na iyon. Napagisip-isip ko din na masuwerte pa din kami dahil hindi ganun kalalim ang tubig-baha dito sa amin. Yung sa ibang parte ng aming baranggay, lalo na yung nasa mabababang lugar, halos hanggang 15 feet ang tinaas ng tubig. Sana talaga hindi na ito mangyari muli. Napakahirap at nakakatakot!
Eto yung itsura ng lugar namin at the height of typhoon Ondoy. Shots taken by me and my younger sister using her cellphone camera.
(Paki-click na lang yung images for a larger version)

Maraming leksyon ang dapat nating matutunan sa pangyayaring iyon. Syempre, unang-una na dyan ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan, gayundin ang ating pagiging laging handa, lalo na ng pamahalaan at lahat ng kinauukulan, sa mga bagyo at kalamidad. And lastly, ang pinakamabisa nating sandata, ang manalangin at patuloy na humingi ng gabay sa ating Poong May Kapal.